Ang kasunduan!

2174 Words

-------- ***Azalea’s POV*** - Pagkatapos ng mahigit isang linggo, sa wakas ay nakalabas na rin si Yashir mula sa ospital. Hindi ko maipaliwanag ang labis na kasiyahan ni Yzari nang sa wakas ay muling makita at mayakap ang kanyang ama. Halos hindi siya maawat sa kakayakap, kakakwento, at kakatawa habang magkasama sila. Kitang-kita ko kung gaano kalaki ang pagmamahal ng anak ko sa kanyang ama—at ganoon din naman si Yashir kay Yzari. Ramdam ko. Nakikita ko. At sa kabila ng lahat ng sakit, umaasa pa rin ako. Umaasa akong sapat na pagmamahal iyon. Sapat para hindi niya saktan ang damdamin ng anak namin. Sapat para piliin niya ang pagiging ama kaysa sa ibang ugnayang hindi kailanman magiging tama. Sapat para huwag niyang piliing iwan si Yzari—lalo na ngayong panahong pinaka-nangangailangan a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD