"Saan ka pupunta binibini?"
Napahinto ako sa paglalakad nang sumalubong sa akin ang hardinero namin na si Manuel
"Huwag mong sabihin kay Ama! Pakiusap,"
"Binabalak kong makipagkita kay Mia ngayong gabi ngunit tutol si Ama" nakayuko kong sabi sa kanya
"Delikado ang lumabas ng gabi binibini, maraming masasamang tao sa mundo"
Nanlumo ako sa narinig ko, sumulyap ako sa bahay namin, kailangan ko na bang bumalik? pero kailangan ko talagang makausap si Mia ngayong gabi
Tahimik ang kapaligiran at madilim tanging liwanag lamang na galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag para makita namin ang isa't isa
"Kung ganoon ay samahan mo na lamang ako," wika ko
Nanlaki ang mata niya at hindi nakapag salita
"Kung ayaw mo akong samahan ay hayaan mo na lamang akong puntahan ang aking kaibigan," humakbang ako papunta sa kanya
"Huwag kang mag alala sandali lamang ako"
Tuluyan ko na siyang nilampasan at tinahak ang daan papunta sa bahay ng aking kaibigan
"Sandali binibini!" narinig kong sambit niya at sunod ang mga yapak niya papunta sa direksyon ko
Pasikreto naming binisita si Mia, kahit mahina ito, pinilit pa rin niyang bumangon para makita kami sa labas ng bahay nila
"Anong nangyare? Ikinababahala ko ang liham na ipinadala mo sa akin"
"Si Ama, gusto niya akong ipakasal sa hindi ko kilala, inilalayo niya ako sa taong mahal ko!" wika niya at humagulgol
Ito ang isa sa mga kinakatakot ko, ang makasal sa isang taong hindi ko naman mahal, sana lang hindi maisipan ni ama iyon
Hinagkan ko siya "Maghahanap tayo ng paraan" pinunasan ko ang luha niya, hindi ko mapigilang hindi umiyak
"Binibini!"
Nabigla ako sa biglaang pagdating ni Manuel
"Kailangan na nating umalis, maraming mga gwardiya sibil ang nagkalat sa lugar na ito, baka mahuli tayo"
Pinunasan ko ang luha ko at bumaling kay Mia
"Huwag kang mag alala, gagawa ako ulit ng paraan para makapag usap tayo"
Tuluyan na kaming lumabas sa tahanan ni Mia
"Salamat dahil sinamahan mo ako," mahinang wika ko habang nang nasa tapat na kami ng aming bahay
Hindi siya nagsalita, huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako, hindi pa rin kami nakakapasok sa loob
"Anong problema?" tanong ko sa kaniya
Itinaas niya ang kanyang braso upang takpan ang ibabang parte ng mukha niya
Naramdaman ko na mayroong tao sa likod namin, kaagad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko, malalagot ako kay Ama kapag nahuli kami
"Itago mo ang iyong mukha" mahinang sabi niya
Iniladlad ko ang aking abaniko at ginawa rin itong panaklob sa ibabang parte ng aking mukha
Dahan dahan kaming lumingon at laking gulat ko nang makita si Manang Rosa doon
Unti unti kong binaba ang aking abaniko
"Alam ba ng iyong ama na lumabas ka ng bahay?"
Nagtama ang paningin namin ni Manuel
"M--"
"Jannah!"
Napadilat ako dahil sa sigwa at katok ng pinto sa labas, pumasok si manang
"Mahuhuli ka na sa klase mo, kanina ka pa hinihintay ni Drake sa sasakyan, bilisan mong kumilos" sabi niya at lumabas din agad
I groan, my dreams! Nahuli kami-- wait, so Manuel is the name, lahit na madaming bese ko na s'yang napanaginipan, I didn't know his name but why suddenly...
Ginulo ko ang buhok ko, tumayo na ako at mabilis na naligo para hindi mahuli sa klase
I don't wanna run in the whole campus kapag nasaraduhan kami ng gate
Hindi na ako kumain ng breakfast at dumiretso nalang sa sasakyan
Pagkarating namin sa campus, nauna akong bumaba at patakbong pumasok sa loob, buti nalang hindi pa sarado ung gate
Tumakbo ako papunta sa classroom nang makitang wala pa akong prof namin nakahinga ako ng maluwag kaya sandali muna akong nagpahinga
Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom sinalubong na agad ako nang nakasimangot na si Mica
"Hindi ka pumunta!" sabi n'ya
"Grounded ako," sabi ko at lalampasan na sana s'ya pero hinarang n'ya ang kamay n'ya
"Ay, bakit?"
"Nalaman ni dad na nag skip ako ng class,"
"Ang tagal na no'n ah--"
Natulala s'ya bigla sa likod ko and her eyes twinkled
Nang tinignan ko kung sino ito, it's Drake, and yeah we are classmaes and he looked puzzled dahil sa inakto ni Mica
Hindi ko alam kung bakit at papaano siya nakapasok dito basta sinabi nalang ni Dad na we are classmates despite of his age
He cleared his throat and said "Excuse me"
Mica gladly gave him a way,
"Shet sino yon, gagi ang gwapo"
Well he is undeniably handsome, he looks more clean hindi katulad noong una kaming magkita, I don't why he applied to us as a gardener he could pass for a model to be honest
Hindi ko s'ya sinagot at umupo nalang din sa upuan ko
Some of my classmates are obviously trying to get his attention while he was busy writing something on his notebook not minding all the adhesive stares
Mabuti nalang at dumating na ang prof namin at nagumpisa ng magturo
"Tara sa mall" yaya sa akin ni Mica habang inaayos ko ang bag ko
"Grounded ako diba," plus i want to think
"Aw, sige una na 'ko bye Jannah" sabi niya
"Wait lang Mia--"
"Mia?! " medyo galit n'yang sabi, medyo nagulat din ako why did I say Mia
"Sino si Mia? Mica ako ano ba" sabi nya at nagkibit balikat
"Ano may bago ka na bang bestfriend" sabi niya at nag iwas ng tingin
"Hindii, Mia is your name in my dream"
Her mouthed went O
"Malapit names namin infairnes"
I flashed an awkward smile and agreed with her
Pagkalabas ko ng campus nakita ko si Drake na naghihintay sa sasakyan
Pinagtitinginan siya ng mga estudyante, some are even taking pictures at meron pang mga ilan na lumalapit sa kanya para magpapicture
I get it that he is handsome especially in his uniform pero what wrong with this people hindi ba nila nakikita na hindi na komportable ung tao
Are they that insensitive?
Lumapit ako doon at sumakay ng kotse, I heard some gasp from the back
Yes your crush is my driver.
Dali dali ring pumasok si Drake sa loob ng kotse, pinunasan n'ya muna ang pawis n'ya bago magsimulang magdrive
Honestly I am preoccupied the whole ride because of my dream, the way I dream last night.. It feels... It feels surreal, as if I am really in that particular event, it feels different
Bumukas ang pintuan ng sasakyan, lalabas na sana ako nang magtama ang mata namin ni Drake, nanlaki kaagad ang mata ko
I saw Manuel's face on Drake, lumabas ako at inilapit ang mukha ko sa kanya
"M-ma'am," sabi n'ya
Pinakatitigan kong mabuti ang mukha niya, the eyebrow, the eyes, the nose, the lips, napahawak ako sa bibig ko
"Ikaw nga!" turo ko sa kanya
Kaagad niyang itinaas ang dalawang kamay n'ya and looked at me with shocked expression
"H-ha? Wala akong ginagawa"
Come to think of it, my dream last night exactly happened to me yesterday well except the fact that I talked to Mica and the difference how we got caught
I was with Manuel in my dream and I was with him last night and what happened in my dream and last night are the same
Coincidence?