Chapter 7

1310 Words
Yeah right, walang nangyayaring kababalaghan sa room ngayon. Tahimik ang lahat included sila Claire at mukhang wala ata siyang balak maglibot sa school bilang SSG President. As usual, ako nanaman ang nauna sa dalawa, alam ko si Mat minsan na l-late ng ilang minutes, pero si Fin naman dumadating siya 5 minutes before class starts. "May new transferee nanaman, Maeko 'daw ang name, ginawa atang bagsakan ng transferee ang room natin." Napukaw ng mga mata ko 'yung dalawang babaeng nag-uusap malapit sa upuan namin nila Mat. Lagi nilang binabanggit ang salitang "transferee". What's with those girls. Sinubukan kong ituon ang pansin ko sa pagbabasa ng Heavenly Official's Blessing, title ng librong nabili ko sa national bookstore nung nakaraang linggo, hindi ko lang nabasa dahil nag-iisap ako tungkol sa pag suicide. "Gwapo rin 'daw 'yung new transferee, sayang si Ortiz, laging kasama ni Laurier." Nyak, nasama pa'ko, si Mat may pakana kung bakit kasama namin si Fin ngayon. And ano naman kung gwapo, I'm handsome too you know- stop it Laurier, you're just wearing an inapproriate uniform. Hindi na ako nakipagtalo sa isipan ko, dumating na silang dalawa at sakto nag-uusap padin 'yung dalawang babae kaya narinig ng dalawa ang pinag-uusapan nila. "May new transferee?" Tanong ni Mat, tumango ako bilang sagot, isinabit niya ang bag niya sa katapat niyang upuan at umupo sa tabi ko, gayun 'din si Fin. He have a messy hair right now, unlike kay Mat na kahit stress kagabi fresh padin 'yung itsura. "Puyat ka nanaman ba?" through my peripheral vision, halatang nagulat siya sa tanong ko. "I tried to search about Summer's whereabouts pero wala parin akong mahanap ni isa." If you just know. Medyo na g-guilty na ako, sasabihin ko ba sa kaniya? I guess hindi muna, but I'm sure I will regret it so much. Probably she deleted her social media accounts. "Class, here's our new classmate." Pumasok siya sa loob, he seems confident than Fin. Hindi maayos ang uniform niya at magulo 'din ang buhok, he have a messy brown hair too, ba't ba uso ngayon magpa-brown hair? First Impression: Halatang tarantado. "This is Maeko De Guzman." Pagpapakilala ng SSG President. He didn't introduced himself, first impression is correct, second, pag-upo palang ay wala ng galang, at last. Bakit sa row namin siya uupo? Through my peripheral vision again, nakatingin lang siya malapit sa bintana, Finnix don't pay attention that much sa katabi niya. Mat and I keep glancing to each other. Dumating na ang first subject namin, as usual hindi nanaman kami nakasagot sa recitation dahil nauunahan kami ni Tori at Claire. Maeko seems to be unbothered sa lesson, hindi manlang siya nakikinig at wala siyang pake sa paligid niya, pag nagtanong si Fin hindi siya sasagot. Unbothered king. When recess came, natulog lang si Maeko, sinamahan ko sina Fin at Mat para kumain sa canteen. "Thoughts niyo sa new transferee." Tanong ni Mat. "Unbothered king." "Naka serious mode on." "So, pansin niyo rin pala, wala naman akong nakita sa record ni mama na may bagong transferee sa section natin." tumigil siya para kumain at tumuloy ulit sa pagsasalit, "or hindi ko lang tinignan maigi dahil baka makita ako." "Hindi ka ba talaga kakain Serenity? Gusto mo ba libre kita?" Tama kana, masyado kanang mabait. "Hindi na, madami akong nakain kanina, kain lang kayo diyan, don't look at me." Nag head-down nalang ako sa table namin. "Ayaw mo bang matitigan ng isang Finnix Ortiz at Mateo Ramos." he laughed at his own jokes, "o baka si Sebastian ang nais." Inis kong ibinato ang tissue paper sa kaniya, I have no time for jokes, gusto ko lang ay matulog dahil nagpuyat ako sa online games kagabi. Finally, tapos na, muntik ko na maibuhos kay Mat 'yung tubig na iniinom ko kanina, wala siyang tigil sa kakabanggit ng pangalan ni Seb, pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante dahil sa ingay namin. Pagkabalik, Maeko greeted us which is terrifying. I'm just terrified, that's all. "I'm Maeko, nice to meet you." Nakipag-kamay siya, and I cringed kaya hindi ko tinanggap iyon. Masyadong ma-drama ang pag greet niya, need pa makipag-kamay? Ano ka business man? Ba't hindi siya nag greet kanina? What is he up to? Nevermind, I mean transferee siya, so let him be, makipag close siya kung gusto niya. Basta 'wag lang siya lumapit sa'kin, everything will be fine. I didn't need someone like him anyway. Transferee lang siya, ba't ganyan ka maka-react? Naiirita ako sa kanilang tatlo, walang ginawa kundi mag-usap habang nagtuturo sa harapan, I can't even focus dahil sa tawanan nila! Mas lalong naging maingay si Mat, ang sarap niyang hampasin lalo na't ang likot likot niya. "Aray ko Fin! Binibiro lang kita e, Maeko anong type mo sa babae." "Not showy, and maganda humor." Tinakpan ko nalang ang tenga ko, I don't want to hear their bullshits anymore. "Si Serenity, ano type niya sa babae." "Uh, actually..." Inangat ko ang ulo 'saka tinakpan ang bunganga niya, hindi nagulat si Fin bagkus natawa lang siya sa ginawa ko. "He's a gay...?" Inosenteng tanong ni Maeko, tumango kaming dalawang ni Fin, si Mat ay may sinasabi pero mas lalo ko pang idiniin ang kamay ko sa kaniya. "Oh, I didn't know sorry." Binitawan ko na ang bibig niya, namumula siya siguro'y hindi siya nakahinga kanina. Ibinalin ko nalang ang tingin ko sa blackboard, hindi ko na ulit sila pinansin. Unti lang ang nakakakilala sa'kin dito, It doesn't matter to me kung ano mang lumaganap na balita tungkol sa'kin. Maeko wants to say something, nakita ko siyang kakalabitin ako sa peripheral vision ko but I already glanced at him at tinaasan siya ng kilay. "S-sorry, may tatanong lang sana ako." For the third time, inayos ko ulit ang upo ko, hindi ko parin siya pinansin. "Unbothered Queen." rinig kong bulong ni Fin kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Bakit ba nila ako pinag tri-tripan? Buong magdamag nawala ang focus ko sa mga subject, It's their fault! Kanina pa nila ako pinag-uusapan, kesyo nung bata ako mahilig ako maglaro ng barbie and do some girly stuffs, like what the f**k. They're making up things! Sobra na ata 'yung pagiging delusional nila. Masyado na akong na bo-bothered sa mga pinagsasabi nilang dalawa, eto namang si Maeko paniwalang-paniwala. Maybe mali 'yung theory ko na tarantado siya, he's kind too, then bakit ako na te-terrify sa kaniya? Or maybe natatakot lang ako sa mga matatangkad. "Tas alam mo ba si Serenity crush ko dati-" I looked at him seriously, masyado na atang napapalayo 'yung topic niya. Crush my ass, ano nanamang haka-haka pinagsasabi neto. "So, you're a gay too?" Nasampal ko nalang ang noo ko, they're sharing the same braincells, Mat maybe giving a hint pero hindi parin napapansin ni Maeko. I gave them a fierce glare to get their nonsense done. Their foolish thinking must be stopped. "H-huy gagi, joke lang," hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya, he's still cracking up! Tahimik na ang dalawa, eto nalang tarantadong 'to, kanina pa ako napupuno sa kaniya. Claire glanced at me with disgust from a distance. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, she was my first friend whom I didn't want to lose. A part of me wants to blame Cath for everything. "Hayaan mo siya, just play along with Mat, she's getting bitter," Fin muttered. Hindi kami narinig ni Mat dahil nag sc-scribble siya. "Stop scribbling! You're not a kid jerk," I forcibly get his notebook and saw his drawing. What kind of bullshit is this. Binalik ko nalang ito, ayoko na makita pa. He's really incredible. "You know, It's valuable to me, 'wag mo kunin kung ayaw mo makakita ng tit-" Fin cut him off. "Mat, that's enough." He was blushing?! Tit- what, I thought it's a freaking bunny?! Napawi ang tawa ko ng makita ko siya. I saw Cath outside our room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD