Cielle
Sir Keeno had been ignoring me for three straight days now. Ipinahahatid-sundo niya lamang ako sa driver, hindi tinitignan sa mga mata tuwing nag-uusap kami, at higit sa lahat, hindi siya nagpapatimpla ng kape.
I sighed when I watched him ignore his coffee again. Hindi ko alam kung dahil ba iniisip niyang nakipag-ano ako sa iba, kaya lang ay kung sasabihin kong ako ang kasama niya sa kwarto noong kasal ni Sir Klinn, siguradong kailangan ko nang iligpit ang mga gamit ko.
I reviewed my contract last night, at malinaw na nakasaad doon na oras na magkaroon kami ng intimate connection, kakailanganin ko nang iwan ang trabaho ko. Hindi pwede. Malapit nang matapos ang pagbabayad namin ni Nanay ng lupa. Ilang buwan na lamang naman, at kung matapos na iyon, siguro ay saka ko na ipagtatapat ang totoo.
Kung magkaroon ako ng lakas na sabihin pa iyon. Nakakahiya, ano! Ngayon pa nga lang na hindi pa niya alam ay grabe na ang kahihiyang nararamdaman ko, paano pa kung malaman niyang may nangyari noong gabi ng kasal ng kapatid niya?
I sighed. Mayamaya ay narinig ko ang boses niya sa intercom kaya dali-dali akong nagtungo sa opisina niya.
"Sir, you called for me?" bungad ko nang makapasok.
Sir Keeno just threw a side glance before he nodded. He's been very grumpy as if I did something that made him so upset.
Sumandal siya sa kanyang swivel chair at niluwagan ang suot na neck tie. Mayamaya ay seryoso niya akong tinitigan saka siya nagsalita sa baritonong tinig.
"I need you to find the woman I slept with during Klinn's wedding."
Kumabog nang husto ang aking dibdib. "B--Bakit ho?"
"It doesn't concern you at all... does it?"
Nalunok ko ang sarili kong laway. It's been a while since Sir Keeno acted this way towards me, at nakakapanibago pala.
"Uhm, no, sir." Tumikhim ako't pilit na ngumiti. "I'll... I'll let you know once I find out who it is, Sir."
Tanging mahinang tango lamang ang isinagot niya sa akin. Nang makalabas ako ng kanyang opisina ay saka ko pinakawalan ang hangin sa aking dibdib.
I'm dead, I'm dead, I'm dead! Oras na malaman niyang ako iyon ay tiyak na malalagot ako nang husto! Sir Keeno is a f**k and go kind of man despite him being a complete gentleman. Isa pa ay bukod na manganganib ang trabaho ko, siguradong magiging awkward na ang sitwasyon naming dalawa.
I went to my office and tried to calm myself down. Kailangan kong makaisip ng paraan bago niya mabuko ang totoo... pero paano naman?
Sinara ko ang aking mga mata nang makasandal ako sa swivel chair. Wala akong maisip. Mukhang ngayon pa lamang ay kailangan ko nang iligpit ang mga gamit ko.
I sighed and tried to focus on my tasks for today. Nang matapos ang working hours at ipinahatid na naman ako ni Sir Keeno sa driver, bagsak ang mga balikat akong naglakad patungo ng bahay namin.
"Oh, Cielle. Bakit para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa diyan?" tanong ni Angel na nakikitira ngayon sa amin dahil nag-away na naman sila ng nanay niya.
Bumuntong hininga ako't naupo sa sofa. "May problema ako, Angel. Naalala mo ba no'ng kasal ni Sir Klinn?"
Tumango-tango siya. "Oo, bakit?"
"Eh, kasi..." I scratched my temple. "Kasi ano, si Sir Keeno, gusto niyang ipahanap sa akin 'yong naka-ano niya noong gabi na 'yon."
Napakunot siya ng noo. "Anong naka-ano?"
"Basta, alam mo na 'yon."
"Ano nga?"
My cheeks burned as I spoke in a low voice. "Naka-jerjer."
"Ah. Oh, tapos? Anong problema ro'n? May naka-jerjer din ako no'n."
I swallowed and stared at my clueless cousin. "Ako 'yon."
She wasn't able to respond immediately as if the news was too surprising to her. "Ha?"
"Ako 'yong naka-ano niya... at oras na malaman niya 'yon, siguradong tanggal ako sa trabaho, Gel." Problemado kong ihinilamos ang palad ko sa aking mukha. "Hindi ko alam ang gagawin ko."
Angel sighed. "Sasabihin ko sana ang swerte mo kasi ang hot kaya ng boss mo? Tapos madatung pa. Kung pwede nga lang makipag-exchange gift sayo, ay bubukangkang ako sa harap no'n pagkapasok pa lang ng kwarto!"
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ikaw talaga, 'yang bibig mo--" I paused when an idea suddenly popped inside my head. Napalaki ako ng mga mata't ang mga labi ay bumilog. "Angel, ang talino mo!"
My cousin's forehead wrinkled. "Ha?" She laughed. "Gaga, kaya nga wala akong matinong trabaho dahil puro palakol ang grades ko. Siraulo 'to."
I angled my body towards her. "Natatandaan mo ba kung sinong naka-ano mo no'ng gabi ng kasal?"
Tumango-tango siya. "Si Mendel. Last project niya pala 'yon sa kompanya ni Sir Keeno? Sayang, magaling pa naman 'yon kaya lang kinabukasan, nag-flight na papuntang Barcelona. Tigang na naman ako nito."
"May contact ka ba sa kanya?"
Tumango si Angel. "Oo, meron. Sa f*******:. Bakit?"
I chewed my bottom lip for a second as I held Angel by her arm. "Pwede mo ba akong tulungan sa problema ko?"
Halatang naguguluhan siyang tumango. "Basta huwag lang usapang pera, Cielle. Alam mo naman, gipit pa ako ngayon. Hanggang moral support pa lang ako."
"Hindi pera." Umayos ako ng upo. "Gel, pwede bang... sabihin mo kay Mendel na huwag sabihing kayo ang nasa kwarto ko noong gabi ng kasal ni Sir Klinn? I-secret lang natin na... hindi talaga ako 'yong nasa kwarto ko noong kasal."
Napakunot na naman siya ng noo, halatang naguguluhan kung bakit ko ba iyon hinihiling. "Oh, tapos?"
Lumunok ako't bahagyang piniga ang kanyang braso. "T--Tapos... sabihin natin kay Sir Keeno na... ikaw 'yong... naka-ano niya?"
Napakurap si Angel. "Ibig mong sabihin gusto mong palabasin na... nag-exchange gift tayo?" She laughed. "Gaga, paano kung i-interrogate ako no'n? Tanungin kung anong nangyari? Kung patalikod ba ako inano o patayo?"
I gulped. "Pareho, namumula ang pisngi kong sagot.
"Pareho?"
I nodded shyly. "May pahiga, patuwad, patagilid, paibabaw... lahat ng pwedeng posisyon."
Napatakip siya ng mga palad sa bibig saka impit na tumili. "Gaga, ang swerte mo!" Tumawa siya. "Buti nakalakad ka pa?"
I sighed. "Kapag naalala mong trabaho mo ang mawawala, talagang makakalakad ka." Muli akong bumuntong hininga. "Ano? Pwede mo ba akong tulungan? Babayaran kita, promise."
"Magkano?"
"Uhm... trenta mil?"
Umaliwalas ang kanyang mukha. "Sige, go. Basta i-briefing mo ako, gaga. Nakakatakot pa naman 'yang boss mo kahit saksakan ng gwapo."
"Oo, sige ako ang bahala basta tulungan mo ko, ha?" I swallowed and looked into her eyes. "Gel, maaasahan naman kita, 'di ba? Kahit hindi tayo totoong magpinsan, kakampi naman kita, 'di ba?"
Angel smiled. "Syempre naman. Huwag kang mag-alala, Cielle." Naging ngisi ang kurba sa kanyang mga labi. "Sisiguraduhin kong makukuha ko nang husto ang atensyon niyang boss mo para hindi ka mawalan ng trabaho."
"Promise? Hindi mo ako ilalaglag?"
Angel nodded and tapped me on my shoulder. "Ako ang bahala..."