Sobrang bilis ng pangyayare, parang dumaan lang ito sa harapan ko
I saw us laughing while walking me home...
I saw us kissing...
I saw how he showed his love for me
But I also saw that he was shot... and saw his lifeless body
Lumayo ako sa kanya, hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng kotse at mangiyak ngiyak na tinitignan siya
What did I just saw?
I--
"Teh?"
Binalingan ko ng tinignan ang nagsalita
A girl who is older than me, hindi siya kagandahan, short hair at nakahead band. Nakasuot ito ng simpleng short at fitted shirt habang nakasukbit ang bayong sa braso niya
"Uh--" nang makita ko si Drake tsaka ko naalala that he is bleeding, bumalik ang kaba sa dibdib ko--
"Hala!" malakas na sigaw niya at hinawi ako para malapitan niya si Drake
"Patay na?" nanlalaki ang mata niyang sabi
"Ha?" nagulat ako sa sinabi niya kaya hinawi ko siya at ako ang tumingin kay Drake
Nang hinawakan ko ang dibdib niya at maramdamang may heartbeat pa ito ay nakahinga ako ng maluwag
"Do you know how to drive? he really needs to go to hospital, he is bleeding"
"Ah hindi eh, pero teka tatawag ako ng tric- TRICYCLE!" kaway niya
Kaagad na pumarada ang tricycle sa harap niya, pinagtulungan naming buhatin si Drake papasok sa loob
We arrive at the hospital at kaagad siyang dinala sa emergency room
Hindi naman siguro siya mamamatay diba?
I was anxious the whole time
Hindi naman siya mamamatay diba
Waiting outside the emergency room kasama ang babae na tumulong samin kanina
"Teh, may kasama ba kayo? mukhang hindi kayo taga dito ah" she said and examine me
"Uh no,"
Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghintay bago lumabas ang doctor
"Don't worry it's only a minor it just hit the lump on his head that leads to bleeding and loss of consciousness, kailangan niyang magpahinga"
Inilabas na rin siya sa ER
Since the hospital is public at maraming tao doon, I can't believe that we end up in the hall way, puno na ang mga rooms, some people even sharing in bed at marami rin kaming mga nasa hall way
Anna, the girl that help me, already left, but before he left she bought us food at hiniram ko ang cellphone niya para tawagan si manang
Maya maya lang ay dumating na rin si manang at ang nanay ni Drake
Her mother looks worried, kaagad niyang pinuntahan si Drake at hinawakaan ito sa kamay
Nakaramdam akong ng guilt kay iniiwas ko ang tingin ko
"Anong nangyre," sabi ni Manang habang sinisilip si Drake
Pinigilan kong tumulo ang luha
Sobrang nag-guilty ako, pakiramdam ko kasalanan ko
Nakita kong nagpupunas ng luha ang nanany ni Drake
"Anong nangyare"
Pagkatapos kong i-kwento ang nangyare she still manage to be kind and mahinhin, hindi mo makikitaan ng galit ang mga mata niya, purong pag aalala lang sa anak niya
Gabi na nang magising si Drake, nagulat siya nang makita ang nanay niya sa tabi niya
Nang gabi ding iyon umuwi na kami, we took a cab kahit pa pinipilit ni Drake na magmaneho
Hindi ako makatulog dahil sa nangyare, pagkatapos dumating nila manang at tita Dennise, hindi na kami nakapagusap pa ni Drake, hindi ko man lang natanong kung ayos lang ba siya, hindi man lang ako nakahingi ng sorry
Bumaba ako para uminom ng tubig, hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nasa tapat ng kwarto nila Drake
Tulog na kaya siya?
Titignan ko lang kung okay sya.
Umamba akong akong hahawakan ang doorknob nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin si Drake
Naiwan sa ere ang kamay ko, habang siya nanatili ang kamay sa pinto, his face is wondering and I feel like my feet froze on where I am standing
I snap my finger to make an adlib
"Akala ko dyan ung kwarto ko, hindi pala" sabi ko at mahinang sinampal ang sarili
Tsaka ako tumalikod at umakyat na sa taas.
Mabuti na lang at mukha siyang okay
"Josefina, hindi ka ba bababa diyan upang samahan ang bisita mo?"
"Hindi po maganda ang pakiramdam ko Ina"
"Ano ang gagawin ni Vivencio doon sa ibaba, gumawa siya ng paraan upang makita ka kaya huwag ka ng mag inarte diyaan at bumaba ka na"
Nag ayos ako at sinunod ang gusto ni Ina
Hindi ko na nagugustuhan ang halos araw araw niyang pagpunta rito at pagbibigay niya sa akin ng bulaklak
Hindi ko mawari kung bakit patuloy pa rin siyang bumabalik kahit pinapakita ko na hindi ko na gusto ang kanyang ginagawa
"Nais mo bang lumabas at makita ang mga magagandang tanawin sa bukidnon?"
Hindi ako sumagot dahil ayokong masaktan ang kanyang puso sa sasabihin ko, kahit papaano ay mahalaga pa rin siya sa akin dahil magkaibigan kami
Nang dahil doon inayos niya ang kanyang upo
"Mukhang wala na talaga" bulong niya
"Naparito ako upang sabihin sa iyo na ako ay aalis dahil ako ay may aayusin sa ibang lugar"
Bahagyang may humaplos sa puso ko nang sinabi niya iyon, pakiramdam ko dininig na ang mga panalangin ko na makatakas sa kaniya
"Ngunit sa aking pagbalik, sisiguraduhin kong ika'y matatali na sa akin"
Pinaghalo halong emosyon ang naramdaman ko, ang saya ay napalitan kaagad ng pighati, sa pangalawang pagkakataon gusto ko nanaman muling lumuha pero pinigilan ko ito
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang may maka agaw ng atensyon ko sa likod ang aming bakuran
Si Ama kasama ang aming kasambahay, nakita kong hinalikan niya ang ginang, hindi na ako nagulat sa nasaksahin ko
Ngunit ang aking ikinagulat ay nang daanan lamang ni Ina ang dalawa na parang hangin, na parang hindi niya ito nakikita
Nagtama ang paningin namin ni Ina, siya ang nag iwas ng tingin
Nagbubulagbulagan siya sa kataksilan ng aking Ama.