Nagkita sila ni Brix sa isang mall sa Pasay. Nauna itong dumating sa kanya kaya ito na ang humanap ng restaurant na puwede nilang kainan. At pinili nito ang isang Italian restaurant na kita ang magandang view ng Manila Bay sa labas.
"I'm glad you came," saad nito sa kanya, pinaghila pa siya nito ng upuan para makaupo.
"Pasensya ka na at medyo na late ako, nag-usap pa kasi kami ni kuya." Nahihiya niyang sabi dito, at naalala naman niya ang nangyari gulo sa kanilang tatlo kabagi.
"It's okay, ano naman ang pinag-usapan n’yo?" He's eying on me habang inaayos nito ang napkin sa lap nito.
"He said sorry for what happened last night."
"And...?" mabilis nitong tanong muli sa kanya. Hinihintay nito ang kanyang sagot.
"Let's not talk about him, Brix." Medyo na concious siya sa maari niyang isagot, kuya pa rin naman niya ang pinag-uusapan nila in the first place. Ayaw niyang marinig ang ano mang kapintasan nito dahil ginagalang niya ito bilang kapatid, mas makakabuting siya na lang ang nakakaalam ng katotohanan tungkol dito.
He gave a deep sighed then asked her. Naramdaman siguro nito na hindi siya komportable na pag-usapan ang kanyang kapatid, and she’s so thankful that he understands her in that situation. "Okay, umorder muna tayo. What do you want?"
"You decide." Simple niyang sagot kay Brix, alam naman nito ang mga favorite food niya kaya hinayaan na niya na ito ang umorder sa kanilang dalawa.
Naging masaya ang lunch date nila, at ng dahil doon ay bahagya niyang nakalimutan ang away nilang magkapatid. Sakto namang ibinaba niya ang baso ng juice na hawak niya nang biglang tumunog ang cellphone niya, rumihistro ang pangalan ng Kuya Paulo niya. Bigla siyang napaisip kung bakit ito nagtext, at naiinis man siya dito ay hindi pa rin niya napigilan na basahin ang message nito sa kanya.
Umuwe ka na, bati na tayo...please.
Napangiti siya ng manipis ng mabasa niya ang text nito sa kanya. Sinusuyo na naman siya nito pagkatapos ng ginawa nito sa kanya kagabi. Palibhasa at uuwe na ang mga magulang nila mamaya kaya naisip nitong makipagbati na sa kanya. Alam na niya ang mga galawan nito. Tsssk!
"Who's that?" Hindi na napigilan ni Brix na tanungin siya. Napansin siguro nito ang pag-aliwalas ng mukha niya ng mabasa niya ang text sa kanya ng kanyang Kuya Paulo.
"Si kuya, nagsosorry na naman…Palibhasa ay pauwe na sila Daddy mamaya kaya nakikipagbati na sa akin." Nakangiti pa rin siya habang kausap si Brix, samantalang ito ay bahagyang tumigil sa pagkaen.
"Okay, so bati na ulit kayo?" Paniniguro nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot kay Brix dahil alam nito ang nangyari sa kanilang magkapatid kagabi.
“Ganun lang naman si Kuya Paulo, masyado lang siyang protective sa akin." Pagdadahilan niya, mabait naman talaga ito sa lahat at talagang nagkakaproblema lang sila pagdating sa mga manliligaw niya. Ganun man ay masasabi niyang the best ‘kuya’ ito para sa kanya. Ito ang tipo ng kuya na hindi kailanman pababayaan ang kapatid. She adore’s him for being a perfect kuya, yun nga lang ay minsan sumosobra na ito sa pagiging protective sa kanya.
"Chloe...I have to tell you something." Untag ni Brix sa kanya.
"Yeah, may sasabihin ka nga pala sa akin. What's that?" Nagpahid pa siya ng napkin sa labi bago muling tumingin ng diretso dito. Bigla itong natahimik at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Ilang saglit lang ay nagsalita itong muli.
"I...w-ant you to be my girlfriend Chloe," hindi agad siya naka imik sa sinabi nito. The mere fact na alam naman niyang nangliligaw ito sa kanya, iba pala ang feeling kapag personal na siyang tinanong nito. Unexpected and she can’t easily answer him.
"Ammmm..." Alangan siyang ngumiti sa harap nito. Para namang hindi humihinga ang itsura nito habang hinihintay ang pagbuka ng labi niya, sinadya pa niyang bitinin ang sagot niya para makita ang expression nito.
"Yes!"
"Y--yes? You mean…you’re now my girlfriend?" Lumuwang ang pagkakangiti nito sa kanya at tuluyan na itong napatayo sa kinauupuan nito. She's already anticipating kung ano ang susunod nitong gagawin.
She was halted when he suddenly hugged her for a second then looked her in the eyes. Ngayon lang siya niyakap ng isang lalake na nagustuhan niya for the first time, at ganoon pala ang pakiramdam. Nakita niya kung gaano kasaya si Brix ng marinig nito ang naging sagot niya sa tanong nito. Siya man ay masaya dahil finally, she has boyfriend na matatawag after twenty one years of existence ay nagkalakas din siya ng loob na pumasok sa isang relasyon. Maybe she's being a coward when it comes to entering in a relationship dahil na rin sa lumaki siyang nakadepende siya sa sasabihin ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang kuya Paulo, but its about time that she will choose the best for her...iyon ay ang maging malaya sa kung anong gusto niyang gawin na hindi na kailangan pang isipin ang sasabihin ng iba. Its her life, in the first place.
"You don't know how much you made me happy Chloe…I love you." Todo ang ngiting sumilay sa mga labi nito at talagang pareho silang masaya ng mga sandaling iyon. The feeling is mutual, eka nga. She knows, magiging masaya sila sa piling ng isa’t-isa.
"I know...at saka alam ko naman na seryoso ka sa nararamdaman mo sa akin di'ba? Kung hindi, sana ay sumuko ka na kagabi pa lang dahil sa ginawa sa atin ni kuya." Pabiro niyang turan dito, muling sumilay ang mga biloy nito sa dalawang pisngi na nagpa guwapo dito sa kanyang paningin.
At napagdesisyunan nilang dalawa ni Brix na sa bahay nila muling maghapunan para sabihin sa mga parents niya ang tungkol sa pagiging mag boyfriend at girlfriend nilang dalawa.
Magkahawak sila ng kamay ay sabay silang naglakad sa entrance ng kanilang bahay. Base sa mga kotseng nakaparada sa garahe ng malaki nilang bahay ng mga oras na iyon ay alam niyang nakauwe na ang kanyang mga magulang. At excited siyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Brix. Alam niyang magugulat ang mg ito kapag sinabi niya na finally ay may boyfriend na siya at sinagot na niya si Brix. Iyon naman ang gusto ng mga ito para sa kanya.