Chapter 4- Hubad na Katotohanan

1600 Words
    Hating gabi na ng maisipan ni Chloe na bumaba para kumuha ng tubig sa kitchen. Bigla kasi siyang nauhaw matapos niyang maidlip pagkatapos na umuwi si Brix after their dinner.     Inayos pa niya ang pagkakapusod ng buhok niya bago buksan ang two door fridge nila ng bigla niyang masulyapan ang bulto ng lalake na nakaupo sa mini bar nila na nakaattach sa dulo ng kanilang kitchen.     "Kuya Paulo is that you?" Inaninag pa niyang mabuti kung ito nga ang nakita niyang tao dahil hindi naman siya nagbukas ng ilaw. At ng inaangat nito ang ulo mula sa pagkakatitig nito sa basong hawak ay saka niya nasigurong ito nga ang umiimon sa mini bar nila ng dis oras ng gabi.     Hindi siya nakatiis at nilapitan niya ito. Base kasi sa hitsura nito ay mukhang lasing na ito at kanina pa umiinom.     Nang sa wakas ay nasa harap na niya ito, she has no daubt na tama ang iniisip niya. Lasing nga ito! Pero kahit na marami na itong nainom ay nakuha pa rin nitong bahagyang itaas ang ulo nito para titigan siya.     "C-chloe...." Tawag nito sa kanya. Para siyang nalungkot sa tono ng boses nito. The way kung paano ito nagsalita at sa hitsura nito ngayon, she can say that there is something wrong happening to him.     "Kuya...Ano ba ang problema mo ha? Bakit ka naglalasing na mag-isa dito? At saka, alam ba nila Daddy ang ginagawa mo na yan?" Hindi na niya napigilang itanong dito sabay turo ko sa basong nakapatong sa mesa at isang bote ng alak. At sa halip na sagutin siya nito ay muli itong nagsalin ng alak sa baso pero mabilis niya kinuha ang bote ng alak na hawak nito at padabok niyang ibinaba sa counter island.     "Give it back to me. I want to drink." Mahina ngunit maawtoridad nitong utos sa kanya. Hindi siya natinag at inilayo pa niya ang bote para hindi nito makuha muli ss kanya. Tumayo ito at doon bigla itong muntik nang ma out balance at mabuwal. Mabilis niya itong dinaluhan at saka tinulungang umupo muli sa upuan. Pinaghalong amoy ng alak at pabango nito sa katawan ang nangibabaw sa ilong niya ng payakap itong humawak sa kanya. Nakadantay pa rin ang kamay nito sa balikat niya.     "See...hindi muna nga kaya tapos ay iinom- inom ka pa d’yan. Let's go tutulungan na kitang maglakad papunta sa kuwarto mo." Para tuloy siya pa ang naging matanda sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon, knowing na eight years ang tanda nito sa kanya.     Hindi ito nagsalita kaya inassume niya na gusto na rin nitong magpahinga kaya tinulungan niya itong muling tumayo. This time ay nakaakbay na ito sa kanya habang siya naman ay nakahawak sa waist nito para hindi ito mabuwal dahil may kabigatan din ang katawan nito. His body is little huge and full of muscles kaya maraming nagkakagustong mga babae dito. Bukod sa mayaman at pogi na ay alaga pa ang katawan sa gym.     "Maglalasing-lasing kasi hindi naman pala kayang maglakad papunta sa kuwarto niya." Singhal niya dito. Hindi niya alam kung narinig siya nito pero sinadya niyang pangaralan ito dahil hindi naman nito ugali ang magpakalasing ng todo. Alam niyang umiinom ito but in moderation. At first time niya itong makitang langong-lango sa alak.     Hirap na hirap siya sa pag-alalay dito dahil parang mabubuwal sila kapag niluluwagan niya ang pagkakayakap niya sa baywang nito. Maging ang pagkaka-akbay sa balikat niya nito ay mahigpit na para bang tatakbo siya dito.     "Kuya, umayos ka nga!" maktol niya dito ng ihilig pa nito ang ulo nito sa balikat niya habang binubuksan niya ang pinto ng kuwarto nito. Nakita niyang bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito kaya nalaman niyang hindi ito totally lasing at pinagtritripan lang siya nito.     Tinaggal niya ang pagkakahawak niya sa baywang nito pero nagulat siya ng hilahin pa siya nito ng sobra dahilan kung bakit lalong napadikit ang katawan niya papalapit dito. Ito pa ang nagbukas ng pinto ng kuwarto nito na ikinalaki ng mata niya. Pagkabukas nito ng pinto ay kasama siya nitong hinila papasok ng  silid nito. Tinitigan niya ang mga sumunod na kilos nito ng bigla ay pabagsak itong humiga sa kama kasama siya!     "Kuya!" Nanglaki ang mga mata niya ng magtama ang kanilang mga mata.     "Stay with me Chloe." halos manindig ang balahibo niya ng marinig niya ang boses nito. Parang nagmamakaawa ito sa kanya na kulang na lang ay malusaw siya sa tindi ng emosyon na nakikita niya sa mga mata nito. Naguguluhan siya sa mga nakikita at nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Bakit kailangan niyang maramdaman ang ganung lungkot habang kasama niya ang kanyang nakakatandang kapatid? Napaso siya sa mga titig nito kaya tinangka niyang tumayo at umalis sa pagkakayakap nito. And again, she halted when he pushes her body towards him. Napasubsob tuloy siya sa malapad nitong dibdib at muli niya itong tiningala.     "Please..." She froze. At wala na nga siyang nagawa ng ipikit na nito ang mga mata pagkatapos niyang marinig ang pakiusap nito.  At di nagtagal ay naramdaman niya ang paghigpit ang hinga nito tanda na nakatulog na ito dahil sa kalasingan.     Nasilaw si Chloe mula sa sinag ng araw na tumutugon sa bintana ng silid na kinaroroonan niya. At doon nagbalik ang mga nangyari kagabi sa kanila ng kanyang Kuya Paulo. Naalala niyang hinatid niya ito sa kuwarto at hindi siya nito binitawan hanggang  hindi ito nakakatulog.     Nasan na kaya ito? Knowing him ay maaga naman talaga itong umaalis ng bahay sa umaga lalo na at may meeting ito sa office. But remembering kung gaano ito kalasing kagabi ay nagtataka siya kung paano ito nagising ng maaga ngayon araw.     Inilapag niya ang kanyang mga paa sa semento upang tumayo ng may narinig siyang lagaslas ng tubig sa banyo. From that ay nalaman niyang hindi pa ito tuluyang umaalis ng bahay. Akma na sana niya pipihitin ang doorknob ng pinto ng nagulat siya sa pagbukas ng pinto ng banyo at iniluwa nito ang kanyang Kuya Paulo na half naked. Napatitig siya sa buuan nito. Talagang mayroon itong hot body na gustong-gusto ng mga kababaihan. Kulang na lang ay tumulo ang laway niya sa pagkatulala ng dumako ang tingin niya sa bandang ibaba nito although may tapis naman itong tumwalya.     Ano ba ang nangyayari sa kanya? Napatakip tuloy siya ng mukha partikular ang mga mata niya para maiwasan ang pagiging makasalanan niya sa umagang iyon!     "What are you doing?" takang tanong nito sa kanya. Kahit nakatakip siya ay naaninag niya ang ginagawa nito habang nakatitig sa kanya. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang isang mini towel.     "Ano pa eh di tinatakpan ang mga mata ko. Bakit ba kasi di ka muna nagbihis bago ka lumabas ng banyo hah kuya?" Paninita niya dito. Kinakabahan siya at ang lakas ng t***k ng puso nya ng mga oras na iyon. First time niyang maramdaman ang ganoong emosyon na ito ang kaharap. Pagkalipas ng ilang segundo ay narinig niya ang manipis nitong tawa.     "Ayoko nga, bakit naman ako magbibihis sa loob ng banyo kung puwede naman dito sa loob ng kuwarto ko di'ba?" Nakakaloko nitong sagot sa kanya. Lalo lang siyang naiinis dito at madaskol niya itong hinarap. Talagang tinanggal niya ang takip sa kanyang mga mata para matitigan ito kahit parang may nag-uunahang tambol sa dibdib niya.     "Hoy kuya! Baka akala mo hindi kita isusumbong kila Daddy sa ginawang mong pag-inom kagabi? Isusumbong kita akala mo." May pagbabanta niyang lintanya dito. Pero ang totoo, kahit naman sabihin niya ang mga bagay na iyon sa kanyang mga magulang ay hindi naman ito mapapagalitan. Sasabihin lang ng mga ito sa kanya na lalake ang kuya niya, nasa tama na itong edad...at responsible ito sa lahat ng bagay. Kaya sa huli, tatahimik na lang siya. Tiningnan niya ito ng masama at saka muli niya itong inirapan.     "What?" Nakakaloko pa nitong hirit sa kanya. Talagang iniinis siya nito.     "Wala! Goodbye!" Kunwari ay galit niyang sagot dito. Sabay talikod at pihit ng seladura ng pinto. Sinadya talaga niyang ilakas ang pagkakasara ng pinto para maipakita dito ang inis na nararamdaman niya ng umagang iyon.     Nagmartsa siya papasok sa sariling kuwarto na parang hinahabol ng kung ano ang mga pa niya. Unang beses ito na natalo siya ng kanyang Kuya Paulo sa asaran. Dati-rati ay ito ang napapasuko niya hanggang sa iwanan na lang siya nito ng iiling-iling, pero iba ang nangyari ngayon at iyon ang kinataka niya.     Hindi niya natagalan ang eksenang nakita niya ng makita niya itong nakatapis lang ng towel ang ibaba nitong parte ng katawan. Natural lang naman na maramdaman niya ang ganun dahil babae siya at lalake ang kuya niya…kaya lang ay bakit may kung anong bumubulong sa isip niya na hindi lang basta pangkaasiwa ang dapat niyang maramdaman ng sandaling iyon?     Hindi natural na maakit siya sa katawan ng kanyang kapatid hindi ba? At iyon ang kinatataka niya. Bakit bigla-bilga ay may kakaiba siyang nararamdaman sa bawat kilos ng Kuya Paulo niya nitong mga huling araw sa tuwing magkikita silang dalawa o magkakasalubong sa loob ng bahay nila?     Nanghihina siyang umupo sa kanyang sariling kama at napahagod na lang siya sa kanyang hanggang balikat na buhok dahil sa mga tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi na niya alam ang dapat niyang gawin para mawala ang kung ano mang gumugulo sa isipan niya na hindi naman dapat niya pagtuunan ng pansin o ano pa man. Kailan lang niya ma divert sa iba ang atensyon niya para makalimutan ang kung ano man ang pilit na sumisiksik na hindi tamang emosyon na nararamdaman niya sa tuwing nagtatagpo ang mga landas nila ng kanyang Kuya Paulo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD