Habang nag-uusap ang mga magulang niya at si Patricia maging ang kuya niya sa gaganaping kasal ay napapalunok na lang siya sa bawat mga sinasabi ng mga ito. Ang venue, mga intourage na isa siya sa mga kasali at ang date ng kasal ng mga ito na magaganap ilang buwan lang ang pararaanin. Hindi na niya kinaya ang antok oh mas tamang sabihin na naririnig niya sa mga ito kaya nagpanggap na lang siyang magpapahinga na muna at iinom ng gamot para sa sakit ng ulo kaya pinayagan naman siya ng kanyang mga magulang. Ramdam niya ang paninitig pa rin sa kanya ng kanyang Kuya Paulo habang papaalis siya ng dinning area nila, hindi na lang niya ito pinansin at makakadagdag lang ito sa mga kakaiba niyang nararamdaman at naiisip. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang sariling kuwa

