Kabanata 10

1253 Words
Keeno I leaned on my seat and watched Cielle tell me my schedule for today. She kept on avoiding my gaze, as if my expression was making her lose her focus. When was the last time she seemed this jittery? Halos hindi ko na maalala. It seems like she's having a hard time keeping something from me, and honestly, I don't know if I'm just fooling myself or not. Sa wakas ay pinanatili na rin niya ang tingin sa akin. "Iyon po ang schedule ninyo ngayong araw, Sir. Do you want me to make any changes before we start the day?" I shook my head while keeping me eyes on her. I'm f*****g sure those were the same eyes I'd stared at during Klinn's wedding. The same eyes that flickered lust as I owned her. Kaya lang paano kung totoo ang sinasabi nila ni Keios? What if she's really in her room that night, getting railed by someone else? Kumuyom ang mga kamao ko. Just the thought of someone else having the chance to taste her tender lips is already making my blood boil. Ano ba ang nangyayari sa akin? I drew in a sharp breath and looked away. "No need. Everything sounds good to me." She simply gave me a nod. "Uhm... N—Nahanap ko na ho pala 'yong... 'yong nakasama ninyo no'ng... kasal ni Sir Klinn?" Muling umangat ang aking tingin sa kanya. "Really now, hmm?" I saw how she gulped while trying to maintain our eye contact. "Y—Yes, Sir." She forced a smile. "It... It was Angel. Iyong hong... pinsan ko?" Tumaas ang aking kilay. "How'd you know, hmm?" "Tinanong ko po siya at... sabi niya ay siya iyon." Napahugot ako ng hininga. "Prove it. Call her." She pursed her lips and jerked her head. Mayamaya ay lumabas siya ng opisina ko para siguro tawagin ang pinsan niya. Nang sumara ang pinto ay napasandal ako sa swivel chair ko't ihinilamos ang mga palad sa mukha. I hate that I got really drunk that night. Hindi ko masyadong maalala kung sino ba ang nakasama ko sa kwarto, pero malakas ang kutob kong ang sekretarya ko iyon. I don't understand. Is she denying it because she didn't want me? Ilang beses ko nang sinabing hindi ko naman siya kayang tanggalin sa trabaho. Her job can't possibly be the reason, right? I sighed and stared at the ceiling. But what if I was just assuming that it was her because deep down inside, I knew I want her so much? Paano kung niloloko lang ako ng isip ko at inaakala ko lang na siya ang nakasama ko dahil siya ang laman ng isip ko habang may iba akong kasama noong gabing iyon? "Alak pa, Keeno..." I murmured to myself. Pipikit sana ako nang muling bumukas ang pinto. I groaned when I saw my older brother in his janitorial uniform, pulling his cleaning materials inside. Nang maisara niya ang pinto ay tumingin siyang muli sa akin. "Keeno pengeng bente. May nagtitinda ng sopas sa labas. Bibili ako." I shut my eyes and took one hell of a breath. "Kuya, ang aga..." "Syempre, maaga. Sopas nga, eh," rason niya. I groaned and looked at him in a frustrated way. "Ibig kong sabihin, ang aga mong manghingi ng bente." "Bakit? Anong oras ba dapat?" I sighed. "Seriously?" Nayayamot ko siyang pinakatitigan. "You know what, kuya? Maybe I should start setting an appointment with a therapist. I feel like I'm about to lose my mind." "That's a good thing, but before you do that..." Inilahad niya ang kanyang palad. "Pahingi muna ng bente." I groaned and hopelessly pulled out a thousand peso bill out of my pocket. Ngunit imbes na tanggapin na lamang ay kinunotan niya pa ako ng noo. "Bente, kako. 'Yong orange." "Wala akong bente, okay?" He sighed. Parang siya pa ang lugi nang tanggapin ang isang libo saka bumubulong-bulong na lumabas. "Mumurahin pa ako ng tindero nito," dinig kong sabi niya, problemado habang papalabas ng pinto. The moment the door finally shut, I rubbed my palms on my face in a frustrated way. Konnar Ducani, the richest bachelor in South-East Asia, is going through the toughest and weirdest problem in the world; barya. I can't believe we're actually siblings. Kaunti na lang ay bibigay na ang utak ko sa kanya! Umiling-iling ako habang pinakakawalan ang hangin sa aking dibdib. I tried to go back to my tasks and accomplish everything so my mind will be occupied, but every once in a while, memories of that sultry night I had with a woman during Klinn's wedding, keeps on visiting my head. Napasandal ako nang tuluyan sa swivel chair saka ako pumikit. I tried to keep my head clear, but the memories are becoming more and more vivid. I sighed and opened my eyes again when I heard the door opened. Nagtama ang tingin namin ni Cielle, ngunit nang makita ko ang babaeng nakabuntot sa kanya ay hindi ko naiwasan ang pagkunot ng aking noo. "Uh, Sir? Si... Si Angel po." My brow shot up when I saw how the girl smiled in a flirty way. "And?" Cielle gulped. "Siya po ang... babaeng kasama ninyo noong kasal." Lalong nagsalubong ang aking mga kilay. I scanned the girl from head to toe, trying to search for anything familiar, but I failed. Samantalang nang pasadahan ko ng tingin ang sekretarya ko, muli na namang rumagasa ang mga alaala ng gabing 'yon. "Oh, yeah?" I rested my elbows on the table. "Prove it." The girl walked towards my side with a luscious smile. She started telling me things that made me remember that night. Lalo lamang akong nainis. I hate that she knows everything! At mas naiinis ako na kahit sinusubukan niya akong haplusin ay parang walang pakialam si Cielle. She was so busy on her phone as if she didn't give a f**k about me. I sighed when I saw her smile while typing on her phone. Why do I give a f**k anyway? Kung wala siyang pakialam, ibig sabihin ay nagkamali nga yata siguro ako. Kung sabagay, dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho para sa akin. Kung gugustuhin niya talaga ako, dapat ay matagal na. I don't think I'm ready to lose such great assistant for a one-sided feeling. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan saka ko sinubukang ituon ang aking atensyon kay Angel. "I thought I wouldn't see you again." I smirked. "Might as well get to know you more, see where this will lead. I don't crave to know someone I f****d this much so you must be someone special." A flirty smile made its way to her lips before she leaned on my desk. "I want to know you, too." Tumingi ang malamig kong mga mata kay Cielle. "Mind giving us some privacy, hmm? Tutal mukhang busy ka rin diyan sa kausap mo." Her lips slightly opened as if she was about to say something, ngunit mayamaya ay bumuntong hininga siya kasabay ng paglamig ng kanyang mga mata. "Sure, Sir. I hope it's okay if I will take an early break, too. Kikitain ko lang ang kasama ko noong gabi ng kasal." My fists clenched as I drew in a silent breath. "I won't mind." Mahina siyang tumango bago tuluyang lumabas ng opisina. Nang sumara ang pinto ay nalunok ko na lamang ang namuong bara sa aking lalamunan. May God stop me from punching someone today. I'm still not ready to admit to myself that I'm jealous as fuck...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD