Chapter 6- Family Dinner

1629 Words
        Kahit na gaanong iwas ang gawin ni Chloe ay palagi pa ring gumugulo sa isipan niya ang kanyang Kuya Paulo. Nahihirapan na siyang kumilos ng maayos kapag nasa harapan niya ito. Noong una ay nakakaya pa niyang hindi salubungin ang mga titig nito na ipinupukol sa kanya sa tuwing makakasalubong niya ito. Hanggang sa tuluyan na siyang manghina at hindi na kinaya ang mga nangyayari sa kanyang sarili.          Nakapangalumbaba siya habang nakaupo sa isang high chair sa kanilang counter island. Iniisip niya kung ano ba ang masamang ispiritu ang dumapo sa kanya para paulit-ulit na bumalik sa isipan niya ang imahen ng kanyang Kuya Paulo habang nakatapis lang ito ng tuwalya noong isang umaga. Hindi mabura sa isipan niya ang tagpong iyon, maging kung paano siya kabahan ng mga oras na iyon. Para tuloy siyang baliw! Sarili niyang kapatid tapos ay pinagnanasahan niya? Nasaan na ang katinuan niya ng lagay na'yun? What kind of human she is para isipin ang ganoong bagay? At muntik pa siyang mapalundag sa gulat ng bigla ay may magsalita sa likuran niya.         "Hija, ano ba ang nangyayari sayo? Parang ang lamin ata ng iniisip mo kanina pa?" Pansin ni Yaya Dora sa kanya.         "P-po?" Kinabahan siya sa bigla nitong tanong sa kanya.         "Ang sabi ko parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba na hindi sinasabi sa mga magulang mo?" Kita niya ang pag-aalala ito sa kanya habang ipinaglalagay siya nito ng juice sa baso.         "O-okay lang naman po ako yaya." Mabilis niyang sagot dito. Ganoon na ba siya ka obvious sa kakaisip ng kung ano-ano tungkol sa kuya niya at bigla siyang nasita ng kanilang yaya Dora?         "Sigurado ka ba hija?" Muli ay tanong nito sa kanya. Parang sinisigurado pang mabuti nito ang sagot niya base sa itsura niya. Napangiwi na lang tuloy siya pagkatapos.         "Opo yaya, I'm okay don't worry. Bakit nga po pala ang dami nyong pinamili?" Pag-iiba niya ng usapan. Napansin kasi niya ang mga grocery bags na nakapatong sa mesa, halatang kagagaling lang nito sa pamimili.         "Ah, yan bang mga pinamili ko ang tinutukoy mo? Inutusan kasi ako ng Mommy mo na mamili ng iluluto mamayang gabi para sa dinner ninyong mag-anak."         Dinner? Wala atang nabanggit sa kanya ang mga magulang niya na may espesyal silang family dinner mamaya? Nasanay na kasi siyang wala ang mga ito ng madalas dahil sa trabaho, at ang tanging kasama niya lang ng madalas ay ang kanyang Kuya Paulo. Kung minsan nga ay mag-isa lang siyang kumakain kaya nanibago siya sa sinabi ng kanyang yaya Dory.         "Family dinner po? Parang wala naman po atang nasabi sa akin si Mommy tungkol doon."         "Naku nakalimutan lang sigurong banggitin sa sobrang busy ng mga iyon sa trabaho. Pero mamaya ang alam ko ay kasabay ninyong mag-anak na magdidinner si Ma'am Patricia."         Sa pagkarinig niya sa pangalang Patricia ay bigla siyang napaisip. Ito kasi ang anak ng business partner ng kanyang mga magulang na gustong ipakasal sa Kuya Paulo niya.         "Ganoon po ba." Bigla ang pagsibol ng lungkot sa boses niya, marahil ay pag-uusapan na ng kanilang mga magulang ang nalalapit na kasal ng mga ito.         "Oo, kaya kung gusto mo ay ininvite mo na rin si Brix mo hija tutal at alam naman na ng mga Daddy at Mommy mo ang tungkol sa inyong dalawa hindi ba? Para naman maging komportable na siya sa pamilya mo." Suhestiyon nito sa kanya. Napatango na lang siya pagkatapos. Nagpaalam na rin siya sa kanyang yaya na aakyat na muna sa kuwarto para maligo saka niya kakausapin si Brix kung makakapunta ito sa kanilang family dinner mamaya.         Pagkatapos na maligo ni Chloe ay agad niyang tinawagan si Brix para iinvite kaso ay nasa Aurora raw ito kasama ng Daddy nito para ayusin ang ilang problema sa negosyo ng pamilya nito. Nalungkot siya sa kaalamang  iyon, pero mas nangibabaw ang pait sa dibdib niya ng muli niyang maalala na ang family dinner na gaganapin mamaya sa bahay nila ay para sa nalalapit na kasal ng kanyang Kuya Paulo at ng Patricia na yun.         Dahil sa bahay lang naman gaganapin ang dinner nila ay nagpasya na lang siyang magsuot ng isang butterfly sexy terno na top and pants. Kulay peach ito kaya lalong nangibabaw ang puti ng kanyang balat. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang hanggang balikat at itim na itim niyang buhok.         Pinatawag na siya sa isa sa kanilang mga katulong na bumaba na kaya alam niyang kumpleto na ang tao sa hapagkainan nila. Kung hindi nga lang magagalit ang mga parents niya ay hindi na sana siya bababa para sumalo sa family dinner nila ng gabing yun. Wala kasi siya sa mood na makipag-usap oh makita ang mapapangasawa ng kanyang Kuya Paulo. Mabait naman ang babaeng iyon kung tutuusin, palagi nga siyang nireregaluhan nito sa tuwing mamasyal ito sa ibang bansa at ang kuya niya, kaya lang ay hindi talaga niya maintindihan ang sarili kung bakit nga ba niya kailangan maging bitter sa pag-aasawa ng kanyang Kuya Paulo. Natural lang naman na mangyari iyon at isa pa ay nagkakaedad na rin ito. Napabuntonghininga na lang siya habang tinatahak niya ang daan patungo sa dinning area nila. At hindi nga siya nagkamali dahil nadatnan na niya sa mesa na nakadulog ang kanyang mga parents maging si Kuya Paulo niya at si Patricia na mapapangasawa nito.         "Oh hija, medyo natagalan ka ata sa pagbaba?" Tanong agad ng Daddy niya matapos siyang humalik dito sa pisngi. Sunod naman niyang tinapunan ang tingin ang Mommy niya na naghihintay din ng sagot niya.         "Masakit po kasi ang ulo Dad." Pagdadahilan na lang niya. At naghila na nga siya ng upuan katapat sa Kuya Paulo niya. Sa tabi nito ay nakatabi si Patricia na nginitian siya ng makitang tinapunan niya ito ng tingin.         "Si Brix nga pala anak, why didn't you invite him for this dinner?" ang Mommy naman niya ang nagtanong.         "Nasa Baler daw po siya Mommy kasama ni Tito Arman, business matter daw po." Matamlay pa rin niyang sagot. Kaya bigla namang sumilay ang ngiti sa mga labi ng kanyang mga magulang pagkatapos.         "Kaya pala matamlay ang bunso namin ay namimiss siguro ang boyfriend nya? Right hon?" Bigla siyang napatingin sa mga ito.         "Tama ka honey, mukhang mahal na mahal talaga ng anak natin si Brix. Sana ay maisipan nyo na ring lumagay sa tahimik anak, but before you and Brix...si Kuya Paulo mo at si Ate Patricia mo muna ang dapat na maikasal this year, maliwanag ba?" Napangiwi na lang siya sa sinabi ng kanyang Daddy, kaka simula pa nga lang ng relationship nila ni Brix, kasal na agad ang isinasabla ng mga ito sa kanya.         "Dad naman..." Maktol niya sa ama. At nagtawanan naman ang mga ito maliban sa kanyang Kuya Paulo na tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila.Katulad niya ay parang matamlay din ito at hindi mo man lang kakakitaan ng excitement sa pagpapakasal samantalang dapat ay masaya ito at sa wakas ay magkakaroon na rin ito ng sariling pamilya.         "Okay, kumain muna tayo before we discuss ang tungkol sa nalalapit ninyong kasal Paulo." Untag ng kanyang Daddy dito kaya bahagya itong napataas ng tingin at saka sumagot.         "Y-yes, Dad." Simple nitong sagot. Nakita niyang sinulyapan siya nito pagkatapos nitong sagutin ang tanong ng kanilang dad. At kumain na sila, habang sumusubo naman siya ng pagkain ay nararamdaman niyang parang hindi niya malunok ng maayos ang pagkaing nasa lalamunan niya. Bumara na ata ang mga iyon sa sobrang nervous na nararamdaman niya lalo na at salitan siyang tinititigan ni Patricia at ng kanyang Kuya Paulo na hindi niya malamang dahilan. Dapat nga ay ang mga ito ang nagtitigan hindi ba? Bakit siya ang pinagdidiskitahan ng mga ito na titigan? Kabaliw sila!         Kapag kasi nililingon siya ng Kuya Paulo niya ay lilingunin naman ito ni Ate Patricia niya kaya ang ending ay ito naman ang tititig sa kanya pagkatapos nitong mahuli na nakatingin sa kanya ang fiancee nito. Naisip na lang niya na talagang sobrang protective ng kuya niya kaya ganoon ito umasta. Pero sa huli ay may kakaiba pa rin siyang nararamdaman sa puso niya na hindi niya maipaliwanag....ito ang pakiramdam na lubos na nagpapahirap sa kanya.   PAULO         I simply take a glance on her innocent face while she was sitting on the opposite chair  where I am now sitting. Tahimik lang siya na nakatitig sa platong hindi naman nagagalaw ang laman nito. I’m afraid she not feeling well just like what she said  a while ago.         Pero mas nanatili sa isip ko ang sinabi ng mga magulang ni Chloe na  kung bakit ito malungkot ay dahil wala ang boyfriend nitong si Brix. I’ve my many ways para lang hindi isipin na may ibang lalakeng nan ga talagang nagmamay-ari kay Chloe. She’s now a beautiful lady who possess a great personality that I’tried to not to noticed pero hindi ko pa rin nagawa.         Palagi siyang nasa isip ko, at sa tuwing lalabas ito kasama ang lalakeng sinasabing boyfriend nito na si Brix ay hindi ako mapakali. Palaging tumatakbo sa isipan ko kung saan kaya ito dinadala si Chloe ng lalakeng iyon? Is he kissing her on the lips? Hugging her tightly? Halos mamatay ako kakaisip at makalimot ako ng tuluyan at gusto ko na lang siyang kuhanin sa lalakeng iyon at itago na lang habangbuhay.         Ang mamuhay malayo sa mga taong nakapaligid at nakakakilala sa amin, that’s all I wanted to do with her. She’s the one I wanted to be in my life…k-kung hindi lang kami magkapatid sa mata ng mga mata.         And I’m willing to lose everything for her…para kay Chloe. I’ve been dreaming of her in my own firm body, hugging her tightly and kissing her with my own lips. I want her in my life not just as a sister but as a lover!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD