------- ***Yashir’s POV*** - “Ano ba ’yong mga pinagsasabi mo, Azalea?” hindi ko mapigilan sabi, hindi ko mapigilan ang mairita. Nagsimula na naman sa hinala niya, hindi pa nga niya alam ang totoo. Hindi na naman niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kung ano ang naabutan niya. Halos magkasunod lang naman ang dating nilang dalawa ni Denise. “Tinatakot mo si Denise!” Hindi naman ako kay Denise na nag- alala kundi sa kanya. Paano kung pagdiskitahan pa siya ni Denise. Sinabi ba naman niya na makakapatay siya ng kabit. At parang sinasabi niya na isang kabit si Denise. Well, Denise might be a mistress pero hindi sa akin. Nag- alala lang talaga ako sa kanya. I am not always there to protect her. Hindi naman kami laging magkasama. Kilala ko si Denise--- Denise is a b***h!

