PROLOGUE
IYA POV'S
Dalawang taon pa lamang ako sa lugar na ito ngunit nakakapagtaka na tila parang kilala na ako ng lahat... MALIBAN sa university na pinapasukan ko. Hindi ako gaanong sikat sa school na ito ngunit mayroon namang nakakakilala sa akin dahil sa angking ganda at talino ko.
Yabang ko sa part na ito ah! HAHA.
May ilan na gustong magpapicture sa akin at agad ko naman silang pinapayagan.
May ilan rin naman na gustong manligaw sa akin ngunit wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang seryosong relasyon.
Ang gusto ko lang ay makapagtapos ako upang maging isang guro at gusto ko ring ipagpatuloy ang negosyo na sinimulan ng aking pamilya.
Mayroon kaming mall dito sa Batangas at may branch na rin kami sa Cebu, Laguna, Siargao, at Palawan. Pinili namin ang mga lugar na iyon dahil kilala na rin ang aming pamilya duon.
Napaka perpekto ng buhay ko para sa opinyon ng iba ngunit para sa akin ay hindi ko ito maipaliwanag.
Ang aking nakaraan ay tila isang saradong pinto na hindi ko mabuksan-buksan kahit mayroon naman akong susi nito.
Pinipilit kong pag-aralan at tuklasin kung ano man ang nasa loob ng saradong pinto ng aking nakaraan.
Madalas ay tinatanong ko ang aking sarili.
"Sino ang ama ko?"
"May itinatago ba sa akin ang pamilya ko?"
Kung oo, bakit hindi nila sabihin ang totoo?
Bakit kailangan pa nilang ilihim ito?
Paanong ang 'Lavaro' na last name ko ay tila kilala ng lahat?
Para itong buwan na kapag nakapiling ng mga bituin ay mas lalo silang magniningning at isang malaking karangalan na iyon para sa kanila.
...
Sa isang silid ay tila may gumising sa aking magulong pag-iisip.
Hindi ko lubos maisip na makakalimutan ko ang aking problema dahil sa kanila. Ang tatlong lalaki na hindi ko akalain na lubos akong sasaya dahil sa kanila. Iba't-iba man ang kanilang ugali ngunit masaya parin ako sapagkat binibigyan nila ako ng dahilan upang makalimutan kahit saglit ang aking problema.
Ngunit tila kakaiba ang isa sa kanila dahil mas lalong nadadagdagan ang aking problema dahil sa kanya!
Napakayabang niya!
At kahit sino ay kanyang nilalabanan...
Miski ako!
Tama bang kalabanin niya ang babae?
Tama bang mag hari-harian siya dito sa paaralan?
"Hindi ka gwapo para sabihin ko sayo! Isa ka lang bulok na labanos sa paningin ko!" Sigaw ko rito
"Hindi porke' maganda ka ay kakalabanin mo na ako! Alam mo bang sa tuwing nagkakasama tayo... Nawawala ang angas ko!" Galit na sabi ni Aaron. Siya ang lalaking mayabang na tinutukoy ko.
Nawawala ang angas ko!
Nawawala ang angas ko!
Nawawala ang angas ko!
Ano bang ibig niyang sabihin? Nawawala ang angas? E napakayabang parin naman niya!
Ano kayang dahilan kung bakit ko siya nakilala?
Siya kaya ang tutulong sa problema ko?
O dadagdagan niya lang ito!?
(P*tek!)
---
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.
Published: August 26, 2023
Revision: April 4, 2023