Yashir's side 13: Mabigat na tanong!

1946 Words

------- ***Yashir’s POV*** - Kinabukasan, habang papalabas na sana ako ng condo, narinig ko ang mahina ngunit malinaw na tinig ni Denise. Buo pa rin sa pandinig ko ang takot sa kanyang tinig. “Yashir… please, huwag mo akong iwan ngayon. Natatakot ako,” aniya habang nakaupo sa gilid ng sofa. Namumutla siya at namumugto ang kanyang mga mata. Hindi ako agad tumugon. Tumigil ako sa paghakbang at saglit siyang tinitigan mula sa kinatatayuan ko. Tahimik ko siyang pinagmasdan—mukhang hindi siya nakatulog nang maayos, at hindi na rin siguro nakabawi ng lakas. Dahil siguro ito sa lahat ng nangyari sa kanya kagabi. At ikinatuwa ko ito ng sobra. “Nanaginip ako,” dagdag pa niya, bahagyang nanginginig ang tinig. Sunod- sunod ang pagtulo ng luha. “Nakita ko… yung babae. Yung asawa ng lalaking nagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD