Dawn was breaking when Hunter arrived at the hospital. At kahit kinulang sa tulog, he still had a refreshingly attractive appearance that drew people's attention. Ngunit kung gaano kabuhay ang kaniyang itsura ay gano'n naman kalubog ang kaniyang emosyon at pag-iisip, lunod na lunod iyon sa pag-aalala sa kalagayan ni Amber. Hindi na siya makapaghintay na makita ito. "Excuse me," medyo hinihingal na sambit ni Hunter sa nurse sa information desk. Mula sa screen ng computer ay lumipat ang tingin sa kaniya ng isang 30-year old nurse na babae. Sandali pang umawang ang bibig nito nang makita ang perpektong ubrang nasa harap nito. "G-good morning, sir!" Ngumiti ito sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga. "I'm looking for a patient named Amber." "What's your relation to the patient, sir?" "A

