Happy bday muna kay Madz de Leon! Enjoy this chapter. Alam kong namiss nyo ito. ....... I automatically looked at the clock when I opened my eyes. It's 4 in the morning. Napaaga obviously ang gising ko. Agad kong tinignan kung nasa tabi ko pa si Robby. Kagabi kasi ay nagpumilit syang dito sa sofabed matutulog dahil nagsasawa na daw sya sa hospital bed nya. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang pamumula nya nang tuksuhin ko syang namimiss lang nya akong katabi. Ngunit noong sumimangot na sya, itinigil ko na ang panunukso ko sa kanya. Baka kasi magbago pa ang isip nya at tuluyan na syang magalit sa akin. At bilang isang mapagmahal na kabiyak, buong puso kong inayos ang higaan namin. Tatanggi pa ba ako? Pagkakataon ko na iyon para makatabi syang muli sa pagtulog, mayakap, malambing at

