"Aria, may mga maruming damit ka pa ba diyan?"
Tita Dennise asked me while I was doing my research
I open the door at itinuro sa kanya ang bathroom
Tita Dennise pretty, really. Kaya na rin siguro gwapo si Drake dahil sa kanya, and she is very simple too
"Nahihirapan ka ba diyan?" she once asked me
It was about general chemistry that time, and I am surprise na marami siyang alam tungkol dito
Tinuruan niya ako maghapon, it only stops when dad calls her
Itatago ko na sana ang cellphone ko nang mapatigil ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon
"Ang tagal mong nawala"
Ganon pa rin naman ang itsura niya, nagbago lang ang kanyang buhok because she dye it at medyo pumayat ito
We updated each other.
I am happy because she is finally here, but hearing what she's been through the past two weeks makes me wanna cry
"Anong balak mo ngayon?" I asked him
"I will cut my connections to them, mga gago sila"
She has a half brother, anak ng tatay niya sa labas and what's worst is that the other child is older than her
Nang matapos ang klase dinala ko siya sa isang fast food chain
"What's your order ma'am" sabi ng isang waiter at ibinigay ang menu
"I thought you prefer big restaurant because the food chain fast food chain is dirty--"
"Huy, wala akong sinabi na ganon" sabi ko at tinakpan ang bibig niya at tinignan siya ng masama
Nginitian ko si kuyang waiter bago sabihin ang order namin
Pagkatapos kunin ng waiter ang order umalis na rin ito
"Papansin 'to, kainis ka"
Nakakahiya ang waiter na kumukuha ng order namin ay kaibigan ni Drake dahil lagi ko itong nakikitang nagpopopost sa facebook
Tumawa ito ng malakas
"Kaya dito mo ako dinala kasi nandito si Drake diba? Malandi ka alam mo yon"
"Bakit," I raised my eyebrows "malapit kasi 'to sa subdi namin" then I rolled my eyes
Maya maya lang ay dumating na rin ang mga orders namin, bumagsak ang balikat ko nang makitang hindi si Drake ang nagserve noon
"Kuya pwedeng mag order ulit?"
Nagulat ang waiter sa tanong ko pero pumayag din siya
Nakakunot naman ang noo ni Mica habang tinitignan ako
She is probably asking me why I am ordering again
"Kela manang, dadalhan ko sila" sabi ko at nag iwas ng tingin
"Ulol" sabi niya at nagsimula ng kumain
Kaagad ding dumating ang pangalawang order ko at hindi ako nabigo nang makita kong siya na ang magseserve nito
"Thank you!"
I can't help but to stare at his face, He did not say anything he just greet us with his smile
And I feel like I want to melt, mabuti nalang at umalis na ito
"Alam mo kanina ka pa"
"Bakit?" I chuckled
"May gusto ka ba kay Drake?"
I stopped what I am doing
May gusto ka ba kay Drake?
May gusto ka ba kay Drake?
May gusto ka ba kay Drake?
Napaisip din ako
May gusto nga ba ako kay Drake?
"Ha," I said then laugh
"Wala"
"Wag mo kong niloloko, kanina nagt-twinkle twinkle yang mata mo nung nakita mo siya"
She exaggerates too much talaga
As if
"Guni guni mo lang yon"
"Mabuti naman, dahil may gusto ako sa kanya"
"Ano?!"
She said that na parang hindi big deal
What the f---
I looked at her in disbelief
"Bakit? bawal akong magkagusto sa kanya?"
"Oo!"
"Bakit?
"Kasi driver ko siya!"
Seriously? sa dinami dami ng tao bakit si Drake pa? I mean-- basta!
"Driver mo siya pero hindi mo siya pag mamay ari,"
"And besides, hindi mo naman siya gusto diba" she bravely said to me
Which shock me, natahimik ako ng mga ilang minuto, I am just sharply looking at her while she is eating peacefully
"I hate you." I said in despise
"Ikaw magbayad niyan" I said at tumayo para sana umalis na
Pero nahinto ako nang marinig ang tawa niya
Napatingin ang ilang mga costumers sa kanya, pati na rin ang ibang crew kasama na doon si Drake, mabuti nalang at walang masyadong taon ngayon
"Sorry" sabi niya sa mga tao na nakatingin
"Nakakatawa ka magselos, dinedeny mo pa eh halata na nga"
Tinignan ko si Drake na ngayon ay nakatingin rin sa akin, bumalik ako sa table namin
I rolled my eyes
"Hindi ko gusto 'yon, meron ako"
"Sino? ung naka chat mo sa omegle?" I tease her
She raised her eyebrow
I stick my tongue out
Hindi nanalagi doon si Mica ng matagal, pagkatapos niya kumain umalis na rin ito
I stayed, to wait for him
Naramdaman kong may umaalog sa akin
"Aria..."
Bumungad sa akin ang mukha ni Drake
Nanlaki ang mata ko nang marealize na naka tulog ako habang hinihintay siya
Kinapa ko kung may muta ako o kaya tuyong laway buti nalang at wala
"Nakatulog ako.."
"Bakit ka ganyan makatingin?" I asked him then laugh
Mukha siyang malungkot na ewan
"Tara na" sabi niya at tinayo ako
Siya na rin ang nagbitbit ng bag at laptop ko habang pauwi kami
"Pagod ka ba?" I tilted my head while asking him
Bumabagsak na kasi ang katawan nito at nagkakaroon na rin siya ng dark circles sa mata, halata mo ang pagod sa mata nito
He tried to flashed a smile and shake his head
What a liar
I can see kung gaano siya kapagod araw araw, matutulog siya ng late because of his work then gigising siya ng maaga because of me, halos wala siyang pahinga
Pagkarating namin sa bahay, inabot ko sa kanya ang mga pagkain na inorder ko kanina
"Kainin mo yan ah,"
"Goodnight" sabi ko at hinintay siyang pumasok sa kwarto nila
Pero hindi siya gumagalaw at nanatili lang siya sa harap ko, looking at me
Out of nowhere he suddenly pull me on his chest, encircled his arms around my waist and put his head on my shoulder
"1 minute" bulong niya
Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito and I am afraid na baka marinig niya, napako ako sa kinatatayuan ko, for a moment walang pumasok sa utak ko
Nang makabawi ako, I slowly put my hands on his back and slowly pat it.
Masaya ako kapag kasama siya, gusto ko lagi ko siyang nakikita, ayaw kong may mga nagkakagusto sa kaniya, at higit sa lahat sa kan'ya lang tumitibok ang puso ko ng ganito, baka nga tama si Mica, may gusto ako sa kaniya.
"Mia ika'y galit pa rin sa akin hanggang ngayon?"
Hindi niya ako sinagot at patuloy lamanag siya sa kanyang ginagawa
Ilang araw ko na siyang binabalik balikan sa kanyang tahanan, ngunit pare pareho pa rin ang resulta nito, hindi niya ako kinakausap
"May dala akong kaldereta--"
"hindi niyan mapapawi ang galit ko, Josefina, Alam mo kung anong makakapagpa-pawi nito"
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya
"Mahal ko si Manuel Mia, nagmamahalan kami"
Akala ko siya ang pinakamagiging masaya kapag ibinalita ko sa kanya ito ngunit taliwas ang naging reaksyon niya
"Paano na ang aking pinsan kung ganoon? Hindi ba't nangako kayo sa isa't isa?"
"Nangako kami sa isa't isa ngunit hindi ko naman alam na mangyayari ito, nagmahal lamang ako, mali ba ito?"
"Bibigyan kita ng pagkakataon na itama ang iyong pagkakamali, hiwalayan mo iyang Manuel na iyan at magpakasal ka sa aking pinsan" ang kanyang mukha ay puno ng determinasyon
"Ngunit h---"
"Kung ayaw mong pumayag ay kalimutan mo na lamang na naging magkaibigan tayo"