------ ***Azalea’s POV*** - “W-Wala, anak,” sagot ko kay Yzari, sabay iling. Pilit akong ngumiti, pero alam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko. Mapait, may dalang lungkot ang ngiting iyon na pilit kong ikinukubli. Pero kahit anong pilit, hindi ito maitago ng mga mata ko. “Sige, maglaro ka muna. Punta muna ako sa farm,” paalam ko sa kanya. Kailangan ko na talagang umalis sa harapan niya. Baka tuluyan nang mabasag ang pinipilit kong tibay ng loob. Tumango siya, kaya hinalikan ko na lang ang noo niya bago ako tuluyang lumakad paalis. Totoong pupunta ako sa farm, pero hindi pa ako dumiretso roon. Sa halip, dumaan muna ako sa likod ng bahay at lumakad papunta sa maliit na batis sa hindi kalayuan. Hindi ko na ininda ang mga sanga at damo sa daanan. Mabigat ang loob ko at hindi ko na napa

