7

1472 Words
"Balikan mo nga ulit, Anak. Nakalimutan na yata tayo." Napabuntong hininga na lang ako ng palihim dahil sa utos ni Mama. Kasi dapat ngayon ay nakagayak na ako at bumabyahe patungo sa kabilang bayan para sa date namin ni Drei, nangako ako sa kanya kahit na sabi ko ay magpahinga muna kami lalo na roon sa kadahilanang nakita kami ni Jingle. Alam niya naman iyon... Pero mukhang wala rin naman siyang pakialam. Gusto niya akong i-date, at lalong gusto ko naman. Sa sobrang galak niya ay nandoon na ito sa kabilang bayan, naghihintay sa lumang bahay ni nirentahan nito mula sa kaibigan. Hindi ko magawang magmaktol habang ginagawa lahat ng utos ni Mama. Mula sa pagkuha ng listahan ng mga kulang sa Grocery Store, hanggang sa huling inventory... Tahimik lamang ako at nagbabakasakaling matapos na ito. Ngunit gumabi na lang ay hindi ko man lang magawang tumakas mula kay Mama. O sa tingin ko lang... "Mukhang hindi ka mapakali riyan, Anak. May lakad ka ba?" Tanong ni Mama sa kalagitnaan ng Alas sais at Alas siete. Hindi ko alam kung ngingiti ako o kakabahan gayong alam ko rin namang pag humingi ako ng permiso, sigurado namang papayag siya... Wag nga lang maisingit ang kahit na anong tungkol kay Andres. "May lakad ka ba?" Ulit niya ng makitang nag-aalangan ako. "S-sana, Ma..." Kasing lakas na siguro ng speaker sa labas ang tambol ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam... O alam ko naman talaga na kaya ganito ay dahil pag tinanong ako ni Mama kung saan ang lakad ko, at kung anong gagawin ko roon...siguradong makokonsensya ako o kakainin ako ng konsensya ko pag nagsinungaling pa ako. "Sige na... Lumakad ka na... Hindi kita pipigilan, Anak. Basta wag lang masyadong magpagabi o kung gagabihin ka naman. Bukas ka na umuwi." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa galak. O tahimik na lamang na magpasalamat dahil sa biglang iba ng ihip ng hangin. Umuwi ako ng bahay, nagbihis ng maayos. At kumuha ng extra'ng t-shirt... Kasi doon ako matutulog... Kung saan man abutin ng malalim na gabi. Sumakay ako ng bus, at tinext si Drei na nasa byahe na ako. Pagka-send ay doon na tumunog ang hawak ko na Cellphone. Galak ang una kong naramdaman ng makitang si Andres iyon. Naiyakap ko tuloy ng mahigpit ang nasa dibdib kong dalang bag. "Drei..." Kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. Para akong naiihi. At nakikiliti. "I thought you're not coming." Malalim na wika niya sa kabila. Napakagat labi ako at napangisi ng kaonti. Kinakabahan nga kasi ako, ngunit lamang ang pagkasabik. "Namiss kita... Hm, I wanna see you Drei." Namumungay na wika ko sa kanya, o sa sarili ko. Nahuli ko pang nilingon ako ni Manong na katabi ko noon sa bus. Tumawa siya sa kabilang linya. Napanguso tuloy ako ng kaonti, at nahiya rin sa tunog ng boses ko na parang inaantok. Mukhang nang-aakit... Kahit na hindi naman yon ang layon ko. "Hmm... I'll see you later, Anya. Susunduin kita." Nakatunganga ako sa ilaw na nasa labas habang naghihintay na matapos ang byahe. Alam kong mali ito, itong pagtakas ko... Pero kahit anong gawin kong iwas, doon pa rin talaga ang punta ko. Kung anuman ang kahihinatnan nitong desisyon ko sa buhay, kasalanan ko. Kasalanan ng batang ako. "Anya..." Tawag niya sa ilang ulit na paglingon-lingon ko sa paligid. Ngumiti ako ng malawak at hindi ko inaasahan na mayayakap ko siya ng ganito kahigpit. Kanina ko pa siya hinahanap at ganito na lang ang tuwa ko ng sa wakas ay nakita ko rin siya. Sabik na sabik akong makita siya... At hanggang ngayon ay napapaisip ako kung bakit ganoon... Gayong no'ng una ay halos ayawan ko siya sa pandidiri. Dahil ba sa halik? O talagang, dahil higit pa roon ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali pag wala siya sa paligid? Maaaring gusto ko na kaya siya? Pero bakit ganoon? Iba ang tumatakbo sa isipan ko? Nalilito ako! "May problema ba, Anya?" Maya ay tanong niya habang nagdadrive ng jeep na 'to. "Drei." Buntong hininga ko. "Spill it, Anya. You know that I'm always willing to listen on you." Seryosong wika niya. Napahinga ako ng malalim. "Drei, di ko kasi alam kung... Ano... Kung gusto na ba talaga kita. Kasi kahit ako nalilito na rin sa sarili ko." Napahinga ako ng malalim at yumuko habang pinaglalaruan ang daliri ko. "Anya, I am not forcing you to like me abruptly. Take your time, Anya. I am always here to wait." Napalunok ako sa sagot niya. Mas lalo lang akong nalito. Di ko rin naman maintindihan ang sarili kung bakit ganito... Ngunit alam ko kung bakit sabik na sabik ako lagi pag nariyan siya. Nag-iinit ako... Sa katawan at... Puso. Tumigil kami sa isang spanish style na bahay, mukhang lumang-luma na ito. Ang bumubuhay na lang siguro roon ay ang maliwanag na ilaw sa paligid nito. "This is my friend's house. Feel free to rest for awhile bago tayo tumungo sa bayan." Wika niya habang pinaparke ang sasakyan sa harap ng bahay. Bumaba ako at bitbit ang bag ay sumunod ako sa likod niya. Napalunok tuloy ako habang sinusundan ang likod niyang pumipiksi sa tuwing may gagawin siya sa harap. "Dito ka, doon ako." Turo niya sa pintuan na nasa tabi ng sala. Nakatingala ako habang tinatanaw ang hamba ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa dilim na nandon sa itaas. "Anya?" Tawag niya. Bahagyang nagtataka ang mukha ng lingunin ko siya. Ngumiti ako ng tipid at pumasok sa silid na binuksan niya kanina. Kinakabahan ako habang nakatitig sa ceiling. At ganoon na lang ang pagtalon ko ng makarinig ng kaluskos. Napapikit mata pa ako habang kinakalma ang sarili. Nandiyan si Andres, di naman niya siguro ako pababayaan. Wala lang siguro iyon. Ngunit sa sumunod na kaluskos ay tumakbo na ako bitbit ang bag at nanghula sa silid kung saan maaaring yon ang tinuro ni Andres kanina habang nakatanaw ako sa ikalawang palapag. "Anya?" Takang tanong niya ng datnan ko siyang nagsosout ng t-shirt. Nasuntok ko tuloy ang dibdib niya sa sobrang takot. "Bakit namili ka naman ng haunted house." Naiiyak na wika ko. Tumawa ito, mula sa pagkakalito kanina ay napalitan ng tawa iyon. "Haunted house?" "Ayaw ko dito... Nakakatakot. Kanina lang may narinig akong kaluskos ng kung ano mula sa itaas." Ngumisi siya at tumabi sa akin sa kama niya. "Baka daga lang iyon." Nanlaki ang mga mata ko habang tinititigan siya. "Ano?!" "Shhh..." Tawa niya ulit, "Gusto mo lang yata tumabi sa akin." Boung confident na wika niya. Nasuntok ko na naman ulit siya sa dibdib. "Ngayon na binigyan mo ako ng ideya." Natatawang wika ko. Mas lalo lang siyang natawa sa sinabi ko. "We can, Anya." Seryosong wika niya kalaunan at yumuko bago pasungkit-sungkit na humalik sa labi ko. Nangatog ang mga tuhod ko. Kahit nakaupo naman ako roon, parang bumigay pa rin ako. Ang lambot ng labi niya, kahit na mababaw lang ang mga halik niya. Para pa rin akong dinuduyan sa kaba. "I like you so much, Anya." Wika niya at mas lalo pang tumagilid para maabot ako. Palalim ng palalim ang halik niya. Kumakagat ang labi niya sa labi ko. Inaantok ako, nanginginig at nawawalan ng lakas. Nabitawan ko tuloy iyong yakap-yakap kong bag. At sa kanya na yumakap. Sinusubukan ko siyang higitin. Hanggang sa nawalan siya ng balanse. At napahiga ako sa lakas ng pwersa niya. Dumidiin siya sa akin, at mas lalo lang akong nanabik sa matunog na halikan namin. Napapadaing ako sa tamis noon, sa lalim ng halik. Sa mga dila naming nagmamalikot. Nakakainit... Nakakawala ng ulirat. "Hmm..." Ungol ko sa pagitan ng halik. Humiwalay sandali si Andres, at tinitigan ang mukha ko bago muling humalik. Mas malalim,mas mabilis. Hindi ako gaanong nakakasunod ngunit sa galing ni Andres, parang pakiramdam ko kasing galing niya na rin ako. Bumaba ang isang palad ko papunta sa dibdib niya. Napaungok ulit ako sa tigas noon. At ganoon na lang ang pagsinghap ko nang maramdaman ang isang palad niyang lumalapat sa isang dibdib ko. At biglang gumalaw iyon doon. Mas lalo lang akong hindi mapakali. Nag-iinit ako. Nagliliyab ang bou kung pagkatao. Para akong lalagnatin. "Anya..." At mas lalo pa akong tinupok ng pag-iinit ng makita ko kung gaano ba kapula si Andres... Ramdam ko ang ibaba niyang medyo kumikiskis. Nanginig lalo ang tuhod ko. Parang ang init-init ng mukha ko. At parang maiihi ako sa pagkasabik. "You silly girl." Saka siya humiwalay at umupo ng maayos, habang nakatingala sa ibabaw. Parang naihi yata ako sa nangyari. Shit... Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Hindi ko yata mapipigilan. Mas lalo lang akong tinutupok sa pagkasabik. Mas lalo lanf akong dinadala sa ibang parte ng mundo. Pero... Tama ba ito kung hindi naman ako sigurado kung... Kung gusto ko ba talaga si Andres?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD