Kabanata 12

1287 Words
Cielle I've been feeling really sick every morning since last week. Pero dahil madalas akong mapuyat lately ay idinaraan ko na lamang sa multivitamins. Nawawala rin naman pagdating ng tanghali kaya kahit papaano ay nakakapag-function ako nang maayos sa trabaho. "Insan, pwede mo ba akong isama sa office ninyo? Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam si Keeno," habol ni Angel nang makitang papalabas na ako ng bahay. Inayos ko ang strap ng bag ko. "Naku, Angel may importante kaming meeting ngayon. Ayaw rin ni Sir ng surprise visits lalo kapag ganito ka-hectic ang schedule niya. Ano bang sabi noong huli kayong nag-usap?" Nagkamot ng sintido si Angel. "Sabi niya, hindi raw kami nagki-click na dalawa." Hinawakan niya ako sa braso. "Kausapin mo naman, oh. Willing naman akong magbago kung sakaling may hindi siya nagustuhan sa akin." I sighed. Sir Keeno is not someone who will force a person to change to fit his preference. Noong nag-undergo nga ako ng training para maging effective na sekretarya niya ay kinausap muna niya ako nang masinsinan at ipinaliwanag sa aking kung hindi ako kumportable sa training ay maiintindihan niya. Ako ang may gustong mag-improve at sinuportahan niya ako roon. "Please, Cielle. Makikinig naman siya sayo. Ikaw naman lagi ang bukambibig no'n, eh." Napakunot ako ng noo. "Paano naman naging ako?" She sighed, and I swear I saw her eyes became sharp for a split second. "Basta, lagi na lang gumagawa ng paraan para maisingit ka sa usapan." Napalunok ako nang madama ang selos sa boses ni Angel. Ayaw kong mag-assume. Naging magkaibigan na rin naman kami ni Sir Keeno. Siguro ay nababanggit niya lamang ako dahil ako ang common denominator nila ni Angel. I glanced at my wrist watch. "Sige na, Angel mali-late na ako, eh. Tatanungin ko na lang siya kung may oras kami." Tumango na lamang siya saka na binitiwan ang aking braso. Sakto namang dumating na rin ang kotseng susundo sa akin. Ang hindi ko lang inasahan ay si Sir Keeno na pala mismo ang nagmamaneho! Napalingon ako sa pinto ng bahay. Nang makitang nakapasok na si Angel ay saka lamang ako lumapit sa kotse upang makapasok sa shotgun. Sir Keeno is already wearing his business suit and is busy talking to someone. Nang masigurong maayos nang nakasuot ang seatbelt ko ay saka lamang niya pinatakbo ang kotse. Pasimple ko siyang inobserbahan. Mula noong gabing nagtungo kami sa park at sinamahan ko siyang magdamdam tungkol sa nalaman niya, kahit papaano ay unti-unti na ulit bumalik ang pakikitungo niya sa akin. Nagpapatimpla na siyang muli ng kape at madalas na ulit salubungin ang aking tingin kaya siguro ay dapat hindi na ako nagulat na siya na ulit ang nanundo sa akin ngayon. "Bakit po ikaw ang sumundo sa akin?" I asked after the phone call ended. He threw me a glance. "Ako naman ang sumusundo sayo noon. Besides, late na tayo. We have to be at the Trivanzas before nine." Tumango na lamang ako nang mahina. I pulled my ipad out and read him some info about the deal he needs to close with the Trivanzas to refresh his mind. Nang makarating kami sa tahanan ng mga Trivanza ay siya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin gaya ng dati niya ring ginagawa. "Good morning, Keeno." The old man smiled. "Look at you? You grew up a fine man just like your father." Keeno flashed a genuine smile. "Thank you, Sir." Tumingin siya sa akin. "This is Cielle, my executive assistant." "What a beautiful girl. Are you sure she's just a secretary, hmm?" The old man motioned his hand. "Alam ko ang taste ng tatay mo pagdating sa babae. Hindi ba't nabaliw nang husto sa iyong madrasta?" Keeno laughed softly. "I don't really like calling her like that. Sa mata namin ng mga kapatid ko ay siya ho ang tunay naming ina." The old man smiled wider. "I cannot blame you, hijo. She is a wonder. A blessing indeed. Your father is a lucky man, hmm?" Ngumisi si Mr. Trivanza. "Oh, paano? Let's go in." Keeno nodded. Inalalayan niya ako habang papasok, at mukhang hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng matandang lalake. Maging ang naging paghila ni Keeno sa upuan na para sa akin ay tila binigyan ng matandang lalake ng kahulugan. "Let's skip the technical part. You know I'd sign those documents in a heartbeat anyway." The old man grinned. "Why don't you tell me how you've been doing, hmm? Natapos mo ba ang sessions mo?" Napakunot ako ng noo, nagtataka sa ibig sabihin ng matanda. Keeno must've felt my curiosity. Tumuwid siya ng kanyang upo at nginitian ang matandang lalake. "No, Sir. My therapist, the one you recommended to me when I was fifteen, he died due to heart attack. I had a hard time trusting the next therapist so I stopped seeing him." "Well, how are you doing so far?" Tumingin sa akin ang matandang lalake. "Hindi mo kasi naitatanong, hija, may-ari kami ng mental health clinic sa Ayala. My wife is a well-known psychiatrist back in the days. I learned a lot from her so even when you are not telling me anything, I can read your actions and behaviors." Alanganin akong napangiti. Oh, God please don't let him interpret our actions wrong. "I'm doing alright. My relationship with Dad improved. Kinalimutan na namin lahat ng nangyari sa nakaraan, Sir." "Oh, no no no, Keeno. Forgetting is deadly, because you could never totally get rid of something unless you learn it accept it. Let me guess? You still avoid serious relationships, hmm?" Alanganing ngumiti si Keeno. "I don't think we're supposed to be talking about my love life right now, though." Natawa nang mahina ang matandang lalake. "Alright, alright, I get it, hijo." Tumingin siya sa akin. "Hindi ka ba binibigyan ng sakit ng ulo ng batang ito?" I smiled. "Hindi po. Parang hindi ko nga ho boss. Parang kaibigan ko lang madalas." Hindi na namin namalayang napasarap na ang kwentuhan at masyado na kaming naging kumportable kay Mr. Trivanza, kaya nang tanungin niya ako ay biglang nagwala ang dibdib ko. "Hindi mo ba nagugustuhan si Keeno sa romantikong paraan?" Nakita ko ang pagtuwid ni Keeno sa kinauupuan niya na tila inaabangan ang magiging sagot ko. Bakit siya nakaabang? Para ba kung sabihin kong oo ay matanggal niya ako kaagad sa trabaho? Tumikhim ako at pekeng ngumiti bago ako umiling. "Hindi po. Boss at kaibigan lamang po talaga ang tingin ko sa kanya." "So you will never like me on a deeper level, hmm?" Napakurap ako't ang dibdib ay nagwala nang marinig ko ang tanong ni Keeno. Nang magtama ang tingin namin ay ganoon na lamang ang pagtataka ko nang makita ko ang lamig ng ekspresyong nakapinta sa kanyang mga mata. Is he mad? No, no, no. I'm sure he's just testing me... right? I drew in a silent breath before I forced a smile. "N—No, Sir. I promise you that I will never fall in love with you." Nanikip ang dibdib ko. Why did those words feel so hard to say while staring back at him? Is it because deep down inside, I knew that it's not true? Na matagal na iyong hindi totoo? Humugot siya ng hininga't marahang tumango bago siya tumingin ulit kay Mr. Trivanza. "There we go, Sir. She will never like me." A playful smirk made its way to the old man's lips. "Well, how do you feel about that?" I saw how Keeno's adam's apple bobbed up and down. "Great." He sighed and lowered his head. "Maybe this way, mas matagal ko pa siyang makakasama kaysa kapag naging karelasyon ko siya..." Lumagabog ang dibdib ko. Now what the hell does that suppose to mean?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD