-------- ***Azalea’s POV*** - Nakatayo ako sa gilid ng silid, tahimik na pinagmamasdan si Yashir na nagsisimula sa kanyang unang araw ng physical therapy. Wala akong ibang naririnig kundi ang mahinang tunog ng rubber soles sa sahig, at ang kalmadong tinig ng therapist niyang si Joel. “Okay, Sir Yashir. Subukan po nating ituwid ang kanang binti. Mabagal lang, huwag pilitin,” mahinahong wika ni Joel habang nakayuko at maingat na minamasdan ang bawat kilos ni Yashir. Gusto ko sanang lumapit. Gusto ko sanang hawakan ang braso niya, iparamdam na narito lang ako sa tabi niya, handang tumulong at sumuporta. Pero paano ko gagawin yan? Alam ko naman na allergic siya sa presensya ko. At isa pa, hindi rin talaga ako puwedeng lumapit. Buntis ako. Sa laki yang tao, hindi ko kaya ang lakas niya.

