If I could just skip this class...
"Huy, Serenity, ikaw na manghiram kay Martinez!" kanina pa kaming dalawa nagtatalo dito sa labas ng room nila Sebastian kung sino ang manghihiram ng Art materials.
Tinulak ko siyang bahagya palapit sa pintuan nila Seb, mabilis niyang hinila ang braso ko hanggang sa mapunta kami sa tapat ng pinto nila.
"Hmm? Sino kayo?" s**t! Patay! Umikot ako papuntang likuran ni Mat, nagulat siya ng bahagya, he seemed to be nervous, just like me.
Naglakad ng dahan-dahan ang malaki at matabang kaklase nila Seb na si Elias, isa sa kinakatakutan ng mga estudyanteng 4th year dito sa school.
"Sabi ko, sino kayo?" nakakatakot at sobrang lalim ng boses niya, sunod-sunod ang paglunok ko; pwede akong mapahamak dahil hindi niya naman alam na babae ako, ayoko ng masuntok, masyadong masakit, buti na nga lang may foundation ako para matakpan ang nangyari sa'kin kahapon.
"We need to speak with S-sebastian," pagkasabi niya 'non, medyo naningkit ang mga mata ni Elias, bigla niyang tinawag ng malakas si Sebastian, ang kaba ko ay mas lalong tumaas.
Tangina kape pa bago lumayas ng bahay.
"Who the f**k? Tell them I'm playing with Kerl," malalakas at maarteng tawa ang naririnig namin ni Mat sa loob ng room nila Seb, Math's face was filled with disbelief as he glanced at me. pero iniwasan ko ang tingin niya, 'yung damulag naman sa harapan namin ay ngumisi.
"Martinez, tumayo ka diyan, mukhang kilala ko na kung sinong bumibisita sa'yo," nanlamig ang mga kamay ko, hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya, malamang ay si Mat dahil anak siya ng Principal, pero wala naman siyang atraso kay Seb.
Did he know me?
"Sino nga? Why are you refusing to answer my question?!" inis niyang tugon. Mas lalo pa akong nagtago sa likod ni Mat, hinawakan ko 'din ang kamay niya sa kaba.
Hinawakan niya 'din pabalik ang kamay ko, parehas kaming nanlalamig sa nangyayari.
"Kiel babe don't leave!" Malapit na sa bungad ng pinto si Sebastian, kitang-kita ko kung paano niya yakapin 'yung babae.
"Babe someone needs me, umupo kana."
"Yuck." Bulong ko. Hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa kaniya, basta ang alam ko Art Materials lang kailangan namin hindi siya.
Parang lintang kumapit 'yung babae sa kaniya, para lumayo ito he kissed her forehead, this was unexpected to see, after 2 months naming mag break-up meron na kaagad siyang bago?
"Anong kailangan niyo— Autumn?" Nakatago parin ako sa likod ni Mat.
Umabante na ako para kausapin siya, hawak-hawak padin ni Mat ang kamay ko habang sumisipol.
"C-can we borrow your Art Materials?" I know what he likes to do, bago maging kami inalam ko mga paborito niya, isa na 'dun 'yung pag painting.
Parang bulang naglaho 'yung effort ko sa'ming dalawa.
"Y-yeah sure." Bumalik siya sa loob para kunin ito, mabilis 'din siyang nakabalik, "Eto oh, sabihin mo lang sa'kin if my need ka pa." Nahihiya siyang ngumiti sa harap namin.
Si Mat naman ay seryosong pinapanood ang kilos niya, pinabitbit ko sa kaniya ang mga gamit, kinuha niya naman ito, nagpasalamat na ako sa kaniya.
"Naneto, 'di na kami babalik, tara na," sabi niya. Bigla niya akong hinila, narinig ko pa ang pagtawag ni Seb.
"Tanginang 'yun, nakikipaglandian na nga, tinatawag ka pa." Malapit na kami sa room. Kung ano-anong sinabi niya tungkol kay Seb, tumatango ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Tas alam mo, gusto ko siyang paalisin dito sa school, kaso malakas ang kapit kay Mama, haha." Pagpasok namin wala pang natatapos, I guess hindi naman kami masyadong natagalan.
Kinuha ko na kay Mat ang mga Art Materials, kumpleto ang art set ni Seb, merong mga ruler, graphite pencil, water color, at oil pastel na high quality, mayaman eh.
Ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Fin, mukhang hindi niya natiis maghintay naki share siya kila Tori at Claire, ano bang pake ko, let him be.
"Luh, naneto ni Ortiz, sa iba sumama." Nilagay ko ang dala ko sa upuan ni Fin since wala naman siya doon, hindi rin naman kasya sa lamesa ko.
"Hayaan mo siya, ang linis pa ng oil pastel, nakakahiyang dumihan." Ani ko.
Nag drawing kami ng house design na gusto namin pag lumaki kami. Ang oil pastel ni Seb pinupurol ni Mat.
"Tangina hindi sa'tin 'yan!" Mahina kong sigaw sa kaniya, sinubukan kong kunin ang color black pero mas lalo niya pa itong nilalayo.
"Hayaan mo siya, kaya ko namang palitan-don't come near me!" In the end hindi ko nakuha 'yung pastel, mas lalo niya pa itong kinulay sa walang kwenta niyang drawing.
"Ikaw magsauli mamaya." Hindi na kami nagtalo, medyo tumatawa pa siya habang inaaksaya ang kulay.
...
"Ayan tapos na!" Para siyang bata, hinarap niya sa'kin ang drinawing niya na akala mo maganda.
May 10 minuto nalang kami bago matapos, dinalian ko narin ang paggawa. Medyo magaling akong mag drawing kaya naging madali ang paggawa ko sa bubong.
"Serenity palit tayo!" Hindi na ako nagulat sa sasabihin niya, dati ay umaattend ako sa Art Class noong Grade 6 ako, kahit na labag ito sa gusto ni Dad, tumatakas ako sa bahay para lang doon.
In the end, nahuli niya ako, lahat ng mga drawing ko sinunog niya sa bonfire noong nag family camping kami.
Naramdaman ko ang pagdating ni Fin habang nag s-sketch pa ako, nilagay niya sa upuan ni Mat ang lahat ng pang-kulay.
"Wow, you're good at sketching, paano mo naman 'yan kukulayan?" Ipinakita ko ang water color na kanina ko pa hawak dahil baka ito ang isunod ni Mat.
Mukhang tapos narin siya. Nanonood siya sa'kin habang nagkukulay, sinilip ko ang drawing niya sa peripheral vision ko, halos magka-parehas sila ng drawing ni Mat, ang panget tapos 'yung kulay lagpas lagpas, may araw tsaka...bukid?
"Ano ka kinder?" Kunot noo kong tanong, napa 'Hmm?' siya at kinuha niya ang drawing niya para tignan ito.
"Ok naman ha, mas malala nga 'yung kay Ramos eh." Tinuon ko nalang ang pansin ko sa ginagawa ko.
Ng matapos ako, piningot at hinila ko si Mat pabalik sa puwesto namin dahil tatakas nanaman siya. Recess na namin ngayon at nagpaiwan kaming dalawa dito, si Fin ay kasama nila Claire.
"Kung sa teacher at kay Claire makakatakas ka, sakin hindi!" Tinuro ko ang mga pastel, inambaan ko siya ng suntok dahil nagmamatigas pa siyang hindi ayusin ito.
Walang hiya, basta talaga mga Ramos, tsk.
"Hoy, remember babae ka parin, I can kiss you just to make you stop." Binatukan ko siya ng sobrang lakas, nandidiri akong tumingin sa kaniya.
"Ge gawa, tangina neto-" Before I could finish what I was saying, he kissed my right cheek.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya, kasi tangina ba't ang bilis kumilos ng lalaking 'to?
Pinunasan ko ang pisnge ko at mabilis na umalis sa harapan niya, akala ko tatawa siya pero seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.
"What happened to your face?" Sa una hindi ko alam kung anong tinutukoy niya hanggang sa makita ko ang kamay ko.
Naalis 'yung foundation.
Tinuwid ko ang tayo ko at sinalubong ang seryoso niyang tingin. Ngumiti ako ng awkward sabay alis ng tingin ko sa kaniya.
"D-dalian mo na, need na 'yan ni S-seb- Martinez." Rinig ko ang bugtong hininga niya. Naglakad lakad ako sa mga habang sumisipol, pag sinabi ko baka ipagkalat niya lang.
Pagkatapos niyang ligpitin ang mga ito, naglakad ako palapit sa kaniya para alalayan siya sa malaking set ng oil pastel.
Ramdam ko ang titig niya sa pisnge kong may pasa, I tried to smile para iparamdam na wala lang 'to but I failed.
Habang hawak-hawak ko ang mga pangkulay, may mga luhang tumutulo sa mata ko, my eyes were blurry, I can't see Mat but I can feel his emotion.
Kanina ko pa pinipigilan 'tong emosyon ko mula pa nung niyaya ako kumain nila papa.
Kinuha niya ang mga hawak ko, after that, he hugged me tightly.
"Diba sabi ko mag best friend tayo hanggang mamatay, you can share your pain with me, you know that." bulong niya, siya na ang unang lumayo, he patted my head 'saka mas lalong ginulo ang buhok ko.
"HAHAHAHA BRUHA!" Biglang umatras ang mga luha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa phone at tama nga siya, sobrang gulo na ng buhok ko. Kesa magalit natawa na lang 'din ako.
He's the sweetest friend that I only have.
He never failed to make me laugh at his joke, he always there for me, and siya nalang ang natitira kong kaibigan, I can't feel Claire now. She's completely different.
"What happened to both of you? Ba't ang gulo ng buhok mo...pfft." Natawa rin siya pero nabawi 'din kaagad ng gulat.
Shit, I forgot, hindi lang pala si Mat ang makakakita!
"Did someone hurted you?" Katulad ng nakasanayan kong gawin, I waved my hands to him.
"Wala wala, naano lang ako-" Ano ba idadahilan ko? Nadapa? Nabato?
"Nabato lang ako ng mga bata." Pagsisinungaling ko, agad naman siyang naniwala, si Mat hindi.
"T-tara na Mat, bigay na natin 'yung mga gamit ni Seb." Bumalik ulit ako sa upuan para kunin ulit ang mga gamit, tumulong nadin siya, may balak pa sana siyang magtanong ng sagutin ko na ito.
"Si Papa ang may gawa, 'wag mo nalang sabihin." Tahimik nalang kaming naglakad sa maingay na corridor ng school.
Nandito na kami sa tapat ng room nila, tahimik si Seb na nag aabang sa labas habang nakasandal sa pinto, I don't exactly know kung sino ang hinihintay niya, 'yung Kerl ba o kaming dalawa.
Seryoso siyang nakatingin sa kawalan, hawak niya lang ang cellphone niya, dinadaan daanan lang 'din siya ng mga kaklase niya.
Lumingon siya sa gawi namin, ngumiti siya ng makita ako pero nung tumingin siya kay Mat nawala rin ito.
"Thank you." Nag bow ako sa kaniya para magpasalamat, nag bow 'din siya pabalik, alam kong sa pisnge ko siya nakatingin.
Tumalikod na kaming dalawa ni Mat at nagsimulang maglakad, sabi ko ay pass muna ako sa Cafeteria kasi tinatamad pa'ko kumain, gumaya 'din 'tong kumag na kasama ko.
"Same, ang panget ng mga pagkain sa Cafeteria, sabi ko kay mama papalitan ng buffet eh." Sa pangalawang pagkakataon binatukan ko ulit siya.
"Tarantado ka talaga." Ano ba pumapasok sa isip ng lalaking 'to? Abnormal.
"Aray ko pota-" Natigil kaming dalawa ng makarinig kami ng sigaw na nanggagaling sa tapat ng room, tumakbo kami para makita ang nangyayari.
Laking gulat ko ng makita ko si Cath dito sa school, gulo-gulo ang buhok niya, nakisiksik ako sa kumpulan at nakita ko kung sino ang gumawa nun sa kaniya.
"Claire! Cath!" Ang lahat ng atensyon nila napunta sa'kin, umiiyak si Cath at si Claire naman ay galit na galit.
Nilapitan ko si Cath at inalalayang tumayo, namumula ang maputi niyang mukha dahil sa kakaiyak, hindi ko alam na nakabalik na sila Claire, pero bakit pumunta dito si Cath? At ba't galit si Claire?
"Kilala mo siya Serenity?" Tanong ni Mat sa likuran ko, binigyan ko ng tissue si Cath, hindi padin siya umiimik.
Sinigawan ni Tori ang ibang estudyante na umuwi sa kani-kanilang room, kaming lima ang natira dito sa labas.
"Do you know her Serenity?!" Pasigaw niyang tanong, wala akong nagawa kundi ilikod si Cath, baka sugurin nanaman siya, malalagot ako kay Dad.
"Step sister ko siya." Maikli kong sagot, a shocked form to their face.
"Tell to your sister na 'wag na siyang pupunta dito, do you want to know why? Ahas 'yang babae na 'yan!" tumigil siya sandali para kumalma, "kilala mo si Waylen, 'yung bf ko na iniyakan ko na pumunta sa Australia at may ex, sa sobrang liit ng mundo, siya pala 'yun." halos pumipiyok na siya dahil sa luha niya.
Nilapitan ni Mat si Claire para patigilin ito sa paghikbi, si Cath naman ay parang na guilty sa nangyayari.
"B-bakit ka pala nandito Cath? Kamusta si kuya?" Haharap sana ako kay Cath para kausapin ito ng muling magsalita si Claire.
"You're my friend but you can't even comfort me." Tumayo siya at pumasok sa loob, sumama 'din si Mat sa kaniya.
I guess...I'm still alone after all.
"S-serenity, sorry, sorry." hinahawakan niya ang kamay ko pero inilalayo ko ito, madami ang nakatingin sa'min ngayon.
"A-ayusin mo sarili mo, umuwi ka na." Sinunod niya ang sinabi ko, pumasok na ako sa room. Si Claire umiiyak pa'rin at pinapatahan siya ni Mat.
Inaalis ko ang tingin ko sa kanila, pinanood ako ng mga kaklase kong maupo.
"Dang, what happened?" Sabi ni Fin na nakatulog sandali, nilibot niya muna ang paningin niya sabay salubong ng mga kilay.
"Serenity, Claire said, k-kilala mo na 'daw kung sino ex ng bf niya, pero 'di mo parin sinabi." Sabi ng isa kong kaklase.
"Kilala? 'Di ko nga alam na nasa Australia siya!" Namuo ang katahimikan sa buong room, napatigil si Claire sa pag-iyak.
Tumayo siya at nakisigaw na'rin, "Walang alam? Lagi kang walang alam!"
Hindi ko maintindihan ang point niya, I tried to reassure myself as soon as I can that this was just a minor misunderstanding.
"Sorry, but stay calm ok, I'm gonna explain everything I KNOW." Sinigurado kong kalmado ako bago tumuloy sa pagsasalita, lahat ng mata nila ay nasa akin, it feels like we're on a debate.
"I didn't know when did she came back here nor about sa pagpunta niya sa Australia, aside from that, kaya siya ang una kong nilapitan kanina dahil-" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila.