16th chapter

1719 Words

"Gago! Hindi talaga ako magpapakasal sa 'yo! Makikita mo bukas! Walang dadating na bride!" Nanggigil si Amber matapos siyang bagsakan ni Hunter ng pinto. Gustung-gusto niya itong habulin at sapakin sa mukha para sana matauhan. "Tangina niya!" Nakaalis na si Hunter ay hindi pa rin humuhupa ang pag-aalburuto ng kaniyang dibdib. Nagpalakad-lakad siya sa silid, hindi mapakali ang kaniyang puso't isip dahil sa umaapaw na inis sa lalaki. Oo nga't isa na siyang ulilang lubos, batang kalye at madaming record sa presento pero tama bang tratuhin siya nang ganoon ng lalaking iyon? Aba, ang kapal naman ng mukha nito. Hindi porket patay na ang mga magulang niya ay kalilimutan na nito ang nagawang tulong noon ng kaniyang ama sa kompanya ng mga Giordano! Hindi siya lumabas ng silid. Nagkulong siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD