-------- ***Azalea’s POV*** - “Ano ang ginagawa mo dito?” lakas-loob kong tanong kay Yashir habang mabilis akong lumapit kay Asher. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko—kahit pilit kong itinatago, nanginginig pa rin ang boses ko. Ngunit naunahan niya ako. Mabilis niyang kinarga si Asher—maingat ngunit sabik, parang matagal na niyang gustong gawin iyon. Agad kong napansin ang pamumula ng kanyang mga mata, pati ang mga mumunting luha na tahimik na dumaloy mula roon. Mas lalo akong napatigil. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Bakit siya nandito ngayon? Bakit siya muling nagpapakita sa amin pagkatapos ng mahigit dalawang taon? “Hello, baby…” marahang bulong niya habang dahan-dahang niyayakap si Asher. “I am your daddy. I’m sorry. I’m really sorry.” Mabigat ang bawat salitang l

