Kung titingnang mabuti, parang normal lng itong ginagawa naming pag-upo ni Andres sa labas ng isang ihawan... Ngunit alam ko, at ramdam ko simula pa lang nang pag-alis namin sa bahay ng kaibigan niya, ang pagiging tahimik niya.
Hindi ko alam kung bakit sa nararamdaman kong lamig mula sa kanya ay bumigat ang dibdib ko. Hindi ako mapakali, maya't maya ang paghinga ko ng malalim. Iyong mahina lang na hindi niya maririnig.
Hindi ko alam...
Dahil ba sa nangyari? Hindi lang naman iyon ang unang beses. Pang-ilan na ba? Pangalawa? Pangatlo? O higit pa roon?
Higit pa di'ba? Pero bakit pakiramdam ko iba ito sa mga nagdaan.
"Drei." Tawag ko sa hangin, sa sobrang hina nabigla ako noong lumingon siya. Napalunok tuloy ako sa kaba. Gusto ko siyang kausapin, ngunit nagdadalawang isip ako...
"Anya?" Tanong niya sa mahinang boses. Mas lalo lang akong kinabahan.
Mabigat talaga ang hangin... Nanlalamig ako, pero pinagpapawisan.
Hindi ko gusto 'to... Kinakabahan ako kasi hindi ko gusto 'to.
... Naiiyak ako.
"Anya?" Ulit niya. Ngunit naputol ang titigan namin ng dumating ang mga ipinaluto niya noon.
Pinipisil ko iyong daliri ko sa kaba. Makakain kaya ako ng maayos gayong ganito? Itong paligid, itong awra na nakapalibot sa amin... Makakaakto kaya ako ng mabuti?
"Let's eat." Himay niya sa Sinugbang Bangus.
Napalunok ako, hindi sa pagkain kundi sa kakaibang tunog na nanggaling sa kanya.
Sinubukan kong kumain, kahit na parang pakiramdam ko ay wala akong kasama roon. Masyadong tahimik ang paligid. Masyadong tahimik si Andres. Na nakakapanibago.
"Drei..." Ulit ko at mahinang hinigit ang kakaonting tela sa damit niya.
Nakasunod ako noon sa likod niya, papaalis na kami. Madilim sa paligid, ngunit tanaw ko ang damit niya sa dilim.
Natigilan siya, narinig ko pa ang paghinga niya ng ilang ulit. Parang nagpipigil.
Nanginig ako sa kaba kaya nabitawan ko iyong kaonting damit na nahila ko. Hindi ko alam... Pero bakit pakiramdam ko umiiwas si Andres sa akin?
Nagtutubig ang mga mata ko sa kirot. Hindi ko kasi talaga maintindihan!
"Galit ka b-ba?" Sa sobrang lamig ng paligid, naging kasing nipis ng hangin ang boses ko.
"Ha?" Nagtatakang tanong niya.
"G-galit ka?" Ulit ko, halos masinok sa kaba.
Natigilan siya sa pangalawang ulit kong tanong. Hindi ko man masyadong aninag ang reaksyon ng mukha niya, ngunit alam ko kung bakit nagtagal ang sagot niya. Nakatitig siya sa akin ng matagal. Iyong matagal na halos ikinakaba ko ng wasto.
"No... Hindi... I mean what made you think that I am mad, Anya?" Humakbang siya ng dalawang beses bago hinaplos ang braso ko.
Halos makuryente ako sa kilabot habang sinusubukan na titigan ang matigas at magaspang niyang kamay sa braso ko.
Mainit iyon... Kabaliktaran ng pinakita niyang lamig sa akin kanina.
"Kasi... Ano... Kanina ka pa tahimik." Napaiwas ako ng titig sa kanya. Kasi sa sobrang lapit niya, kahit madilim, naaaninag ko ang lalim ng titig niya.
"I am thinking, Anya." Buntong hininga niya.
Napalingon ako sa kanya nang bitawan niya ako. Kung hindi, bakit ganito?
"Galit... K-ka nga yata..." Kinakabahang wika ko.
"Hindi ako galit, Anya. I am really thinking... About you. About this situation."
Nakagat ko na lang iyong labi ko at tumango. Muli siyang tumalikod kaya sumunod ako sa kanya.
Iniintindi ko kahit na sa sumunod na pinuntahan namin. Tinitiis ko... Pero hindi ko talaga kaya...
"Drei." Naiiyak na wika ko. At hinawakan siya sa braso.
Nahihilo ako, kahit na wala pa sa isang bote iyong alak na ininom ko. Nahihilo ako dahil sa sobrang pag-iisip.
"Bakit, Anya?" Seryosong tanong niya.
"Hindi kita maintindihan." Wika ko at mahigpit na hinawakan siya sa braso.
Bumuntong hininga siya. At niyakap ako ng mahigpit, iyong yakap na sobrang sabik. Kahit boung oras naman kaming magkasama, ramdam ko iyong pagkakamiss niya sa akin.
"I have no patience, Anya. But for you, I will wait. Until you'll like me. Pero itong sitwasyon natin. Hindi ko yata kayang tiisin." Wika niya. Rinig ko iyong t***k ng puso niya, sobrang malakas. Na dapat ako yata itong kinakabahan pero siya pa yata ang kinabahan.
"Just trust me, Anya." Wika niya ulit.
Nakagat ko iyong labi ko sa kahihiyan. Naiiyak ako kasi kung ano-ano itong pinag-iisip ko tungol sa kanya. Na dapat wala lang naman. Binibigyan ko kasi ng kahulugan ang lahat.
"I like you too much, that I'm willing to do everything for you. For your own good."
Laglag ang panga ko nang magising kinabukasan. Rinig ko iyong lakas ng lagapak ng sampal. Parang ako iyong nasaktan sa sobrang lakas.
"Andres! Ano bang iniisip mo at pinapahamak mo itong apo ko! Nagtiwala ako sa'yo! Pero ito pa ang ginanti mo sa akin!" Halos madurog ang puso ko ng maaninag na si Mama iyon.
Umiiyak, nadidismaya at nasasaktan. Kinabog ng sobrang malakas ang puso ko habang pinipilit ang mga nanigas kong paa papunta sa sala ng bahay.
"M-ma..." Tawag ko. Lumingon siya akin, yong galit na inaasahan ko na matatanggap ko mula sa kanya... Iba ang nakita ko.
Lungkot... Dismaya... At pagmamakaawa.
Umiyak ako. Kasi hindi ko inaasahan na aabot sa ganito.
"S-sorry po, Ma." Umiiyak na wika ko, tinakpan ko iyong bibig ko sa sakit.
"Anya... Bakit mo naman nagawa 'to?" Umiiling na wika niya, at umiiyak na rin.
Dali-dali ko siyang niyakap kahit na nanginginig ako sa kaba.
"S-sorry po..."
"Umuwi na tayo... Ayaw kong nakikita ka na sumasama sa lalaking 'to!" Turo niya kay Andres at hinigit ako palabas ng bahay.
May naghihintay na pick up sa labas. Kulay puti, may driver sa unahan. Mukhang nirentahan ni Mama. May mga stocks sa likod. Mukhang napadaan lang talaga sila dito.
Hinihigit ako ni Mama palabas sa tarangkahan, ngunit naalala ko si Andres!
"M-ma... Sandali lang po..." Pigil ko sa kanya.
Hindi ko naman inaasahan na bibitawan niya ako, muntik pa akong natumba.
"Sige! Sige Anya! Pag pinili mong balikan ang lalaking yon... Kalimutan mo nang ako ang nagpalaki sa iyo!"
Napanganga ako sa kondisyon ni Mama. Natulala ako sandali bago nilingon si Andres na tanaw kong nakatayo lang doon at tulala sa kung anong meron sa tapat niya.
Hindi ako sigurado kung gusto ko nga talaga si Andres, pero...
"Sorry Ma..." Umiiyak na wika ko bago tumalikod. At halos pagsisihan ko iyong desisyon ko nang marinig ang mga kataga ni Mama.
"Wala kang pinagkaiba kay Ana, Anya."
Napaupo ako sa upuang yari sa kahoy habang nanginginig sa kakaiyak. Nandoon sa Andres, nakatitig ng matagal sa kawalan bago tumabi sa akin.
"A-an..."
"Sorry! Sorry!" Umiiyak na wika ko habang hinihigit ang damit niya.
"I'm sorry, Drei. Di ko kayang maging katulad ni Ana."
Nakatitig siya sa akin habang umiiyak ako.
Tumango siya, mukhang naiintindihan niya naman.
Hindi ko talaga kayang ipagpalit si Mama kay Andres... Ayaw kong maging katulad ni Ana. Ayaw kong magkamali na pagsisihan ko rin naman sa huli.
Kasi kanina, habang pinipili ko si Andres... Parang dinudurog ako sa sakit sahil kay Mama.
Si Mama na naging buhay ko noon bago si Andres.
"Drei..." Tawag ko habang nakaupo sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung sasakyan niya nga ba talaga 'to, iba kasi sa ginamit niya kagabi.
"Anya... Don't worry too much." Ngiti niya, iyong ngiti na malungkot. Hindi ko naman magawang ngumiti. Ngayon pa lang nasasaktan na ako.
Tumango ako at hinalikan siya sa labi.
Hindi ko alam, siguro dahil sa nararamdaman kong attachment kaya nagiging ganito ako. Nalilito. At nasasaktan.
Parang 360° na nagbago ang buhay ko sa loob lang ng maikling panahon.
"M-ma..." Kanina pa ako hindi mapakali habang nasa labas, nagdadalawang isip ako kung papasok o hindi. Pero sa huli pinili ko ang pumasok.
Nandon si Mama, bahagyang tulala at nakatitig sa bukas na tv. Alam ko na sa amin o sa akin lumilipad ang isipan niya. Wala roon sa palabas na nasa tv.
"A-anya... Sorry, Anak... Patawad kung nasabi ko iyon."
Ang sakit-sakit na makita kong ganito na nasasaktan si Mama. Kasalanan ko kasi nagpadala ako sa kapusukan.
Sa init ng katawan.
Mabuti na lang habang maaga pa, pinigilan na ng pagkakataon at tadhana ang nangyayari sa'kin ngayon.
Kahit dapit hapon na naghanda pa rin ako para tumulong sa Grocery Store. Nadatnan ko si Mama na naghahanda sa hapagkainan. Ngumiti siya sa akin. Ako naman ay nag-aalangan dahil sa hiya. Alam ko kahit na hindi siya magtanong, kuryoso ito sa ginagawa ko noon sa puder ni Andres. Kahit hindi niya sabihin, alam ko kung anong dumi ang pumapasok sa isipan niya.
"Ma, ako na." Saway ko dahil sa paghuhugas ng pinggan.
Naging ilang ito ng magkatitigan kami. Napahinga na lang ako ng malalim. Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan niya... Pwede bang magdasal lang ang dalawang magkaiba ang kasarian na nasa iisang silid?
"Anya!" Kaway ni Ate Ka, day off niya kahapon kaya ngayon lang kami nagkita ulit.
Tuwang-tuwa siya, walang kaalam-alam sa mga nangyari sa'min ni Mama't Andres.
Hindi gaanong naging busy ang hapon, kaya panay ang dantay ko sa counter habang natutulala sa labas. Ngunit napatayo ako ng matuwid ng makita si Garfie... Sa pag-aakalang kasama niya si Andres.
Napabuntong-hininga ako, at lumingon sa loob ng Grocery ngunit kinabahan ng makatitigan si Mama.
Napalunok ako at napayuko.
"Anya... Okay lang ba?" Tanong ni Ate Ka, si Mama ay umalis sandali para sa maling inventory na nakuha niya sa isang supplier. Kaya ako ang nautusan ni Ate Ka na kumuha ng mga school supplies na kakailanganin sa store.
Nagbonnet ako at naglakad sa gilid ng daan, ngunit halos mapatalon ng mapagbuksan ng bintana ng sasakyan.
Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko, tuwa o alangan kasi hanggang ngayon ganoon pa rin ang takot ko nang maalala si Mama.
Alam naming mali, pero bakit ganoon? Bakit paulit-ulit na lang na nangyayari 'to?
"Anya. Can we talk? Just a sec."
Malungkot na wika niya. Kinabahan ako.
Kahit natatakot ay mabilis akong umikot at sumakay.
"I'll be leaving in a week."
Nanghina ako sa biglang sinabi niya. Na hindi ko inaasahan...