"Ate Amber, kumain ka na. Nagluto ako ng bago mong paborito... Crispy pata!" Humigpit ang kapit ni Amber sa handrails ng balkonahe na nakakonekta sa kaniyang silid. Bagaman nanuot sa kaniyang kalamnan ang lamig ng panahon ay hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Her eyes remained fixed on the dark sky, seeking comfort in those twinkling stars as she held back her tears. Ilang linggo—buwan na nga yata ang nakalipas mula nung gabi ng lagim, kung kailan nangyari ang pagtraydor sa kaniya ni Tope. Kung kailan pinagsamantalahan siya nito, at sinira ang kaniyang buong tiwala. Hanggang sa mga oras na iyon ay nalulungkot pa rin siya, naiiyak, namumuhi, nadudurog, yung pakiramdam na nagdurugo ang kaniyang puso sa loob ngunit hindi niya magawang mailabas. Gusto niyang sumigaw at magwala, gusto

