------ ***Cleofe’s POV*** - Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang tinatanaw ko ang bahay nina Ate Azalea mula sa loob ng kotse ni Marco. Kay sakit. Kahit ako mismo ang pumili na sumama kay Marco, nakaramdam pa rin ako ng hapdi sa dibdib. Masakit iwan ang natitira kong kamag-anak, masakit mamaalam kay Ate Azalea na alam kong may tampo siya sa akin. Apat na taon na ang nakalilipas mula nang mamatay si Inay. Akala ko noon, wala na akong ibang matatakbuhang pamilya. Wala nang sasalo sa akin. Pero bago tuluyang pumanaw si inay, may huling bilin siya: hanapin ko raw ang kapatid niya dito sa San Martin. Doon nagsimula ang paglalakbay ko—bitbit ang takot, pangamba, at kaunting pag-asa. Pagdating ko, si Ate Azalea na lang pala ang natagpuan ko. Wala na rin ang tatay niya—ang tanging koneksy

