Kabanata 4

1472 Words
Cielle "Sir Keeno, do you want another cup?" He jerked his head while his gaze remained glued on the document he's reviewing. "Yes, please. Thank you." Lumapit ako sa coffee counter at iginawa siya ng bagong tasa ng kape. Nang matapos ay bumalik ako sa kanyang mesa, ngunit nang ilapag ko ang tasa sa desk ay umilaw ang phone niya. Hindi ko naman sinasadyang mabasa ang chat ng kaibigan niyang si Whiskey Anadalio. Sir Whiskey mentioned about Sir Keeno's ex, but Sir Keeno just ignored the chat and picked up the coffee cup. "Thanks." I simply nodded. "Mamaya na pala ide-deliver sa venue ang mga mesa't upuang gagamitin, Sir. The organizers will start decorating the area tomorrow morning." "Good. Ready na ba ang dress mo? Were you able to pick it up?" Tumango ako. "Kaso bakit naman sobrang mahal no'n, Sir?" Kumunot ang kanyang noo. "How come?" "Sabi ni Miss Chaya ay roughly three hundred thousand para sa ganoong damit lang?" "My suit is nearly half a million. It's not that expensive." I let out a silent breath. Bakit ko pa nga ba iniintindi iyon gayong magkaiba nga pala kami ng depenisyon ng mahal? Sabay kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Sir Kreige na may kalmot sa pisngi. Nagsalubong tuloy lalo ang noo ni Sir Keeno lalo na nang makumpirmang dugo nga iyong nasa pisngi ni Sir Kreige. "What happened to you?" Kreige sighed. "I had to buy a cat. Iyong pinakamatapang." "For what?" "Mahabang kwento." Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "Do I need to get vaccinated kahit fully-vaccinated naman ang pusang kumalmot sa akin?" "I'm not a doctor, Kreige. Go to a hospital just to be sure," tamad na sagot ni Sir Keeno bago hinawakan ng dalawang kamay ang tasa ng kape na animo'y takot na may mang-agaw na naman ng kape niya. Bumuntong hininga si Sir Kreige. "Bakit ba kasi ang lakas ng trip ng mga babae kapag naglilihi?" "Why? Who's pregnant?" Sir Kreige heaved another sigh. "Wala ka na ro'n," aniya bago lumabas ng opisina. Nang sumara ang pinto ay nagkatinginan na lamang kami ni Sir Keeno. He put his coffee cup down before he sighed. "Why do they keep on popping in here just to drive me crazy?" Napangisi ako. "Alam mo namang stress ball ka ng mga kapatid mo, Sir ngayong sensitive pa ang sitwasyon ni Sir Klinn." Napailing-iling na lamang siya saka na inintindi ang mga kailangan niyang i-review at pirmahang dokumento. Bumalik na rin ako sa sarili kong opisina at inabala ang sarili sa mga kailangan pang ayusin sa kasal nina Sir Klinn at ng girlfriend niya. Mayamaya ay umalingawngaw ang cellphone ko. Nang makitang ang pinsan kong si Angel ang tumatawag ay sandali akong bumuntong hininga bago ko sinagot ang tawag. "Hello, Angel?" "Cielle! Salamat at sumagot ka. Ano kasi, nakita ko 'yong damit mo sa bahay ninyo. Parang mahal. Pwede ko ba 'yon gamitin mamaya?" "Naku, hindi pwede, Angel. Kailangan ko 'yon sa kasal bukas." "Kaninong kasal?" "Basta. Confidential." "Baka naman pwede mo akong isama? Ipasok mo ako ng raket, Cielle sige na. Kailangan ko talaga ngayon." I sighed. "Sige, ilalapit ko kay Sir Keeno. Baka pwede kang mag-assist sa mga photographer at videographer niya." "Talaga! Naku, hulog ka talaga ng langit, Cielle! Update mo ako mamaya, ha?" "Oo, sige. Tatawag na lang ako, ha? Busy pa kasi ngayon." Nang maputol ang tawag ay inabala ko na lamang ulit ang sarili ko sa mga gawain. When office hours were finally over, Sir Keeno knocked on my office while burying his palm in his pocket. "Shall we?" I jerked my head and picked up my bag. Sabay kaming nagtungo sa elevator at bumaba sa basement. Nang makasakay sa kanyang kotse ay saka ko sinabi ang tungkol sa raket na pwede kay Angel. "Sir, 'di ba may sakit 'yong isang assistant ng mga photographer?" "Yeah." He maneuvered the car. "Why?" "Ano kasi, Sir iyong pinsan ko kasi naghahanap ngayon ng raket. Baka ho pwedeng siya na lang? Naging assistant na rin 'yon noon ng isang studio kaya may alam na rin sa mga ganoon." Tumango si Sir Keeno. "If you will vouch for her, then I assume you know she's fit for the job. Ibigay mo ang number ni Florence at sila kamo ang mag-usap para ma-briefing siya bago ang event." Ngumiti ako. "Salamat, Sir." A small smile was his answer. Nang nasa daan kami at naipit sa traffic ay nag-usap kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Ewan ko ba pero parang kahit dalawang taon nang ganito ang set up namin ay parang hindi kami nauubusan ni Sir Keeno ng kwento. We've already talked about our personal lives, including the parts of our pasts that we're not ready to share to other people. Our relationship as boss and assistant became friendship over time, pero syempre ay naroroon pa rin ang respeto ko sa kanya sa lahat ng oras. Ihinanda ko na ang bag ko nang matanaw ang bahay namin, ngunit nang huminto ang kotse ni Sir Keeno sa labas ay ganoon na lamang ang naging pagkunot ng aking noo nang matanaw ang nangyayari sa harap ng bahay. My eyes widened when I realized who's the man my step mom was preventing to come in. Napababa ako ng kotse at nag-aalalang lumapit kina Nanay nang makitang nagtaas ng palad ang tatay ko na tila sasampalin si Nanay. "Nay!" Kaagad akong pumagitna sa kanila saka ko sinalubong ang tingin ni Tatay kahit na kumakabog ang dibdib ko sa takot. The traumas he gave me back then, it's all flooding inside my head and making my heart pound out of fear as if my body is reliving the experience. "Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan ni Cielle dito!" sigaw ni Nanay, namumula na ang mga mata dahil sa luha. Suminghot si Tatay. "Ang kapal din ng mukha mo. Kung hindi dahil sa anak ko mararanasan mo bang manirahan sa ganyang tahanan?" Nagbanta si Tatay na sasampalin si Nanay ngunit dahil bumara ako ay sa aking pisngi humalik ang kanyang palad. Halos mabingi ako sa bigat ng kamay niya, ngunit mas nangatog ang aking mga tuhod nang marinig ang galit na tinig ni Sir Keeno. "Don't you f*****g lay another finger on her!" Nanlaki ang aking mga mata at binalot ng takot ang aking puso nang tuluyang lapitan ni Sir Keeno ang tatay ko saka niya binigyan ng malakas na suntok. Kaagad na bumagsak si Tatay sa kalsada, at sa takot na muling makatikim ay dali-daling tumakbo paalis. As if we're both in shock because of what happened, Sir Keeno locked me in his arms as if he was trying to protect me. Nang makaliko si Tatay sa sumunod na kanto ay ikinulong niya ang aking magkabilang pisngi sa kanyang mga palad. Halos tumalon naman ang aking puso palabas ng dibdib nang mabakas ko ang magkahalong takot, awa, at pag-aalala sa kanyang mukha habang tinitignan niya ang nangyari sa aking pisngi. "This might leave a bruise." His jaw clenched, and his wild obsidian eyes turned darker. "I don't understand men who have the guts to hurt women physically." Tila may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Hindi ko tuloy namalayang kumurba na ang aking mga labi para sa isang ngiti. Nang makita iyon ni Sir Keeno ay tila natauhan siya bigla. He put his hands down, cleared his throat, and then looked at my step-mother. "Ayos lang ho kayo?" Tumango si Nanay bago hinawakan ang braso ni Sir Keeno. "Salamat, hijo. Baliw talaga 'yong tatay ni Cielle." "Maybe you should file a restraining order so he can't come here anymore." Tumingin siya sa akin, nag-aalala pa rin. "O kaya lumipat na lang kayo sa subdivision namin. Mas safe pa ro'n at hindi siya basta makakapasok oras na ipa-ban ko siya sa mga gwardya." "Si Sir Keeno talaga. Kahit ho yata dalawang dekada kong ipunin ang sahod ko, hindi ko afford na tumira sa subdivision ninyo. Presyo pa lang ng bahay ay lagpas leeg ko na." Tumaas ang kilay niya, at nang marinig ko ang kanyang tugon ay muling nagwala ang aking dibdib. "Why? Who said I'll let you pay just to get near me all the damn time?" Napakurap ako. "N--Near you?" Tila bigla siyanf natauhan. Namula ang kanyang mukha at kaagad na umiwas ng tingin. "J--Just to make sure you'll be safe all the time. Right. That's... that's the reason." Lumunok siya nang makita ang makahulugang tingin ni Nanay. "S--Sige ho. Una na ako." Napasunod na lamang kami ni Nanay ng tingin nang malalaki ang hakbang siyang bumalik ng kanyang sasakyan. Nang makaalis ang kotse ni Sir, pabirong sinundot ni Nanay ang aking tagiliran saka tila walang nangyaring pumasok sa loob na ngingisi-ngisi. "Anak, itong buhok mo, pakitali. Napapatid na ako." Tumawa siya. I sighed with heated cheeks. Si nanay talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD