Nagugulumihanan na may kasamang takot ang naghahalong emosyon kay Andrea sa nakita’t narinig sa nakabababatang kapatid. Alam niya sa sarili niya na may mali. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Hindi makakatulong ang pagpapanik. Agad niyang pinihit ang gripo sa lababo at idinantay muna roon ang mga kamay nang saglit bago siya sumalok ng tubig gamit ang mga palad. Inihalamos niya iyon sa buong mukha at kaginhawaan ang naramdaman nang dumampi ang malamig na tubig sa sariling balat.
Natigil siya sa ginagawa nang bumaba ang temperature sa buong banyo. Hindi na galling sa tubig ang lamig na iyon na humahalik sa balat niya. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo sa batok. Agaran ang paglamig na iyon kaya napasilip siya sa maliit na bintana ng banyo sa bandang kisame pero wala namang kahit anong bugso ng hangin ang nanggagaling doon. Nang ibaling niya ulit ang paningin sa patuloy na umaagos na likido mula sa gripo ay nanlaki ng sobra ang kanyang mga mata.
Halos di siya makagalaw. Nakaawang ang ibabang bahagi ng kanyang bibig at hikbing natatakot ang maririnig sa kanya. Sapagkat imbis na tubig ang lumalabas ay kulay pula ito, masangsang at sagana. Nabahiran na rin ang kanyang mga kamay ng likidong iyon. “D-dugo. Dugo ‘to!” Napaatras siya at dama niya ang malamig na dingding sa kanyang likod. Hindi siya makagawa ng kahit ano pangsalita. Takot na takot siya at mas sumidhi ang takot na iyon lalo na nang may itim na buhok ang unti-unting humahaba at pumapasok mula sa maliit na bintana sa kisame.
Pailing-iling si Andrea. Ayaw niyang maniwala sa mga nakikita. Ayaw niya mismong makita.
"Tu-tutulong!" Sigaw niya at pinihit ang seradura ngunit nagulantang siya nang mapagtanong nakakandado na ito. Imposible manpgyari iyon sapagkat maaari lamang itong makandado ito mula sa loob.
"Pa-paano?! AAAAH! Avah! Tulong! Buksan mo ‘to!" Paghingi niya ng tulong. Pero nakababa na si Avah ng mga oras na iyon kaya tanging sa bakanteng silid lamang umalingawngaw ang kaniyang si. Napaiyak na lamang siya sa paulit-ulit niyang paghampas sa pintuan wala siyang pakialam sa namumula niyang mga palad. Ayaw niyang lumingon sa takot na may makita.
"Avah! Mama! Papa! Lola! T-tulong! Tulungan niyo ako! AAAAAAAH! Kahit sino! Pakiusap! Kailangan ko ng tulong! Wala bang nakakarinig sa akin?” Pahina na nang pahina ang kanyang boses na tila kinakapos na ng hangin.
"Tulong! Kahit sino! Tulungan niyo ako. Pakiusap." Gahol niyang pakiusap.
"Hihihihihihi!" Sa pagbungisngis na iyon ay tumaaas ang balahibo ni Andrea. "Hihihihihihi!" Paulit-paulit ang bungisngis na parang sirang plaka kaya napalingon siya sa salamin na nasa gilid lamang niya. "Bwahahahaha!" Mula sa pagbungisngis na iyon ay naging isa itong tawa ng demonyo.
Tila may sariling isip ang kanyang katawan nang pumihit ito at bumulaga sa kanya ang repleksyon ngunit hindi niya pag-aari iyon. Repleksyon iyon ng isang batang babae na duguan mula ulo at nabahiran na rin ang suot-suot nitong mahabang bistida. Nakatingin ang bata sa kanya nang masama. Unti- unti nitong inilahad ang kamay hanggang sa tumagos ito sa salamin at halos maabot-kamay na siya.
"Maglaro tayo." Sa sinaad na iyon ng bata ay otomatikong humablot ng kung ano si Andrea na nagkataong Pigura na mga palamuting bulaklak at inihagis iyon nang buong lakas sa multo ng bata.
"WAAAAAAAAAAAAH!!!" Ang sigaw na iyon ang siyang nagpaalerto sa lahat ng tao sa bahay nila. Lahat ay abala nang marinig ang nakakagimbal na sigaw na iyon kaya kumaripas sila ng takbo kung saan man nanggagaling iyon.
Unang nakarating ang tatay paakyat at nang buksan niya ang pintuan ng banyo ay bumungad sa kanya si Andrea na iyak nang iyak at sugatan bunga ng mga bubog na nagkalat mula sa nabasag na salamin. “ANDREA! ANDREA ANAK!”
Napasinghap ang lahat ng mga sumunod mula sa likod ng padre de pamilya. Halos mapanganga naman ang ina at ang matanda sa nakita. Mahihimatay ata ang ina sa nasaksihan. Napasign of the Cross naman ang matanda, “Diyos ko po. Huwag niyong pababayaan ang apo ko. Diyos ko.”
Samantalang si Avah naman ay nakadama ng panghihina. Sinaluhan pa ito ng pamilyar na takot. Takot na kahalintulad na kahalintulad nang pumasok siya sa bahay ni Tandang Gresa at alam niyang isa itong pagbubuwis ng buhay.
"Ate. Ate Andrea." Yan lamang ang binanggit niya at nilingon ang humahagikhik na kaibigan sa sulok ng kaniyang kwarto. “Ate...”
Sinusubukan nilang pakalmahin ngayon si Andrea pero tila naistatwa ito sa pagkakatulala.
"Andrea. Tumingin ka muna sa akin. Anong nangyari? Ano bakit ka anak nagkaganyan? Sabihin mo." Halos maiyak na rin ang ina habang tinatanong iyon. Pahikbi-hikbi lamang si Andrea na parang kagigising mula sa isang nakakatakot na bangungot.
"Magpapasko ay bakit ba nangyayari ito sa atin?" Muling tanong ng ina. Agad bumaba ang kanilang tatay para kumuha ng isang basong tubig at bimpo. Ang matanda naman ay pinagmasdan ang bawat detalye sa banyo para mang-usisa at agad din lumisan para kumuha ng gagamitin sa panggagamot sa mga natamong sugat ng apo.
“Huwag muna natin siyang biglain, kailangan natin siyang mapakalma muna.” Saad ng tatay sa mga tao sa buong bahay.
Lumipas ang mga oras. Nakatulog na si Andrea na hindi pa kumakain ng hapunan para sa araw na iyon, walang kibo at iyak lang nang iyak. Hinayaan na lamang muna siya ng kaniyang pamilya para makapagpahinga. Natapalan na rin ng paunang lunas ang mga sugat na kaniyang natamo sa buong katawan.
Awang-awa naman si Avah sa kanyang nakatatandang kapatid na ngayon ay tinitigan niya ang mukha ngunit agad niya rin iyong binawi nang maramdaman ang presensya ni Rosa.
"Maglaro na tayo Avah. Gusto ko maglaro ng bola. O di kaya habulan na lang! Ay mga manika mo na lang ang laruin natin!" Ang sabik na tono ng boses na iyon ay hindi pinansin ni Avah. Nakadadama siya ng dismaya at galit ngayon sa ginawa ni Rosa sa kaniyang kapatid. At sa halip ay humiga na lamang siya sa sariling higaan at itinalukbong ang kumot.
“Avah? Maglaro na tayo! Sige na! Maglaro na tayo!” Wala itong nakuhang kahit anong tugon. "Iyan ba ang napili mo? Sawa na ako sa mga pambabalewala Avah. Dapat ikaw ang nakakaalam nun hindi ba? Ang sabi ko gusto kong maglaro." Napaigtad sa kama si Avah nang makita niya na kasama niya sa loob ng kumot si Rosa. Magkatapat ang kanilang mga mukha at mata sa mata ang nangyari.
"Rosa. Tumigil ka na pakiusap. Malalim na ang gabi. Pagagalitan ako nila mama sa oras na makita nilang gising pa ako. At tsaka kailangang magpahinga ni ate. Hindi ko siya pwedeng istorbohin. Sana naman alam mo yun." Pagdadahilan niya na ikinainis ni Rosa.
"Mama? Lola? Papa? Ate? Ilan lang sa mga taong sagabal sa kasiyahan mo, sa buhay mo Avah. Makinig ka sa akin. Ang ginawa ko ay para sayo. Hindi ko naman siya sinaktan eh. Siya ang may gawa nun. Ni hindi ko nga siya hinawakan!" Turan ni Rosa na may diin para makuha ang buong atensyon ni Avah. Dahil sa pagiging bata niya ay madali siyang maimpluwensyahan at ang murang pag-iisip nito.
“Pero yung nangyari kay ate. Hindi talaga ako natutuwa.”
“Hindi ko rin naman ginusto yun. Ang totoo nga nun, dapat makikipaglaro lang ako sa kaniya pero binato niya ako ayan tuloy nasaktan siya. Wala naman talaga ako ginagawang masama Avah.”
Hindi ganun kakumbinsido si Avah sa narinig. “Tumigil ka na Rosa.”
Nagpintig ang tenga ni Rosa. Tinakpan niya ang kaniyang mga tainga. Ang linyang iyon.
“Tumigil ka na Rosa.”
“Tumigil ka na Rosa.”
“Tumigil ka na Rosa.”
Paulit-ulit ang mga katagang yun na parang plaka na pumapalibot sa kaniya. Hanggang sa ang boses ni Avah sa mga katagang iyon ay napalitan ng boses ni Tandang Gresa.
“Tumigil ka na Rosa.”
“Tumigil ka na Rosa.”
“Tumigil ka na Rosa.”
“Rosa!”
“Rosa!”
“Tumigil”
“Ka”
“Na!”
“Rosa!”
Napaluhod siya. Napatayo rin si Avah para tulungan si Rosa. “Rosa? Rosa? Ayos ka lang ba?”
Nag-angat ng paningin si Rosa. Unti-unting nalusaw ang mga boses na naririnig niya.
"Ou salamat. Ayo lang naman ako. Siguro maglaro na lang tayo. Mas magiging ayos ang pakiramdam ko ruon. Alam mo maglaro na lang tayo sa labas. Maniwala ka sa akin. Magiging masaya yun." Saad ni Rosa at kinuha ang bolang kulay rosas ni Avah. Nilaro-laro niya iyon na para bang inaakit si Avah ngunit sa bawat talbog ng bola na nililika ni Rosa ay unti-unting nagigising naman ang lola nina Avah at Andrea.
"Mangako ka muna na hindi mo na ulit gagawin yun kay ate Andrea, o kahit kanino at tsaka ako makikipaglaro sayo. Hindi mo na sila tatakutin. Pangako ba iyon?" Turan ni Avah.
Napuno muna ng katahimikan ang buong silid bago bumuntong hininga si Rosa at sumagot. "Oo Avah. Nangangako ako. Pangako. Hindi ko na sila guguluhin." Ngunit sa tugon niyang iyon ay inilagay niya sa likod ang kaliwang kamay at ikinrus iyon na lingid sa kaalaman ni Avah na siyang asang-asa sa mga pinagsasasabi nito. Inilahad pa ni Rosa ang kanyang kanang kamay na tinugunan naman ng paslit.