------- ***Azalea’s POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - Aminado ako—nagsimula nang mabuhay ang masarap na sensasyon sa loob ko, lalo na’t nagsimula nang humaplos ang kamay ni Yashir sa aking mga hita. Wala na akong takot ngayon. Buong puso ko siyang tinugon. Hindi alam ni Yashir na ito ang surpresa ko sa kanya—ang sarili ko. Buo. Sa kanya lamang. Wala na akong dapat ikatakot, dahil magaling na ako. Gumaling ako dahil sa pagmamahal at walang sawang suporta niya sa akin. Sabi sa akin ni Doctor Claudia, hindi niya inaasahan ang mabilis kong paggaling—tatlong buwan pa lang mula nang simulan ang treatment ko. Sa karamihan ng kaso, umaabot iyon ng taon. At sa iba, hindi na talaga gumagaling, lalo na sa sitwasyon ko—na apat na taon nang lumipas mula nang ako'y ma-diagnose, at medyo h

