Cielle
Panay ang pa-cute ng bagong modelo kay Sir Keeno habang kinukuhanan niya ang modelo ng larawan. Kapag sinisilip ng modelo ang camera ni Sir, napapansin kong madalas niyang haplusin si Sir sa braso na parang nagbibigay ng motibo.
"Do you work out a lot?" the model asked, obviously trying to flirt with him but Sir Keeno just jerked his head and answered in an uninterested way.
"Just an hour a day. Let's wrap it up. We'll update you once we're done with the photos."
Tumalikod na si Sir Keeno sa modelo, pero bago pa man siya nakahakbang ay hinawakan na siya ng modelo sa braso upang pigilan. Umikot tuloy ang mga mata ko sa iritasyon kahit hindi ko naman alam kung bakit inis na inis ako magmula pa kanina.
"Wait! Uh, aren't we gonna, you know? Go somewhere else after the shoot?" She played with the tips of her hair while staring at Sir Keeno's lips. "I'm free for the rest of the evening."
Tahimik kong pinakawalan ang hangin sa aking dibdib. Hindi naman na bago sa akin ang mga ganitong tagpo dahil kahit naman hindi ko aminin, talagang matikas na binata ang boss ko.
He's six feet two with a nice built. His hair is always properly waxed, and he has the feature of someone who's supposed to be standing in front of the camera, not the one clicking it from behind.
However, he's aloof sometimes, too serious or cold, and just basically too dominant. Kahit tumayo lamang siya minsan sa aking tabi ay para na akong tuta na basta susunod sa ano mang ipag-utos niya. Not because he's my boss, though. His aura is too much that all I could do is submit without him even asking.
Siguradong ganoon din ang nararamdaman ng karamihan sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. His masculine energy is too strong that he keeps attracting submissive women. Women who are ready to get on their knees anytime, anywhere, just to please him.
Lumunok ako nang sandali siyang sumulyap sa aking direksyon bago niya sinagot ang modelo. "Maybe some other time. I got a schedule to follow right now."
That's the thing about Keeno Ducani. He is obsessed with getting everything organized. From where he wants his pen to be sitting on his desk to every single detail on his schedule, he wants it all to be clear and neat.
Sabi ng iba ay baka mayroon siyang OCD, pero sa tingin ko naman ay gusto lamang niyang nakaayos ang lahat dahil mabilis siyang mawala sa focus kapag hindi nyia nasusunod ang schedule niya.
The right side of his brain would force him to take a leave so he could let out his creative side, but he's afraid that he would over indulge in his hobbies again at mawawalan na naman siya ng panahon sa ibang bagay.
"Let's go, Cielle. You've been yawning for the last twenty minutes."
Tumayo na ako at iniabot sa kanya ang coat niya. We bid goodbye to the whole team before he placed his palm on my lower back as he assisted me out.
Halos pigilan ko palagi ang hininga ko tuwing ginagawa niya iyon o kapag pinagbubuksan man lamang niya ako ng pinto. I know how much of a gentleman he is and I shouldn't assume anything, kaya lang minsan talaga ay hindi ko rin napipigilan ang nagiging epekto sa akin ng mga ginagawa niya.
"Do you need to drop by somewhere before I take you home?" tanong niya nang makaalis ng parking lot ng studio ang kanyang McLaren.
I shook my head and anxiously held my hands together before I spoke. "Si... Si Nanay? Uh, tinatanong niya kung gusto mo raw mag-dinner sa bahay, Sir Keeno." Lumunok ako nang tuluyang tinamaan ng hiya nang maalala kung gaano kalayo ang antas ng buhay namin sa kanya. "Pero sasabihin ko na lang, Sir na ano... busy ka."
His thick eyes brows almost met. "Who said that I am?"
Napakurap ako. "Po?"
"Sinong nagsabing busy ako?" ulit niya.
Nilunok ko ang sarili kong laway saka pilit na sumagot. "Ano lang, Sir baka lang kasi. Saka..." I scratched my temple. "Maliit lang kasi ang bahay namin tapos hindi naman luto ng chef ang pagkain--"
"Mama cooks every day for us and she's not a chef. I am not someone who judges people based on the size of the home they are living in nor the amount of money they spent on a single meal."
"So... gusto mo, Sir?"
Sir Keeno jerked his head before making a turn to the hi-way. "Yeah. I would love to come over. Ni minsan naman hindi mo pa ako pinapasok sa bahay ninyo na parang gusto mo palagi akong pauwiin kaagad."
Napaawang ang mga labi ko. "Grabe ka, Sir hindi naman sa gano'n. Nahihiya lang ako."
"Why? Do you sell drugs in your home for you to be ashamed of your own house?"
Ngumuso ako. "Si Sir kamo. Hindi ho. Malinis ang kunsensya namin ni Nanay. Syempre iniisip ko lang na sanay ka sa mansyon, Sir at mamahaling pagkain. Tapos 'yong sofa namin, seven five lang naman ang bili namin do'n hindi kagaya sa inyo na milyones ang halaga ng isang single-seater."
"It serves the same purpose, Cielle. I see nothing wrong with a seven k worth sofa."
Hindi na lamang ako nakipagtalo. Kung sabagay, bakit pa ba ako nagulat eh kapatid nga pala ito ni Sir Konnar? Kung magpaka-employee of the month si Sir Konnar, akala mo bread winner na kailangan palaging may mailapag na pagkain sa mesa samantalang kada hugot no'n ng hininga ay milyon ang kinikita.
Pagkarating namin sa harap ng bahay ay nauna na namang lumabas si Sir Keeno ng kotse para ipagbukas ako ng pinto. I had to purse my lips and tame my wild heart again while he holds my hand as I went out of his car. Mabuti na lamang at binibitiwan din niya kaagad ang kamay ko tuwing nakabababa na ako ng sasakyan, kun'di ay baka hindi na kumalma ang dibdib ko.
"Pasok ka, Sir," nahihiya kong alok.
He jerked his head and went in with me. Halatang nag-oobserba pa siya kaya kabado ako nang husto. Dahil kilala na niya si Nanay, nagmano siya sa nanay-nanayan ko bago ako tinawag ni Nanay na tumulong ihanda ang mesa. Naiwan naman si Sir Keeno sa sala habang abala kami ni Nanay na ipaghain siya.
"Parang ginabi naman yata kayo, anak?" makahulugang tanong ni Nanay.
Sumimangot ako. "Huwag mo akong tignan nang ganyan, 'Nay. Galing lang kami ng studio dahil may shoot ngayon."
Ngumisi ang magaling kong nanay-nanayan. "Wala naman akong ibang sinasabi? Ikaw talagang bata ka, masyado kang defensive pagdating diyan sa boss mo."
"Ikaw talaga, 'Nay baka mamaya naririnig tayo no'ng tao, nakakahiya!"
Natatawa siyang umiling. "Sige na tawagin mo na 'yong boss mo at kakain na tayo."
I sighed and went back to the living room to call Sir Keeno. Pero nang maabutan ko siyang tinitignan ang elementary pictures ko noong sumali ako ng play bilang si Mama Mary, nanlaki ang mga mata ko dala ng hiya.
"Sir! Bakit mo tinitignan 'yan!"
Kaagad siyang tumayo at itinaas ang kamay na may hawak ng larawan ko, at dahil higante ang boss ko, kahit anong talon ang gawin ko ay hindi talaga umubra.
"You didn't tell me you had chubby cheeks when you were young."
"Every kid had chubby cheeks!" depensa ko ngunit ngumisi lamang siya.
Mayamaya ay ganoon na lamang ang pag-awang ng aking mga labi nang dukutin niya ang wallet niya at isinuksok doon ang picture ko. Nang ibinabalik na niya ang wallet niya sa bulsa ay lumabas is Nanay ng kusina at tinawag kami. Wala tuloy akong nagawa kun'di tumigil sa pag-agaw ko sa picture ko habang ang magaling kong boss, patagong ngumisi bago naunang nagtungo sa maliit naming kusina.
I sighed and shook my head while he's glancing at me as if he's telling me that he owns my old photo now.
Ibang klase talaga ang trip sa buhay ng magkakapatid na Ducani. Sadyang late bloomer lang yata ang boss ko!