Dali dali naman siya pinaupo ni Lester at sinabihang wag na alalahanin ang mga nakaraang hidwaan at hindi pagkakaunawaan.
Naparito siya upang personal na madalaw ang matanda at dumako sa ilang mahalagang talakayin. Pinangunahan na ng matandang Arsenio ang usapin...
"Apo,ikaw na lang ang maaasahan ko sa mga bagay na ito.Sa Manila hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Ngayon kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.Ayaw kong masayang at mapunta lang sa karumal dumal na tao ang akin at iyong pinaghirapan. ikaw lang ang natatanging benepisyaryo ng buong deposito at may karapatan sa World bank at wala nang iba.Kung dati ay kung sino ang CEO ng kupanya ay siyang may kapangyarihan para dito,ngayon ay hindi na.Lihin akong nakipag ugnayan sa tulong ni Bogart upang maipabago at maiwasto lahat ng nakalahad sa testamento. Simula noong magkaroon na kami ng hinala sa pagpapainom nila sa akin ng lason upang manghina ang aking katawan at tuluyang maging lantang gulay,naisaayos namin ang lahat.Ang atin na lang kailangan harapin ay ang mag anak ng mga ahas. Babalik ka ng El Grande bukas na bukas din at paalisin lahat sa posisyon ang mga hudas na iyon.Hawak na ni Bogart ang lahat ng dokumentong kakailanganin mo,may ilang mga Board member din ang nakipagsabwatan at pumanig sa kanila sa pagaakalang ako ay nakaratay na at wala nang kakayahan.Kaya naman ikaw ang dapat na muling mamuno at tunay na karapat dapat na magmana ng ating kumpanya.Sa totoo lang hindi ko na rin talaga kayang pamunuan pa ang El Grande,alam na alam mo kung gaano kakomlikado ang pamumuno sa isang higanteng kumpanya. Sa katandaan ko hindi na kakayanin ng katawan ko,tapos na ang panahon ko apo. Panahon mo naman!"
Mahabang pagsasalaysay ni Don Arsenio.
Naunawaan naman ni Lester ang pahayag ng matanda kaya naman di na sila nag aksaya pa ng oras ni Bogart. Agad din silang bumiyahe pabalik ng manila kung saan naroon ang may dalawamput apat na palapag na gusali ng El Grande .
Sa labas ng El Grande building sa hindi kalayuan nakatanaw si Lester at pinagmamasdan ito nang maigi,naglalaro sa isip niya na sa kabila ng kagandahan at karangyaan sa panglabas nitong hitsura,sa loob naman ay umaalingasaw sa buong gusali ang baho ng mga namumuno rito kabilang na ang ilang mga board member na mga nagtaksil kay Don Arsenio..
Lumingon siya kay Bogart at may pagka dominanteng sinabihan...
"Maghanap ka ng isang maayos na bahay na tutuluyan ko ng paminsan minsan at isang magarang sasakyan..tsaka ko na ipapaliwanag sa iyo ang aking kasalukuyang sitwasyon.Bubuo ako ng isang pangkat na makakasama at makakatuwang nating dalawa sa mga haharapin nating mga suliranin.Bukas din magsisimula na tayo maglinis ng mga dumi sa El Grande,ihanda mo ang listahan ng mga nagtaksil na kasosyo sa negosyo,iisa isahin natin silang pabagsakin at lahat sila magbabayad na may karampatang parusa na hindi hindi nila malilimutan sa buong buhay nila....."
Mahabang litanya ni Lester na may mapagmataas na tono ng pananalita....