"Señorito, si Madam Salem." Kiming inabot ng kasambahay ang telepono kay Hunter. Kasalukuyan siyang nagkakape sa balkonahe sa second floor, kasama si Felix. Daig pa nila ang nakipaglamay kagabi. Wala silang tulog dahil magdamag nilang hinanap si Amber, ngunit nangangalumata na pareho ay hindi pa rin nila natagpuan ang babae. "Mom—" "How could you be so thoughtless!" malakas na bulyaw ni Salem sa kabilang linya. "I can explain, Mom..." "Find Amber! O tatanggalan kita ng mana!" "Wait—what?!" "Find her now!" At pinatay na nito ang tawag. Hindi man lang hinintay ang sasabihin niya. "Fu ck!" Halos madurog na niya ang hawak na phone sa pagkakapiga. He's unshakeable, but his mother's words are too powerful na kahit ang isang tulad niya na walang kinatatakutan ay napapayuko na lang

