bc

Magkabilang Mundo

book_age16+
38
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
kickass heroine
bxg
mystery
werewolves
vampire
another world
secrets
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Isang mundo na lingid sa kaalaman ng iba. Isang mundo na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata. Sa likod ng antigong salamin na mapapasakamay ng isang ordinaryong dalaga, mabubuksan ang mundong ni sa hinagap ay di niya alam na mayroon pala.

Ano ang matutuklasan ni Atasha sa mundong ito?

Takot?

o

Pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue: Escape
“TAKBO, Atasha!" sigaw ni Nana habang inihaharang ang katawan sa mga humahabol sa amin. Si Tata ay nakahiga na sa lupa at naliligo na sa kanyang sariling dugo. Hindi ko alam kung ano ang kailangan sa amin ng mga taong ito ngunit ang kanilang mga mata'y nagniningas na parang apoy. Hilam na ng luha ang aking mga mata. Ayokong iwanan si ina. Mamamatay siya sa kamay ng mga nilalang na ito! Nawalan na nga ako ng ama, kaya hindi ako makapapayag na pati si Nana ay mawala rin sa akin. Umiling ako at nanatili sa kanyang likuran. Ang dalawang nakalapit sa amin ay hinarap niya at ilang beses na hinataw ng kanyang hawak na latigo. 'Yon ang madalas kong makitang dasalan nila ni ama simula pa pagkabata ko. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na may kakaiba sa aking mga magulang ngunit nakakagimbal lang ang aking nasasaksihan ngayon. Ang dalawang tao na kanina'y nagniningas ang mga mata ay bigla na lamang naging mabangis na hayop nang mahataw ni ina ng kanyang latigo. Ang isa'y naging isang itim na baboy samantalang ang isa'y naging itim na uwak. Isang beses pang hinataw ni ina ang dalawang hayop na nasa lupa na at bigla silang nag-apoy at naging abo. "Tumakbo ka na, anak, pakiusap!" sumamo ni ina habang hinahaplos ang aking mukha. Sa 'di kalayuan ay nakikita ko na ang mas marami pang paparating. Para silang isang batalyon ng sundalo na makikidigma. Umiling ako."Pero ina, hindi kita hahayaang maiwan na mag-isa rito. Papatayin ka rin nila katulad ng ginawa nila kay Tata." "Mas mahalaga ang iyong kaligtasan, anak, kaya sumunod ka sa inuutos ko sa 'yo. Balang araw ay maiintindihan mo rin ang dahilan ng lahat ng ito. Kailangang makalayo ka rito at magtago. Pakiusap anak, h'wag mong sayangin ang pagsasakripisyo ng iyong Tata. Sige na, takbo na, Atasha!" "Ngunit ina . . ." Naputol ang aking sasabihin nang may biglang sumulpot sa harapan namin. Isang matangkad at matipunong lalaki. Nagulat ako nang bigla na lang niyang kagatin sa leeg si ina. Napatakip ako sa aking bibig at natulos sa aking kinatatayuan. Nanginig at nangilabot ang aking buong katawan dahil sa nakikita sa aking harapan. Bampira. Ang mga nilalang na humahabol at pumatay sa aking pamilya ay mga bampira. Mga nilalang na ni sa hinagap ay 'di ko akalaing namumuhay at makasasalamuha ko pa. Mistula akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. Bigla na lamang binitawan ng lalaki ang aking ina na sigurado akong wala nang buhay. Kumulog, kumidlat at bumuhos ang napakalakas na ulan. Pumaling ng tingin sa direksiyon ko ang lalaking pumaslang sa aking ina. Tinatamaan siya ng ilaw mula sa kidlat. Nakadama ako ng matinding takot dahil sa bawat pagtama ng ilaw sa paligid ay malinaw kong nakikita ang kaniyang wangis. Nangatal ang aking buong katawan lalo pa nang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin. Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa pero parang hindi ko maigalaw ang mga ito. Kung sana ay pinakinggan ko na lamang si ina. Ngayon ay naduduwag ako dahil sa uri ng titig niya. Nakatatakot, o mas mabuting ilarawan siya bilang nakapangingilabot na nilalang. Matalim ang kaniyang tingin at halos magkulay dugo ang kaniyang mga mata. Humakbang ako paatras ngunit humahakbang din siya paabante sa akin. "Huwag kang lalapit!" banta ko sa kanya ngunit ngumisi lang siya at patuloy sa paghakbang. Atras lang din ako nang atras hanggang sa mapaupo ako dahil nadulas ako. Nagkamali ako ng bagsak kaya pakiramdam ko'y nabalian ako ng buto. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay ang aking katapusan. Umusal ako ng mahinang panalangin hanggang sa madama ko ang hininga na lumapat sa aking punong tainga. "Papatayin ko ang lahat nang hahadlang sa atin Aryanda. Pag-aari kita. . . sa akin ka lang . . ." Nanayo ang mga balahibo ko sa batok sa pagtama ng hininga niya sa aking balat. Ngunit sino ba si Aryanda? Bakit niya ako tinawag sa pangalang 'yon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
130.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
102.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook