"Binibini, hinihintay ka na sa ibaba"
Hindi ako kumibo at nanatili ang aking mga mata sa labas ng durungawan
"Kapag hindi ka pa bumaba riyan, magagalit na ang iyong Ama, pinaghihintay mo ang mga panauhin"
"Opo manang"
Gustuhin ko mang tumanggi ,wala akong magagawa
"Nandirito na pala siya," sabi ng aking ama at ngumiti sa mga panauhin, samantalang ang akin Ina ay binigyan ako ng isang pilit na ngiti, halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko
"Pasensya na kayo, alam niyo naman nagsusunog iyan ng kilay dahil malapit siya ay nasa kolehiyo na" sabi niya at ngumiti
Sinubukan ko ding ngumiti sa mga ito, mag asawa at isang ginoo ang naroon, mukhang galing ito sa ibang lugar dahil sa kanilang mga kasuotan,
Maayos ang buhok nito at ang kasuotan, maputi ito at nagmukha itong banyaga
Umupo ako at sinubukang kumuha ng kaldereta at kumain
Bigla na lamang naging tahimik ang palid, tanging kuliglig lamang sa labas ang nagsisilbing ingay sa buong paligid
"Kailan ang kasal?" sabi ng aking Ina, Tinignan niya ako pati na rin ang ginoo nang may ngiti sa kanyang mga mata,
Ito na nga ang sinasabi ko, kaya ayokong bumaba, sinabi nila sa akin ang bagay na ito at hindi ko magawang tumakas dahil ikinulong nila ako sa aking silid
"Hindi ba dapat sila ang nagdedesisyon niyan? Iha, kailan mo gustong ikasal?"
Pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan ko, nararamdaman ko na ang pawis sa noo ko, nagtama ang paningin namin ni Vivencio at inaabangan niya din ang magiging sagot ko
"Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ng iyong anak, Elena"
Umayos ako ng umupo nang marinig iyon sa ginang at pasimpleng pinunasan ang aking pawis, magagalit nanaman si Ina sa akin pagkatapos nito
"Mukha nga," sabi niya at pinanlisikan ako ng mata
"Kung ganoon bakit hindi mo siya samahan iho?" tanong niya sa ginoo
Ibinaba ko ang mga kubyertos at timingin sa ibaba
"Huwag ka ng mahiya, magiging parte ka na rin naman ng pamilyang ito at para na rin makapagusap na rin kayo tungkol sa inyong kasal"
"Doon kayo sa iyong silid anak" sabi ng aking ama
Kaya wala akong nagawa kung hindi sundin sila
Tahimik na sumunod sa akin ang binata
"Hindi ba maganda ang iyong pakiramdam?"
Hindi ako sumagot at tinignan lamang ang lalaki, ang itsura niya ay ganoon pa rin ngunit ang nararamdaman ko para sa kaniya ay hindi na
"Hindi ka ba nasasabik na makita ako?"
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya
"Bakit hindi ka na sumusulat pabalik sa akin? May nagbago na ba?"
Noong mga bata pa kami, pinangako namin na wala kaming ibang mamahalin kung hindi ang isa't isa, walang ibang papakasalan kung hinid ang isa't isa
"Patawarin mo ako Vivencio"
"Hindi ko alam kung anong nangyare, siguro dahil malayo ka sa akin at wala ka noong wala akong makakapitan"
Naramdaman ko ang mga luha ko
Gusto kong sabihin na may mahal na akong iba ngunit ayokong magulo kami ni Manuel
"Nag aral ako sa ibang bansa para sa ating dalawa, Josefina, dahil gusto kong bigyan ka ng magandang buhay, upang hindi ka maghirap"
Tumulo na rin ang luha sa mga mata niya
"Pasensya na talaga, Itigil nalamang natin ang kasal para wala ng masaktan"
"Hindi ako papayag"
Ang kanyang mata ay punong puno ng determinasyon, parang naging ibang tao na ito sa paningin ko
"Akin ka lamang Josefina"
"ARIA!"
Napabalikwas ako sa tawag ni manang
"Manang!"
"Ang Daddy mo nandito na!"
Bumagsak ang mga balikat ko
Akala ko naman kung ano
Bumalik ako sa pagkakahiga at sinubukang matulog uli pero hindi na ako nakatulog
Today is sunday that's why I dont need to go to school, it's totally a free day today. I might wtch netflix and chill lang muna
Bababa sana ako para kumuha ng pagkain nang masalubong ko si Drake sa baba ng hagdan, kaya nanalki ang mata ko
Naka usual na pambahay lang ito at may dala siyang hamper na may lamang mga damit
Naka awang ng konti ang labi nito pero ngumiti rin siya and greet me a good morning at dire diretsong naglakad pero pinigilan ko siya
"O-okay ba ung ulo mo?--I mean nagdugo ba?" sabi ko at sinilip ang ulo niya kung saan siya nauntog, I am seriously worried, baka may internal bleeding or qhat
He flashed a boyish smile " konting bukol lang' he said then gesture the "little" in his hand
"Sigurado ka? gusto mong magpadala sa hospital? sasabihin ko kay daddy--"
"Wag na"
Dahil sinabi niyang huwag na hindi ko na pinilit, but I tried touching the part which is in pain
He flinched.
Sabay kaming natawa
"Maglalaba pa kami ni Mama" sabi niya at tuluyan ng umalis
Tatlong araw nang hindi pumapasok ni Mica and I can't contact her dahil wala pa rin akong phone
That's why I decided na punatahan siya with the help of Drake
I got disappointed nang malamang wala na siya sa tinutuluyan niyang apartment, she is living alone.
"Wala ka ba talagang cellphone diyan?" tanong ko kay Drake
Kinapa nya muna ang sarili niya bago siya sumagot
Sasabunutan ko siya kapag bumalik siya
We we're standing in front of her unit while looking away
"Aish tara na nga---Anong nangyare sayo?"
Nakahawak siya sa noo niya at pinagpapawisan siya
"Namumutla ka"
Kaagad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko
Hinawakan ko ang parte kung saan siya nauntog, nagulat ako nang makita kong may dugo sa kamay ko
He groaned
"Sabi ko kasi dalhin ka sa ospital eh!" hindi ko mapigilang sigawan siya
Pero natunaw rin ang galit ko nang makita kong ngumiti siya
Inakay ko siya at isinakay sa kotse,
Kinuha ko ang susi at hindi magkaugagang i-start ang kotse
Nasapo ko ang ulo ko nang maalala na hindi ako marunong mag drive
"Huy hindi ako marunong mag drive" sabi ko at niyugyog siya
"Drake!" sabi ko at mas lalo siyang niyugyog nang makitang tuluyan n niyang sinarado ang mga mata niya
Mas lalo akong nataranta, nakita ko ang mga bakas ng dugo sa upuan ng sasakyan
When he suddenly pulled my me to his chest
Nagulat ako kaya hindi ako nakagalaw agad
Pinagmasdan ko ang mukha niya, he looks like he is peacefully sleeping, he looks like he is not in pain
Pakiramdam ko mayroong malakas na pwersa na dahang dahang humihila sa akin sa kung saan that changes the surroundings.