Siningkit ko mata ko para makita s'ya ng maayos
Nanatiling nakahawak ang mga kamay n'ya sa pintuan ng kotse habang hinihintay akong pumasok sa loob nito
"Hindi mo ako kilala?"
My question brings confusion on his face.
I don't know... I am freaking confused in my dream, ba't ganon, didn't I kill him the last time?
"I mean-- hindi ako familliar?"
Dahang dahan s'yang umiling
Bakit hindi?
Bakit ako napapanaginipan ko s'ya lagi, s'ya hindi?
Bakit s'ya familliar sa'kin, ako hindi?
I rolled my eyes "Kainis 'to" sabi ko at pumasok na ng kotse
Naging tahimik ang buong byahe namin papunta sa school
Sadly absent si Mica kaya wala akong kakwentuhan, hindi ko rin s'ya matext dahil wala akong cellphone
Gusto ko ng matulog ulit pero hindi pwede dahil may practical research pa kami pa kami
"Bakit mo tinanggihan?"
Nakita kong tanong ni Lyn kay Drake, nakatayo ito sa harap ng lalaki habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod, wala akong narinig na sagot mula sa lalaki
"Ayaw mo ba akong kasama?" pinaliit at pinalambing pa niya ang boses n'ya kaya napatingin ako sa kanilang dalawa, sakto napatingin din sila sa akin
Pinigilan kong matawa, ang aarte niyo
Dumating na rin ang prof namin at nagsimula nang magturo
"Bakit nga ba tinggihan mo? It's a great opportunity for you" tanong ko sa kanya habang nasa kotse kami
It's a contest about intelligence I think, to be honest he has a potential to be a exchange student abroad kapag napatunayan niya ang sarili niya doon
"Wala ka ng driver"
Tinaas ko ang isang kilay ko
"We can always find one"
Natahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon, feeling ko naging awkward din ang paligid
dapat ba hindi ko sinabi iyon?
"Sandali-- bakit parang ibang daan ung dinadaanan natin?"
Tumingin ako sa labas para makita kung tama ba ang daan na tinatahak namin
Hanggang sa huminto kami s aisang parking lot
Nanlalaki ang mata kong tinignan siya
"Nasa mall tayo" my mouth went O and got excited
Pero binawi ko rin agad nanag maalala ko na wala akong pera
"Anong gagawin natin dito? magpapalamig" sabi ko at lumabas ng kotse
These past few days lagi nalang akong nasa bahay or sa school, okay na rin siguro ito
Nanlumo ako nang maisip ko na wala akong pera pangkain at pangshopping ngayon hindi katulad nung dati
"Hinatyin mo 'ko dito" sabi niya nang makapasok kami sa mall
"Ako?" turo ko sa sarili ko
"Pa'no kapag nakidnap ako? bahala ka" sabi ko at nagkibit balikat
Napakamot siya ng ulo sa sinabi ko
"Wag na nga" narinig kong bulong niya
Nagpunta kami sa pinakamataas na floor, dahil nandoon ng arcade
To be honest, I've never been in this, who wouldn't thought na ganito pala kasaya dito
"Ay!" masama ko s'yang tinignan
"Sabi ko sayo sa blue!"
Naestatwa siya, that is our last token!
"Sayang may makukuha sana tayong token"
Binigyan niya lang ako nang isang tipid na ngiti
"Bibili lang ako ng tubig" sabi niya
Umupo muna ako saglit, at inilibot ang tingin sa buong paligid
Dumating din siya agad at iniabot sa akin ang tubig
aabutin ko na san nang ilayo niya ito
"Anong nangyare diyan?" sabi niya tsaka hinawakan ang pulso ko
"Ah,"
"You tried to commit..?
"No way"
Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ung mark sa wrist ko, ang ironic, mukha talaga akong nagsuicide
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin
"Bakit mo nga pala ako dinala dito?"
"To cheer you up"
"Naaawa ka din sa'kin'
Nagulat at napatayo siya sa sinabi ko
"Hindi sa ganon"
Kinuha ko ang tubig at dire diretsong lumabas ng mall
Ayoko sa lahat kinakaawaan ako
Pagkarating ko sa kotse, humiga ako at nagtulog tulugan
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na talaga ako
Mahal kong Binibini,
Ano mang mangyare, ika'y hihintayin ko. Kung hindi ka man makapunta ako ay gagawa ng paraan upang makasama ka. Walang makakahadlang sa pag iibigan nating dalawa. Mahal kita.
Manuel,
Itatago ko na sana ang sulat ngunit may biglang humablot dito, nanalaki ang mata ko nang si Ama ito at binabasa na niya ito
"Balak ninyong magtanan?"
Dumaloy ang kaba sa dibdib ko, sinusubukan kong mag isip ng mabuti
Nanlisik ang mata nito at sinubukan akong hawakan, ngunit lumayo ako
"Ikulong siya sa kanyang silid" Mariing utos niya sa aming mga kasambahay
Parang gumuho aking mundo sa narinig ko kaya nilapitan ko agad si Ama at nagmakaawa
"Ama, huwag mong gawin sa akin ito, mahal ko po si Manuel"
"Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?"
"Hindi ka nababagay sa hampaslupang iyon!"
"Matulog ka na at hindi ka na makakalabas ngayong araw"
"Huwag mo akong daanin sa iyong pag iyak dahil hindi na ako naaawa sa iyo"
Tuluyan na siyang lumabas ng aking silid
Hindi ko alam kung papaano sasabihin kay Manuel ang nangyare, pinagbawalan din ni Ama ang lahat na lumapit sa kwarto ko kaya wala na akong magawa
Naalimpungatan nang maramdaman kong mayroong yumuyugyog sa akin
Pagbukas ng aking mata, bumungad sa akin and mala anghel na mukha ni Manuel, hindi inalintala ang gulo sa paligid
Mayroon siyang sinasabi ngunit hindi ko ito maintindihan
Isinara ko muli ang aking mga mata at binuksan uli ito
Mukha pa rin ni Manuel ang bumungad sa akin
Hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang luha sa aking mata
"May masakit ba sayo?
Ipinikit ko ang aking mata at tumango, sa pagmulat ng aking mga mata
Si Drake na ngayon ang nasa harap ko, he is leaning forward to me habang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin
"H-ha?"
"Tinatanong ko kung may masakit sayo"
Napansin ko rin na hawak niya ang pisngi ko kaya nataranta ako at naitulak siya
Narinig ko ang pagkakatama ng ulo niya sa kotse kaya napatakip ako ng bibig
Pinaghalong hiya at pagkataranta ang naramdaman ko
Lumabas siya ng kotse.
He looks hurt dahil hawak hawak na niya ngayon ang parte kung saan siya nauntog
"Sorry, sorry" sabi ko at tumakbo papasok ng bahay
Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya, but I hope he is not bleeding.