Hindi ko alam kung ano gagawin ko, anong iisipin ko
So he is the guy that is always on my dream? Bakit ngayon lang s'ya nagpakita? Did he know? Kilala n'ya ba ako?
While I am trying to process everything, I felt a pain in my chest
Hinawakan ko ito at napapikit dahil sa sobrang sakit, parang sinusunog ito
This again.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" narinig kong tanong ni Drake
I didn't answer him, nang maramdaman kong lalo akong napapaso, I groan
Nakarinig ako nang nagammadaling mga hakabang papasok ng kotse at kalampag ng susi
"Dadalhin na kita sa ospital--"
"Don't," pinilit ko pa ring magsalita kagit nahihirapan ako
Oh G-, help me
"Pero--"
"Hindi...rin nila," I paused at hinabol ang hininga ko
"malalaman kung anong mali sa akin"
It's true, everytime my chest hurt nagpupunta kaming ospital but doctors can't find what's really wrong with me, they should retire because they can't heal me
Tinignan ko s'ya sa front mirror ng sasakyan, pinagpapawisan ito at nakatingin lang sa baba, habang mahigpit ang hawak sa manibela
"Mawawala rin 'to"
Binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas, as soon as I got up, umikot ang paningin and everything went black
PAG-gising ko puting kisame ang bumungad sa akin while Manang is sleeping at the couch, slighty hanging his mouth
Napansin ko rin ang mga supot ng pagkain na nandoon
So I am in hospital, didn't I tell him that don't bring me here? that guy...
Sinubukan kong umupo, nagulat nalang ako nang magising s'ya at tulungan akong umupo
Walang nagsasalita sa amin ni Manang,
"Dapat nagpapahinga ka,"
"Did Dad came?" I asked her
Hindi s'ya sumagot, baka hindi pa rin s'ya nakakabalik sa business trip n'ya
"Ah hindi? How about Mom?"
Still no response, still hanging out with friends? I think?
Tumango-tango ako and chuckled
Maybe umasa lang talaga ko na baka this time dumating na sila, mas mukhang naging magulang ko na si Manang eh
Hinawakan ako ni Manang sa balikat
"Okay lang manang" sabi ko at sinubukang ngumiti, I know that look in her eyes
Umuwi rin kami nang gabing iyon, I don't want to stay longer in hospital
I am indisposed the whole night, I can't even fall asleep for what so ever reason, that's why I decided to get out of the house
The night is so peaceful, wala kang ibang maririnig kung hindi mga kuliglig
Nilabas ko ang cellphone na kinuha ko kay manang, I dialed my mom's number at tinapat ito sa tenga ko
("Manang yeah I read your messages, but I still don't know kung kailan ako makakauwi, mamaya mamaya wait a minute")
Maingay roon.
(Manang? I will call you tomorrow, please take care of Aria, ikaw na bahala) then the call end
When I blink, doon ko lang naramdaman ang luha ko
Binaba ko ang telepono and went to my dad's number and dialed it
Pero pinapatay niya ito hanggang sa hindi na ito macontact
I stared at manang's phone
"Ehem,"
Hindi ako gumalaw, they are really neglecting me huh?
"Okay ka lang---"
Nanlaki ang mata n'ya at tumingin sa akin, his face looks surprised
"Ba't mo tinapon?"
Tinakpan ko ang mukha ko nang maramdaman kong nangingilid na ang luha ko, kinagat ko ang labi ko para pigilan ito
Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, kaya umusog ako
"Leave," I said
He did not move at nararamdaman ko pa din ang presensya nya sa tabi ko
"I said leave, hindi mo ba nakikita na gusto kong mapag isa? at 'wag mong sasabihin na may pake ka sakin, kasi dapat wala!" sabi ko at tinakpan ulit ang mukha ko
For I don't know reason, I cried again, napatigil lang ako when a large palm slowly pat my head
Inangat ko ang tingin ko sa kanya, when our eyes met, he slowly showed a smile,
Mukha kagigising lang nito dahil magulo pa ang buhok nito at naka-pajama pa, I still can't believe that he is the man in my dreams
Our eyes met, bahagyang nakapikit pa ito or maybe not dahil ganyan talaga ang mata nito
"Anong ginagawa mo?" tanong ko
Kaagad niyang binawi ang kamay niya at tumingin sa malayo
This man...
Tinaas niya ang kamay niya at ipinakita sa akin ang dala niyang orange pagkatapos ay iniabot niya ito sa akin
Nang hindi ko ito tinanggap siya ang kumuha sa kamay ko at inilagay doon ang orange
"Peace offering...sorry..." mahinang sabi niya at tumingin sa baba
"Alam ko sinabi mo sa'kin na 'wag kang dalhin sa ospital, pero.."
"Hindi ko kasi alam gagawin ko, n-nataranta ako at--"
"Okay lang," I cut him off, okay nga lang ba talaga?
Kung hindi niya ako dinala sa ospital, I wouldn't know that I am just really nothing to my parents, I wouldn't be disappointed at the doctors, again.
"You should sleep, gabi na--"
"Hindi tayo close"
He froze at dahan dahang tumingin sa akin na naka awang ang labi
What? no one tell me what to do, except my Dad because he has the power, and my Mom because she is my mom?
But from now on wala na, even them
"Tulog na ako...uhm...goodnight!"
Mabilis siyang pumasok sa loob, I pulled myself together and went inside as well
"A-ama,"
Naramdaman ko ang mga luha ko sa mata
Mabilis sinuot ang kanyang damit at hinawakan ang aking braso
"Anak--"
"Paano mo ito nagawa kay Ina!"
"Makinig ka sa akin--" ang mga hawak niya ay nanunuot sa aking balat
"Isa kang taksil--"
Isang sampal and dumapo sa pisngi ko
"Kailan ka pa natutong sumagot sa iyong Ama? ha?! Wala kang respeto!"
Hinayaan ko lamang tumulo ang aking mga luha nang gabing iyon na parang ang kalangitan ay dinadamayan ako
"Nitong mga nakaraang araw parang ika'y wala sa sarili" sabi ni Manuel at iniabot sa akin ang kamote na binalatan na niya para sa akin
Nasa ilalim kami ng puno ng mangga ngayon, sa pinakadulo ng lugar kung saan walang makakakita sa amin
"Salamat" sabi ko at tinanggap iyon
Malilim sa lugar at mahangin, wala kang ibang matatanaw kung hindi ang mga puno ng mangga
"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko,"
Isa iyong kasinungalingan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagtataksil ang aking Ama at ang kanyang Ina
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo? gusto mo dalhin kita sa --"
"Ayos lang ako," pinigilan kong tumulo ang luha ko
Tuwing nakikita ko siya, ibang imahe ang pumapasok sa isip ko
hindi ko halos malunok ang kinakain ko kaya ibinaba ko muna ito at hinarap siya
"Huwag mo na akong hintayin rito dahil hindi na ako muling pupunta pa at.."
Nabitin sa ere ang kamay niya, pakiramdam ko mayroong kung ano sa dibdib ko
Pumikit ako ng mariin " itigil na natin ito"