Keeno
"Ma, should I wear this or this?" dinig kong tanong ni Keios kay Mama habang inaayos ni Mama ang bow tie ni Kreige.
"Iyang itim na lang, anak para pare-pareho kayo." Bumaling siya sa akin. "Keeno, nasaan ba ang kuya mo?"
I stood up. "He's probably by the lake, Ma. Kanina pa niya pinagdidiskitahan ang mga isda ro'n."
Khalila sighed. "Please tell me that's not the reason why he brought a fishing rod at kuya Klinn's wedding?"
Kreige smirked. "Malamang sa malamang, 'yon ang dahilan."
Klinn smiled while sitting next to Khalila. "Let him be. He probably wants to try fishing. Palagi niya naman sinasabi 'yon kaya nga kinukulit niya si Daddy na payagan siyang gawing malaking fish pond and pool."
I shut my eyes and took a deep breath. Why the hell would kuya Konnar pour a bunch of fish in the pool just so he could experience how to fish? Sa rami naman ng ilog, lawa at dagat, bakit sa pool pa?
"Pumayag ba si Daddy?" I asked.
"Of course not," si Keios saka ngumisi. "Kaso sabi niya bibili na lang siya ng sarili niyang bahay tapos doon niya gagawing fish pond ang pool, kaya lang ayaw siyang bentahan ni Lila ng bahay kung gano'n ang gagawin niya."
"Sisirain pa niya ang vibe ng DCN Village! No way!" asik ni Lila.
"That's a good decision, Lil. I'm proud of you." I sighed and looked at Mama Khallisa. "Ma, can you tell Dad to take over next week? Baka maubusan na ako ng buhok kay Kuya. Lumambitin na naman siya kahapon sa labas ng building."
"Diyos ko naman talaga oo." Napailing si Mama. "Nasaan ba ang Daddy ninyo at nang makausap ko tungkol diyan sa kapatid ninyo?"
"Just let him do what he wants. He probably wanna make sure that the building is clean from the inside out," si Kreige na palagi na lang sinusuportahan ang mga trip sa buhay ni Kuya Konnar.
"Eh, 'di ikaw mag-COO. Marunong ka pa kay Keeno," asik ni Keios kaya bago pa magbangayan ang dalawa ay tinignan na sila ni Mama.
I smirked and went out of the room, pero bago tuluyang sumara ang pinto ay narinig kong tinanong ni Klinn kung totoong nag-request si Mommy na makadalo sa kasal.
Klinn has always been my most understanding and compassionate sibling, pero pagdating kay Mommy ay nauubos palagi ang pasensya niya. I should not be surprised when he told Mama he's going to cancel his wedding if Mommy would be there.
I went to the venue and found Cielle assisting the team. She's already wearing her rose gold dress with silk, down to the floor hem. Bumagay rin sa kanya ang light make up at nakalugay na buhok, at sa tuwing napapakunot siya ng noo o kaya ay ngumingiti, para akong sira na napapatitig.
I sighed and pulled my phone out to secretly take her photographs. How come this woman ended up as my assistant when she can literally slay even without properly posing for the camera?
Right. She doesn't think she's pretty enough, at minsan ay gusto ko na lang dukutin ang mga mata ko para ipahiram sa kanya.
I swallowed the pool of saliva in my mouth when I realized what just came inside my head. Bago pa man niya ako makitang kumukuha ng mga larawan, ibinulsa ko na ulit ang cellphone ko saka ako lumapit sa kanya.
"What are you doing here?" tanong ko nang tuluyan siyang nalapitan.
"In-a-assist ko lang sila, Sir. Alam mo naman, kabisado ko na ang mga gusto mo pagdating sa pagkuha ng shots at videos. Ayaw kitang istorbohin, eh at nagkakasiyahan yata kayo kaya kami na lang ni Sir Khalil ang nag-assist sa team."
Kumunot ang aking noo. "Daddy helped you?"
Tumango siya. "Grabe, 'no Sir? Ang galing pala ni Sir Khalil sa ganito? He even took a few shots himself. May pinagmanahan ka naman pala talaga, eh," nakangiti niyang sabi.
"Huh. Dad doesn't take that much photos anymore, except kung si Mama o kami ang subject. Where is he?"
"He's by the lake, Sir taking a few more shots with one of the photographers. Gusto raw niya ng cinematic vibe."
Napangisi ako. "See? We're both dramatic when it comes to our craft."
"Sabi nga niya, Sir marami ka pa raw bigas na kakainin bago mo siya matapatan."
"Is that so, huh? That old man." I shook my head and appreciated Cielle's sweet smile. "You know what? You should rest. Sayang kung pagpapawisan ka kaagad."
"Bigyan mo ng upuan hindi 'yong totorpe-torpe ka r'yan."
Napatingin kaming pareho ni Cielle kay Daddy na nasa likod na pala at nakalislis ang pantalon. May buhat na rin siyang tilapya gaya ni Kuya. Hindi ko tuloy alam kung uunahin kong mahiya sa sinabi niya o isusumbong ko siya kay Mama.
My Dad who's supposed to tell kuya not to fish thirty minutes before Klinn's wedding, is now looking like a high-class fisherman whose only means to survive is to catch fish!
"Wala akong anak na torpe, Keeno," dagdag niya kaya parehong namula ang mga mukha namin ni Cielle.
Mayamaya ay natanaw ko si Mama na lumabas ng suite at nakita ang itsura ni Daddy. She probably heard about what he said, too, kaya ngayon ay dumarampot na ng stick na dapat ay dekorasyon.
Lumunok ako sandali. "A--Ano, Dad? Hindi ko narinig."
"Ang sabi ko, wala akong anak na torpe, Keeno. If you want a girl, just tell her. Noong kolehiyo kami ng mama mo, walang paligoy-ligoy. I told her upfront that I want her so I got her."
Tumaas ang kilay ni Mama. "Ah, kaya pala kinailangan mo pang bumili ng cellphone at gawing freebie ang sarili mo kasi hindi ka torpe, hmm?"
Namutla ang mukha ni Daddy. Nang makumpirma niyang si Mama nga ang nagsalita ay pilit niyang ipinasa kay kuya ang bitbit nyiang tilapya saka siya humarap kay Mama. Napailing na lamang ako at niyaya na si Cielle na lumayo sa kanila bago pa mahataw ni Mama ng stick si Daddy.
"Imagine being the man whom even men your age fear, tapos nahahabol ka pa rin ng pamalo?" Cielle laughed. "Naku, Sir Keeno siguro ganyan din ang magiging asawa ninyong magkakapatid maliban kay Ma'am Lila."
Wala sa sarili akong umismid habang tanaw sina Daddy. "So hahabulin mo rin pala ako ng pamalo, hmm?"
"P--Po?"
I blinked and looked at her with slightly widened eyes. "I mean.... you think my future wife will chase me with a stick, too?"
Nakakunot ang noo siyang lumunok habang ang pisngi ay bahagyang namumula. Nang akmang sasagutin niya na ako ay lumapit sa kanya ang host ng event. The guy was standing too close next to her, and the way he smiled at her somewhat irritated me.
"Got it, Cielle. By the way, 'yong sinabi ko sayo ah? Mamaya pagkatapos ng event?"
My brow shot up. Nang umalis ang host at tumingin sa akin si Cielle ay hindi ko napigilan ang magtanong. "What was that about?"
"Ah, 'yong sa pa-trivia lang 'yon, Sir--"
"'Yong tungkol sa pagkatapos ng event."
"Uhm..." She forced a smile. "Nagyaya, Sir. Kain daw sa labas."
Nalukot ang aking noo. Kain? What the hell is she even talking about? May catering naman bakit kakain pa sa labas?
"Did he seriously ask you to go on a date, right on the same day that he met you, hmm?"
Nakita ko ang paglunok niya. "M--Matagal ko naman na 'yong kilala, Sir. Ngayon lang nagyaya talaga. Saka hindi naman date 'yon, Sir kasi kasama naman iba naming friends. Payagan mo na ako, Sir. Sabi ni Nanay tumatanda na ako at dapat magkaroon na ng plano para sa pagpapamilya."
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. "If the only reason why you wanna entertain men all of a sudden is because you feel pressured to have kids, book a goddamn room and I'll give you what you want nang magtigil ka."
Namula ang kanyang mukha. "Si Sir kamo kung magbiro..."
Umismid ako. Anong biro? Kapag napikon ako, baka siya pa ang maglakad papunta ng altar ngayong araw.
"Stop entertaining boys, Cielle. Puro walang kwenta ang natatapat sayo."
She sighed. "Alam mo, Sir kamo panira ka ng diskarte ko. Hindi ko naman 'yon seseryosohin eh. Anak lang naman habol ko."
"That's unreasonable," asik ko bago siya tinalikuran.
Tangina, anak lang pala. Bukas na bukas din lintik, may Ducani na ang tiyan niya kapag hindi siya tumigil.
Huwag niya akong subukan.