Cielle
"And then nagpunta kami sa resto. Grabe, para akong prinsesa!" Humagikgik si Angel matapos magkwento kahit na hindi naman ako nagtatanong.
Higit isang buwan na rin silang nagkikita ni Sir Keeno kapag hindi busy ang boss ko, at sa tuwing dumarating si Angel sa bahay, wala na akong ibang narinig kun'di ang mga kwento niya tungkol sa dates nila.
I faked a smile. "Mabuti naman at nag-enjoy ka. Uhm, matutulog na ako, Gel, ha?"
"Ah, okay. Tatawagan ko muna si Keeno," nakangisi niyang sabi bago nagdutdot sa cellphone niya.
Tumango na lamang ako. Nang makapasok ako sa kwarto ay hindi ko napigilan ang bumuntong hininga. Why am I even bothered? Dapat ay wala akong pakialam, hindi ba? Mas maganda nga iyong nababalitaan kong madalas silang lumabas kasi ibig sabihin ay hindi na talaga ako paghihinalaan ni Sir.
Siguro dahil pakiramdam ko minsan ay nagiging insensitive si Angel? Iyong tipong pati paghaplos niya sa hita ni Sir Keeno ay ikinikwento niya pa sa akin?
I sighed again before I went to bed. Hihiga na sana ako at magpapahinga na nang umilaw ang cellphone ko.
My heart suddenly pounced when I saw Sir Keeno's message. Kahit na ayaw ko sana muna iyong pansinin, heto pa rin ako at binubuksan ang chat ng boss ko.
Keeno Ducani: Can we meet?
I chewed my bottom lip and thought about it for a second. Gusto kong tumanggi, kaya lang ay kalaban ko mismo ang sarili kong sistema kaya heto na naman ako't nagtitipa ng reply.
Me: Saan po?
He sent me the address. Nang makasakay ako ng cab ay parang gusto ko pang umatras, kaya lang ay tutal naririto na rin ay pinanindigan ko na ang desisyong puntahan siya.
Nang makababa ng cab ay sandali kong binasa ang pangalan ng bar kung nasaan siya. Sir Keeno rarely stays this late just to drink. Kung ano man ang nangyari, paniguradong may kinalaman na naman sa mommy niya.
I sighed and finally went in. Nakilala ako ng owner na siya ring barista ng lugar. Kaagad niyang tinapik ang boss kong nasa bar area at lumalaklak ng mamahaling bote ng whiskey. Nang balingan niya ako ay tila may kumurot sa aking dibdib matapos mapansin ang pananamlay niya.
Sir Keeno straightened his back before he jerked his head as if calling me. Nilunok ko naman ang sarili kong laway saka ako lumapit sa bakanteng stool sa kanyang tabi.
"Bakit, Sir?"
He licked his lower lip. "Do you wanna drink or do you wanna go someplace else?"
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. "Siguro ay... sa ibang lugar na lang, Sir."
Tanging tango ang isinagot niya bago niya ibinigay ang kanyang card sa barista. After paying his order, we went out of the bar and hopped inside his Benz. Hindi pa naman siya lasing kaya kampante pa akong makakapagmaneho siya nang maayos, ngunit ang ipinagtaka ko ay kung saan niya ako dinala.
"Park?" I asked.
He nodded before he went out. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makalabas. "Presko. Gusto kong magpahangin," aniya.
Hindi na lamang ako kumibo pa. Naglakad kami nang sabay patungo sa pinakamalapit na bench, at nang makaupo ay nagwala na naman ang dibdib ko matapos niyang humiga sa aking hita.
My lips parted while I stared at him. Nakapikit siya't ang panga ay nakaigting na tila may mabigat na dinadala sa dibdib kaya kahit na nagwawala na ang aking puso't tila nais nang tumalon palabas, hindi ko siya nagawang paalisin sa pagkakaunan sa aking kandungan.
"Sorry for disturbing you, Cielle. My mind is just on a haywire right now. Kailangan kita at ikaw ang pampakalma ko..."
Lalo lang yatang lumakas ang t***k ng aking puso. Thank goodness the street lights are a bit dim. Siguro naman ay hindi niya napapansin ang pamumula ng aking pisngi ngayon.
"B--Bakit, Sir? Ano ba ang nangyari?"
He sighed. "You know that model we worked with on our last project? May nirekumenda siyang clinic sa akin. Nabanggit ko kasi na balak kong magpa-check just to make sure that I'm healthy. Kilala rin ni Kreige 'yong may-ari ng clinic kaya alam kong safe ang info ko sa kanila. Although there's nothing to be ashamed of, I still wanna keep it confidential."
"Ano ho ang sabi sa clinic?"
I saw how his adam's apple bobbed up and down. "Baog daw ako, Cielle." Nanghina ang kanyang tinig na tila ba ang sakit para sa kanyang sabihin sa akin ang bagay na 'yon. "I cannot have my own kids kaya... siguro kailangan ko na ring tapusin ang pakikipag-date sa pinsan mo. Although we're just dating casually for now, ayaw kong maging seryoso ang meron kami tapos hindi ko pala kayang iakyat sa pagpapamilya."
Kumurap ako. Si Sir Keeno? May... diperensya? But he's a healthy guy! Hindi naman siya malakas uminom at wala naman siyang ibang bisyo. Bakit naman ganoon?
Napahugot ako ng hininga't hindi na napigilang laruin ang dulo ng kanyang buhok. "Bakit hindi ka muna magpa-second opinion, Sir? Malay mo naman nagkamali lang sila ng basa."
"I'm scared..." He sighed. "I'm f*****g scared. Alam mo sa aming magkakapatid? I've always been the weakest one. Kahit noong sinasaktan ako ni mommy, I never had the strength to... tell my Dad what's going on. Up until now, ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng nangyari sa akin. Duwag ako, Cielle. Duwag ako pagdating sa napakaraming bagay. Parang hindi ko kaya na magpatingin ulit tapos pareho lang ang magiging resulta."
Nanikip ang dibdib ko. Hindi naman siya duwag. Sir Keeno has abandonment and rejection issues because of his childhood and early teenage years. Hanggang ngayon ay dala niya ang lahat ng iyon.
Siguro kaya sa kanilang magkakapatid ay siya rin ang pinaka-mature dahil iyong mga trauma niya, pinilit siyang mag-grow kaagad para maprotektahan niya ang batang Keeno na minaltrato at inabandona noon. I never saw him weak. He was just cautious, because he has existing wounds that he hasn't nursed yet.
Sabi nga ni Sir Konnar, kaya nagkaroon ng rule si Sir Keeno na bawal akong magkagusto sa kanya kasi takot na si Sir Keeno na maiwan at ma-reject. Although Sir Khalil tried to make up on those years that he kept his distance to his kids, hindi pa fully healed si Sir Keeno.
His abandonment issues are still there, making him so afraid to take someone seriously. Alam ko iyon dahil ganoon naman ang issues ko sa nanay at tatay ko, at hindi naman iyon madaling kalimutan.
Ngayong may ganito na namang problema, tingin ko ay mas matatakot lamang siyang sumubok na magseryoso sa isang relasyon. Iisipin na naman niyang hindi siya sapat dahil sa diperensya niya, at ang sakit-sakit niyang panooring nagkakaganito.
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Kung ayaw o nang magpatingin ulit, Sir, naiintindihan ko. Lagi mo lang sanang tatandaan na hindi porke't may isang bagay na tingin mo hindi mo na kayang gawin eh hindi ka na sapat, kasi sapat na sapat ka sa aming mga nagmamahal sayo."
Tumitig sa akin ang lumamlam niyang mga mata. "Do you love me, Cielle?"
My heart pounded. "Y--Yes, Sir... b--bilang kaibigan mo."
"That's what I thought." Basag niya akong nginitian. "Thank you for reminding me that, Cielle. Now it's clear where I really stand."
Napakurap ako. "P--Po?"
He sighed then shook his head. "Nothing, Cielle." His adam's apple bobbed up and down as he shut his eyes again. "Nothing..."