CHLOE
Niyaya ko ang iba kong kaibigan na pumunta sa mall para malibang ang sarili ko. Hindi pa rin kasi ako mapakali sa mga iba’t -ibang tumatakbo sa isipan ko. Si Brix sana ang tatawagan ko kaso ay naalala kong nasa Aurora nga pala ito dahil sa negosyo ng pamilya nito. Kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan na lang ang mga kaibigan kong mahilig sa gala para malibang din ang mga ito katulad ko.
Dahil sa mga anak mayaman din ang mga ito ay karamihan sa mga kaibigan ko ay hindi pa rin nagtratrabaho at nagpapakasaya lang sa buhay pagiging dalaga. Hindi ko rin naman masisii ang ibang kaibigan ko kung ganoon din ang mga ginagawa nito sa buhay. Kaya naman eking mabuhay ng mga ito na hindi nagtratrabaho at umasa na lang sa yaman ng mga magulang ng mga ito. Pagkatapos ay hahanap ang mga magulang ng mga kaibigan ko ng mayamang din mapapangasawa ng mga ito para mas lalo pang magpayaman sa tulong ng mapapasawa ng mga ito. Napabuntonghininga na lang ako sa katotohanang iyon lalo na at nararanasan ko ang mga bagay na sinasabi ko sa kasalukuyan. Ang kaibahan nga lang ay hindi naman ako ng mga magulang ko na makipagkaibigan kay Brix dahil ito mismo ang lumapit sa akin at nagtapat na may nararamdaman ito para sa akin.
“Girl, totoo ka na naman?” Narinig kong sabi ng mga kasama ko sa table pagkatapos naming mag shopping. Nakatipon sa isang table ang mga paper bag na pinamili naming. Sunod kong narinig ang pagtawa ng mga ito dahil sa Nakita ng mga ito na wala na naman ako sa sarili.
“A-ammmmm, may naisip lang ako bigla.” Pagdadahilan ko.
“How many times do you have to lie my friend? Alam naming may problema ka that’s why we’re here. Sa family mo ba? Oh kay Brix…?” nangingiti na namang tanong ni Jasmine na inirapan ko lang kunwari.
“Wala akong problema okay?” Paano ba ako kasi ako magkakalakas ng loob na sabihin sa mga ito ang problema ko gayung hindi naman kapani-paniwala ang iniisip kong problema ngayon? Hays!
“Lie all you want my friend, basta we’re all here for you…remember that.” Si Rica ang sumunod na nagsalita. Ito ang pina marture sa aming magkakaibigan at para na itong may asawa at anak kung magsalita kung minsan.
Napatango na lang ako sa sinabi niya at napasimsim muli ako sa iniinom kong frappe na halos napapangalahati ko na ng bigla na namang magsalita si Jasmine.
“Chloe…kumusta na nga pala ang super hunk mong kuya?” out of no where ay tanong nito. Muntil ko pang maibuga ang huling sinipsip kong frappe ng marinig ko naman ang tungkol kay Kuya Paulo.
Napatingin muna ako sa paligid at saka muling ibinalik ang mga mata ko sa mga kaibigan kong naghihintay ng sagot ko mula sa tanong ni Jasmine.
“Ayos lang, ayun parang mapalit na silang ikasal ni Ate Patricia.” Mapait kong sagot sa kanila pero hindi ko pinakita na apektado ako sa kung ano man ang pinag-uusapan naming tungkol kay Kuya. Minsan kasi ay naririnig ko sila Daddy na pinag-uusapan ang relasyon ni Kuya Paulo at Ate Patricia.
“Awww, ang sakit naman nun.” Kunwari ay maarteng sabi ni Zyra na ang balak ay inisin ni Jasmine. Matagal na kasi itong may crush kay Kuya Paulo kaya interesado itong malaman ang nangyayari dito.
“Hay…sabi ko kasi kay Papa ay makipagkilala sa Daddy mo Chloe para naman hindi ba makilala ko rin si Kuya mo ng personal kaso hindi naman maasikaso ni Papa ayan tuloy nawalan na ako ng pag-asang maging hipag ka.” Malungkot nitong sagot na ikinatawa ko.
“Sira!”
“Ikaw din kasi matagal ko ng sinasabing may crush ako sa kuya mo pero ayaw mo naman akong ilakad sa kanya ayan tuloy naunahan na ako ng Patricia nay un.” Nakasimangot nitong dugtong sa akin.
Paano ko naman gagawin na ireto si Jasmine kay Kuya kung sa simula pa lang ay may Patricia na ito na papakasalan? Malungkot kong sagot sa sarili ko. Nagsimula na naman akong makaramdam ng kung ano sa isip ko kung bakit kalian kong manghinayang na magpapakasal na si Kuya sa ibang babae. Natural na mangyayari yun at iyon ang dapat nitong gawin. Ang magpakasal at bumuo ng sarili nitong pamilya.
“Ayan tayo eh, lungkot-lungkutan na naman ang face. Huwag mo na kasing isipin kung talagang magpapakasal na si Kuya mo at ang Patricia na yun.” Si Rica ang nagsalita na kinagulat ko, parang nababasa nito ang nasa isipan ko ah.
“A-hhh, ano kasi…” hindi ako makahagilap ng tamang sasabihin kaya hindi ako agad nakasagot.
“Normal lang ang nararamdaman mo na parang gusto mong ipagdamot ang kuya mo sa ibang babae kasi nga ay nasanay kang kayong dalawa palagi ang magkasama hindi ba? Pero kasi Chloe…dapat tanggapin mo na hindi lang isang kapatid ang kailangan ng kuya mo sa buhay nya para siya maging buo bilang tao.” Para na itong nangangaral ng kung ano tungkol sa bible ng sabihin niya iyon sa harap ko. Napangiwi na lang ako.
Baka nga iyon lang ang nararamdaman ko, na natatakot akong hindi na kami maging katulad dati ni Kuya Paulo kapag kinasal na ito kay Ate Patricia kaya naiisip ko ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Iyon lang, walang iba.
At pinayuhan pa nila ako ng mga bagay na dapat kong gawin at isipin para mas madali ko raw matanggap na darating talaga ang panahon at mahahati na ang oras ni Kuya sa sarili nitong pamilya at sa amin nila Daddy.
****
Pagdating ko ng bahay ay agad kong nakita sa garahe ang kotse ni Kuya Paulo, maaga pala itong umuwi. Inutusan ko ang isang maid na ipasok ang mga pinamili ko sa kuwarto habang inaayos ko ang mga gamit ko sa loob ng kotse.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay bumungad sa akin ang authorative look ni Kuya Paulo. Nakatupi na ang suot nitong sky blue na long sleeve hanggang siko at nakahawak pa ang isa nitong kamay sa waist nito habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone na natutok sa isa nitong tainga.
Authomatic na ibinaba nito ang tawag sa cellphone pagkatapos nitong magpaalam sa kausap sa kabilang linya. Inilagay nito sa side packet ang cellphone nito at saka niya ako nilapitan.
Kinabahan na naman ako sa mga titig nito sa akin na parang may ginawa na naman akong masama dito. Hindi ko pinahalata sa kanya ang kabang mayroon ako sa dibdib habang sinasalubong ko ang mga mata nitong nakatunghay sa akin ngayon. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya, at nagtama ang mga mata namin pagkatapos.
“Where have you been?” tanong agad nito sa akin na inasahan ko na.
Ibinaba ko muna sa sofa ang bag na dala ko kung saan ako malapit na nakatayo saka ko siya sinagot ng buong tapang.
“Namasyal lang ako kuya.” Simple kong sagot sa kanya pero imbis na umayos na ang kunot sa noo nito at nalaman na nito kung saan siya nanggaling ay mas lalo pa itong nadagdagan.
“Namasyal? Sino ang kasama mo? Si Brix ba? Kala ko ba ay nasa Aurora pa ang lalakeng iyon.” Iritado na naman nitong tanong sa akin na hindi ko na lang pinansin. Palagi naman itong mainit ang ulo kapag ang pag-uusapan ay ang mga lalakeng umaaligid sa akin.
“Nope, sila Rica ang kasama ko.” Wala kong buhay na sagot sa kanya. Gusto ko na lang na iwasan na makipagtalo sa kanya para hindi na lumala pa kung ano man ang inis na nararamdaman ko sa kanya ng mga sandaling iyon.
Tangka ko na siyang tatalikuran matapos kong damputin muli ang bag na pinatong ko sa sofa ng muli itong magsalita.
“I’m talking to you Chloe, huwag mo akong talikuran.”
“What?” hindi ko na napigilan na pabalang na sagot sa harap nito. Baka sa paraang iyon ay makalimutan ko kung ano man ang gumugulo sa isip ko sa tuwing nasa harapan ko siya.
Nahalatang nagulat si Kuya Paulo ng pabalang ko siyang sagutin. Hindi ito sanay na sa ganoong paraan ko siya kinakausap.
“Malaki na ako kuya there’s no need to ask me where did I go, kung sino ang kasama ko? Because I’m really fine! Asikasuhin mo na lang mabuti si Ate Patricia.” Mapait kong sagot sa kanya bago ako tuluyang umakyat ng hagdan. Mas lalo lang nagiging kumplekado ang lahat kapag patuloy siyang lumalapit sa akin.
I now, he’s eying on me while I step my feet on evry stairs but chose to remain calm for him not to see how I affected by the way he looks at me. Kapatid ko siya, at iyon ang dapat na isiksik ko sa utak ko. Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano para hindi na ako maguluhan pa ng tuluyan.
Dumaan pa ang ilang araw at hindi na nga kami madalas na mag-usap ni Kuya. Kapag magkakasalubong kami sa loob ng bahay ay ako na lang ang umiiwas. Hindi ko rin pinahatala kay Dad at Mom na may issue kmai ni Kuya na hindi masolve lalo na at sa tuwing makikita ko siya ay isang nakakatunay na tingin ang pinupukol niya sa akin. Hindi ko kinakaya ang nga titig niya kaya ako na lang ang kusang umiiwas at lumalayo para sa ikatatahimik naming dalawa.