... "I hate you." Nagpakayuko-yuko si Ivory. "I really hate you right now." Muli kong pagdiriin. Umayos ako ng pagkakaupo ko pasandal sa kama na naka-adjust. Nakaupo naman si Ivory sa gilid nun at nakaharap sa akin. "Oo na. Sorry na, boss." Mahina nyang sabi pagkatapos ay napakagat-labi sya. Aww. Bakit ba ang cute nya sa itsura nyang yun? Tapos, didilaan nya yung kinagat nya. Tapos kakagatin nya ulit. Peste. Parang nadaragdagan pa yung kagwapuhan nya sa ginagawa nya ah. Mas lalo tuloy akong naenganyong titigan sya. Pumayat sya, oo pero mas lalong naenhance yung cheekbones nya, yung tangos ng ilong nya pati na rin yung hulma ng panga nya. I gazed at his dark red lips. Parang gusto ko ring makikagat. Shit. Napapakagat din ako sa labi ko sa katitingin sa kanya. Napalunok ako nang mah

