Prologue
--------
Tulong-luha akong nakatingin kay Yashir. Ngayon pa lang siya umuuwi matapos ang isang linggong pagkawala, at alam kong kung saan siya nanggaling—kay Denise. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya magawang bitawan ang babaeng iyon.
Ilang beses akong tumawag sa kanya nitong mga nagdaang araw, nagmamakaawa na umuwi siya dahil kailangan siya ng anak namin. Si Yzari, na ilang araw nang nilalagnat, ay paulit-ulit na naghahanap sa kanya. Pero sa halip na dumating, sinabi niyang hindi niya maiwan si Denise... dahil mas kailangan daw siya nito.
"Alam kong hindi mo ako mahal, Yashir," mahinang sambit ko, pilit pinipigil ang bahagyang panginginig ng boses ko. "Pero pinag-usapan na natin ito noon. Ayaw kong maramdaman ni Yzari na mas mahalaga sa'yo ang kabit mo kaysa sa kanya."
May halo nang galit ang tinig ko, kahit pilit ko itong pinapakalma. Masakit para sa isang ina na maramdaman na binabalewala ng ama nito ang sariling anak niya.
"Hindi ko kabit si Denise, Azalea. Alam mong siya talaga ang dapat kong pinakasalan, hindi ikaw," mariin niyang sagot, malamig at walang pag-aalinlangan.
Alam ko naman iyon. Hindi ko na rin kailanman itatanggi ang katotohanan. Pero sa kabila ng lahat, pinili kong panindigan ang set-up namin, alang-alang kay Yzari. Ngunit tila ako lang ang kumakapit. Pagod na pagod na ako—hindi lang sa katahimikan, kundi sa paulit-ulit na pagkakait niya ng oras, pagtingin, at halaga sa amin.
"Pagod na ako, Yashir," anas ko, habang pilit pinupunasan ang mga luha sa pisngi. "Pagod na ako sa set-up natin. Isang set-up na kami ni Yzari ang laging talo... dahil paulit-ulit mong pinaparamdam sa akin na si Denise ang mas mahalaga sa'yo."
Nanginginig ang katawan ko sa kaba, dahil may naisip akong gawin na nagdulot ng takot sa akin. Pero kailangan kong marinig mula sa kanya kung ano ang magiging pasya niya. Kailangan ko nang gawin ito dahil sa napapagod na ako.
"Mamili ka," mahina ngunit matatag kong sambit. "Kami ni Yzari... o si Denise?"
Sandaling natahimik ang paligid. Ramdam ko ang bigat ng tanong ko, at sa titig niyang mariin, alam kong hindi niya inaasahan iyon. Para bang hindi niya inakalang darating ako sa puntong ito. Ngunit agad din siyang nakabawi.
"Seriously, Azalea? Pinapapili mo ako ngayon? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Alam mong matagal na akong pumili—kung hindi ka lang nakiusap noon at pinilit akong pasukin ang set-up na ‘to..."
Pakiramdam ko’y tuluyan nang gumuho ang mundo ko sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi man niya diretsahang sinabi kung sino ang pipiliin niya, sapat na ang mga katagang iyon para hatiin sa gitna ang puso ko.
"Denise needs me. I’m sorry."
At doon, tuluyang bumigay ang damdamin ko. Mas bumigat ang dibdib ko, mas humulagpos ang luha mula sa mga mata ko. Ang sakit. Napakasakit marinig iyon mula sa lalaking minahal ko at pinangarap makasama habangbuhay.
"At sa tingin mo ba, hindi ka namin kailangan ni Yzari?" halos pabulong kong tanong, puno ng pighati at hinanakit.
"Lagi akong nandito para kay Yzari. Hindi ko siya pababayaan. Hinding-hindi ko iiwan ang anak ko. Patawad, Azalea. Pero ito ang tama... ito ang mas makakabuti sa ating dalawa."
Akmang tatalikod na siya, ngunit bigla siyang napaurong. Napalingon din ako—at doon ko nakita si Yzari, nakatayo sa di-kalayuan, tahimik at tila matagal nang pinapanood ang tagpong iyon. Ang sakit sa puso ko ay lalong lumalim. Sa edad na anim na taon, alam kong may kakayahan na siyang unawain ang mga nangyayari. At ngayon pa lang, natatakot na akong malaman kung gaano kasakit ang nadarama ng anak ko.
Ginawa ko ang lahat upang protektahan siya mula sa sakit na ito. Pero paano ko siya mapoprotektahan kung pati ako mismo ay basag-basag na?
“Daddy!” tawag ni Yzari, habang unti-unti nang namumula ang kanyang mga mata at nanginginig ang boses.
“Yzari, anak, I—”
“Iiwan mo ba kami ni Mommy? Ayaw mo na ba sa amin?”
Parang lalo pang piniga ang puso ko sa mga salitang ‘yon. Ang narinig ko mula sa anak ko ay parang sibat na tumarak sa dibdib ko. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Napakasakit makita ang anak mong nasasaktan—dahil sa ama niya.
Lumapit si Yashir kay Yzari at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang taas ng anak namin. Nasa mga kilos niya ang pagsusumikap na magpaliwanag.
“Anak, hindi ganun ‘yon. Hindi kita iiwan. Lagi akong nandito para sa’yo, kahit anong mangyari,” mahinahon niyang sabi.
Ngunit agad siyang sinagot ni Yzari, galit at luha ang nangingibabaw sa kanyang tinig.
“Sinungaling ka! Pinili mo si Tita Denise kaysa sa amin ni Mommy! Hindi mo kami mahal!”
Ramdam ko ang sakit at bigat ng emosyon sa bawat salita ni Yzari. Bilang isang ina, triple ang hapdi ng nararamdaman ko. Ang makitang sugatan at nadudurog ang damdamin ng anak ko ay tila hindi ko kayang tanggapin. Pinoprotektahan ko siya sa lahat, pero paano kung mismong ama niya ang dahilan ng sugat?
“Please, makinig ka muna sa akin, sweetheart,” pagmamakaawa ni Yashir habang ramdam ko ang pagkabugbog ng damdamin niya sa sinabi ng anak namin. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ni Yzari, parang sinusubukang damhin ang init at sakit ng anak niya. “Hindi kita iiwan. I’m always here for you. I am your father. Mahal na mahal kita, Yzari.”
Nanatiling tahimik si Yzari sa ilang sandali bago muling nagsalita, mahina na ngunit puno ng pangungusap na kay hirap sagutin.
“P-Paano si Mommy? Hindi mo ba siya mahal? Kaya mo ba pinili si Tita Denise kaysa sa kanya?”
Muling napalunok si Yashir. Kita sa kanyang mukha ang hirap ng sitwasyon. Pinikit niya ang kanyang mga mata sandali, bago marahang nagsalita.
“Mahal ko ang Mommy mo. Binigyan niya ako ng anak na katulad mo, at habambuhay akong magpapasalamat sa kanya dahil sa’yo. Dahil sa’yo, kahit kailan, may bahagi siya ng buhay ko na hindi mawawala. Pero...” saglit siyang tumigil, halatang nilulunok ang kirot na siya ring nagpapabigat sa damdamin ko, “…. maraming klase ng pagmamahal, Yzari. May natatangi. May espesyal—isang uri ng pagmamahal na sa isang tao mo lang mararamdaman. Sa isang taong gusto mong makasama habang buhay.”
Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Yzari gamit ang daliri niya, pilit pinapawi ang sakit sa paraang alam niya.
“At hindi mo naramdaman kay Mommy ang espesyal na pagmamahal na ‘yon?” tanong ng anak ko, inosente ngunit malaman.
Hindi na siya sinagot ni Yashir. Sa halip, isang tahimik na tango lang ang kanyang isinagot—isang tango na parang kutsilyong paulit-ulit na isinaksak sa puso ko. Isang sugat na alam kong hindi kailanman maghihilom.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko. Para akong winasak mula sa loob. Habang patuloy ang katahimikan sa pagitan naming tatlo, mas lalo akong binabalot ng hapdi. Sa bawat segundo, mas lalo akong nadudurog.
Bumitaw si Yashir kay Yzari. Halata sa kilos niya ang bigat ng pasyang kailangang tanggapin. Alam kong si Yzari lang ang dahilan kung bakit hindi niya pa tuluyang binibitawan ang koneksyon naming dalawa. Pero ngayon… kahit iyon ay unti-unti na ring nawawala.
“Balang araw, maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin,” bulong niya. “Pero sa ngayon... I’m sorry. Kailangan ko nang umalis. Pero hindi ibig sabihin nito na tuluyan kitang iniiwan. Tulad ng sinabi ko, lagi akong nandito para sa’yo. Hindi ko tatalikuran ang pagiging ama ko, kahit pinili kong lumayo.”
Hindi na siya naghintay ng sagot. Hindi na rin naman siya pinigilan ni Yzari. Tahimik lang ang anak ko, ngunit mulat na mulat ang mga mata, sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng kanyang ama—tulad ko.
“Mommy...”
Napalingon ako kay Yzari. Namumula pa rin ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak, ngunit sa pagkakataong ito, wala na akong mabasang emosyon sa mukha niya. Wala na ang galit. Wala na ang luhang umaagos. Wala na rin ang pag-asa.
“Pakawalan na natin siya. Nakikiusap ako sa’yo, bitawan mo na siya. ‘Wag mo nang saktan ang sarili mo dahil sa kanya. Please.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol na lang ako. Masakit. Sobrang sakit.
Pero alam kong kailangan ko nang sumuko. Dahil pati ang anak ko—ang dahilan ng lakas ko—ay sumuko na rin.
At ano pa nga bang saysay ng paglaban ko, kung simula pa lang… talo na ako?
I am Azalea.
The woman he married out of duty, not love.
The wife who stood beside him, hoping to be enough—
but was never truly seen, never truly chosen.
I wore the ring, carried his name, bore his child…
yet his heart was never mine.
I was the shadow beside the woman he truly wanted.
A placeholder in a life he wished he shared with someone else.
He made vows he never meant to keep.
And I stayed, praying one day he’d turn around and finally choose me.
But he never did.
And I… I was just the unchosen wife.
-----------------
***********
-----------------
Warning:
Disclaimer Note: This story is purely fictional. It is based solely on my imagination. If any part of the plot resembles other stories, it is purely coincidental and unintentional. Any slight similarities to other stories are not deliberate. All rights reserved @sweetnanenz. Original version 2021 (hard copy). Online version 2025.
-
This novel is a work of fiction. Any resemblance to actual events, persons, or places is purely coincidental. The characters, storylines, and events portrayed in this book are the product of the author's imagination. The author has made every effort to ensure that the story is original and free from plagiarism. All rights to the content are reserved by the author.
--------------
Thank you sa mga magiging readers ko nito. Ito ay bahagi sa Montreal Property series (2nd gen.) ko. Halos lahat ng mga story ng Montreal Property ko ay tungkol sa mag- asawa, kaya wag na kayong magtaka. Walang pilitan na basahin, iyan ay choice niyo pa rin. Kaya nagpapasalamat ako ng sobra sa pumili na manatili para basahin ito. Pagpalain kayo palagi.
Note: This is just a fiction, wag masyadong seryusuhin ang mga ganap.