"Sama ka na?"
Sa ilang taong nakakasalamuha ko sa isang araw, isa yata si Jingle sa mga makukulit na nabibilang doon.
Ewan ko nga ba kung bakit sa dami rin ng mga kaklasi naming mas angat ang buhay ay ako pa talaga ang gusto niyang sumama.
Nakakatuwa na iniisip din niya pala akong imbitahin kahit hindi pa naman kami gaanong close. Kaso, nakakahiya.
Hindi sa ano, masyado lang kasing pormal iyong party na dadaluhan niya. Hindi ako nababagay, at saka takot akong husgahan ng mga tao.
"Hindi pwede e..."
Sumimangot ito sa sagot ko. Alam ko namang hindi niya ako titigilan, ngunit sigurado na kasi ako sa desisyon ko.
Isa pa...
Uuwi si Ana.
Siguro nga sa dami rin ng mga taong nabubuhay na may katulad ng sitwasyon ko, ilang porsyento rin ang tulad ko na umaasang isang araw ituturing rin na tunay na anak ng inang lumuwal sa amin... o kahit tanggapin man lang.
"Nalalapit na ang kaarawan mo apo, ano bang gusto mo?"
Tanong ni Mama, weekend, habang kinukuhaan ko siya ng puting buhok.
Natahimik ako, alam niya naman siguro kung ano ang gusto ko. O kung sino ang gusto ko. Sadyang mailap lang ang pagkakataon, at ayaw talaga akong pagbigyan.
Sa labing walong taon kong pamumuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko kailan man naranasang pahalagahan, o alagaan ng totoo kong ina. Marahil hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi niya sa naudlot niyang pangarap.
Masaklap dahil kung tutuusin, kasalanan ko bang nabuntis siya ng maaga?
"Talaga bang Nanay mo iyan?"
Tanong ni Bell, isang araw na sumama si Ana kay Mama para sa araw ng pagtatapos ko sa sekandarya.
Tuwang tuwa ako, kasi kahit papa'no naging regalo na rin iyon sa akin. Sa kaarawan ko. At sa pagtatapos ko sa highschool.
"Pasensya na apo, umuwi na si Ana. May trabaho pa raw."
Kung anong ikinasaya ko sa pag-akyat sa entablado ay siya namang pagkalugmok ng aking pag asa nang sa pagbaba ay si Mama na lang ang naabutan ko.
Ganoon ba talaga kahirap?
Gusto kong maramdaman at maranasan ang pag-aaruga ni Ana. Pero kailan pa?
"Ano? Tara na?"
Tanong ni Jingle habang umiinom ng tubig sa kusina namin.
Tumango ako at sumilip sa labas. Tulog na si Mama, wala naman sigurong magsusumbong.
Ng gabing yon tumakas ako kasama ang kaibigan ko. Kahit saan, kahit saan na lang.
Hanggang sa tumigil kami sa Ktv Bar ni Ante Jill.
"Wag kang magsusumbong Ante ha, sekreto lang natin plsss..." Bulong ko sa kanya.
Ngumisi lang ito at hinayaan kami. Ngunit kahit ganoon hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko.
Mapait. Pero ewan ko nga ba kung bakit napapanatag ako sa mga inuming nalalasahan ng aking dila. Siguro nga, tulad ng iba tunay na nakakapagbigay ng luwalhati ang ilang basong alak. Nakakalimutan mo ang problema ng mundo. Nakakalimutan ko si Ana.
"CR lang ako." Paalam ko sa dalawa.
Tumango ang mga yon. Sa labas ng room na nirentahan ni Jingle ang CR na para sa lahat. Susuray suray akong naglalakad. Sino bang nagsabi na kapag lasing hindi na alam kung ano ang ginagawa? I doubt... Alam ko pa rin ngunit sadyang parang lumulutang ang pakiramdam. Dinuduyan. Ganito nga talaga yata e.
"Ooopsss." Wika ko nang sa malakas na pagtulak ay nakita kong may lalaking umiihi...
Sa sink?
Seryoso?
May ilalasing pa atang ibang tao sa pakiramdam ko ngayon.
Natawa tuloy ako, ganoon din siya. Ngunit nawala ang ngiti ko ng pagkakaharap niya sa akin ay nakaturo ng diretso iyong nakalawit na nasa ibaba niya.
"s**t! Manong, yong sawa niyo po." Kinakabahang wika ko.
"Anya?"
Namutla ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Manong. Wag po kayong magsusumbong a?" Tambol ng dibdib ko ang unang pumasok sa isipan ko.
Patay ako kay Mama...
At lalong patay ako kay Ana.
Umaksyon itong sini-zip ang bibig. Mas lalo akong natawa at pumasok na ng tuluyan.
"What are you doing, Anya?"
"Manong, ang sink hindi iniihian. May inidoro po." Tawa ko at ibinaba ang shorts kasama ang salawal.
Hindi ko klaro kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Ngunit konklusyon ko ay nanlalaki ang mga mata nito. Kaya sa halip, isang nakakawalang mata ang iginanti kong ngiti sa kanya.
"Proud na proud iyong alaga niyo, Manong oh." Tukso ko at tinapik-tapik ang alaga niyang malasawa pala sa sobrang laswa.
"A-anya, you bad girl! Stop that!"
Natawa lang ako at napapikit pagkatapos ay muli akong tumayo para isaayos ang mga ibinaba ko kanina. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang talaga ang pandinig ko kaya parang lindol sa akin ang mga hiningang narinig ko sa maliit na palikuran na iyon.
Ngunit tama lang sigurong bumigay ako sa taong hindi ko naman kilala para sa sama ng loob na inipon ko sa mga taon na yon.
Napakasama talaga ni Ana. Bakit ba paulit-ulit niya akong sinasaktan ng ganito? Ano bang ginawa kong kasalanan para kamuhian niya ako ng ganito?
"Anya? Bakit ka uniiyak?"
Nahilo lang ako sa tanong niya ngunit pinili ko ang dumaan sa gilid niya at mabilis na umalis.
Hindi ako brokenhearted dahil sa pag-ibig. At hindi dahil lalaki kaya sa unang beses ay naglasing ako't sinuway si Mama.
Si Ana kasi...
"Anya? Anak? Anya?"
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago tuluyang naupo sa kama at hinarap si Mama na malungkot na malungkot habang nakatanaw sa akin.
Napaiyak ako at niyakap si Mama. Pakiwari ko'y alam niyang naglasing ako kagabi. Pakiwari ko rin ay alam niyang alam ko na ang mga nalalaman niya.
Pakiramdam ko ay trinaydor ako ng ilang taon na.
Kaya ba hindi umuuwi si Ana ay dahil sa ibang pamilya?
"Kumain ka pa..."
"Ma..." Iling ko. Hindi naman ito nagpumilit pa, maaga kaming gumayak.
Text ng text si Jingle at Bell at kinakumusta ang nararamdaman ko ngayon. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero okay na kesa naman sa mag-alala pa ang mga yon.
"Ito? Gusto mo?" Tanong ni Mama, na akala ata'y sa pamamagitan no'n ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ko pero kabaliktaran pa ata.
"Ma, gusto ko po sa Maynila mag-aral."
Natigilan si Mama at ibinaba ang tinitingnan na Dress, bulaklakin iyon at kakulay ng aking balat.
"Masyadong malayo iyon, Anya. Kakayanin mo ba?"
Biglang naglaho ang pangarap kong sa syudad na iyon mag-aral. Tinitigan ko si Mama na parang bumagsak ang mundo sa sobrang lungkot. Narealize kong, si Ana ba talaga ang uunahin ko kesa kay Mama na siyang nagpalaki sa akin?
Umiling na lang ako at kinuha ang pinili ni Lola para sa akin. Maganda naman iyon, masyado lang sexy sa likod pero mukhang kakayanin kong soutin.
Pagkatapos kumain sa labas ay umuwi rin naman kami agad at dumiretso na sa pa-groceryhan ni Mama. Sa tabi nito ay ang franchise na 7/11. Napatitig ako sa labas habang nakauniporme at nagbabantay sa negosyo namin.
Mukhang uulan pa, at hindi nga ako nagkamali. Hindi iilang minuto'y bumagsak ang ulan tubig.
Maswerte na nga akong maituturing dahil kahit papa'no nasa puder ako ni Mama na talaga namang sobra-sobra kung mag-alaga. Hindi niya ako pinabayaan kahit na isang disappointment ako sa nag-iisa niyang anak.
At mas lalo pang naging disappointment dahil naging pabaya ito at ipinaalaga ako kay Mama.
"Hooo, puta basa tuloy!" Sigaw ni Garfie, habang nagwawaswas sa pintuan ng groceryhan ni Mama. Napatayo ako at nag-ayos.
Narinig kong may natawa, yong lalaking higit na mas matangkad kay Garfie.
Natulala ako sandali, iniisip kung saan ko siya nakita. At ng napagtanto ay napaupo ako sa ilalim ng counter. Napatingin din sa akin si Ate Ka, na parang nagtataka.
Shiiitttt!! Nakalimutan ko na iyon e.
Pero bakit?
"Hoy! Anya? Anong nangyari sa'yo?"
Nag-sshhh sign ako sa kanya. Kumunot ang noo niya pero dahil sa biglang paglapit ng mga boses ay napilitan itong tigilan ang pagtatanong sa akin.
"Hoy Drei... Ano bang trip mo at nagpaulan pa talaga para lang makapunta dito sa tindahan ni Aling Alicia? Type mo ba itong si Ka?" Sunod noo'y tawanan na napansin ko nga ang pamumula ni Ate Ka.
Yong Drei ay yong taong binastos ko sa KTV ni Ante Jill. Saka yong taong una akong pinakitaan ng alaga niya. Kaya nakakahiya talaga! Ano ba kasing pumasok sa kukote ko noon? Pihadong iba na ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.
"Tumahimik ka nga Gar, bibili lang ako ng yusi."
"Aseee... Sinong niloko mo?"
Narinig ko na naman ang pamilyar na pagtawa niya. Hindi pikunin ang isang 'to, at lalong hindi siniseryoso ang mga bagay-bagay.
"Nandiyan ba si Anya?"
Tumambol ng malakas ang aking dibdib dahil sa kaba. Para akong mawawalan ng ulirat... Bakit niya ako hinahanap? Nagtataka ako kung bakit kilala niya ako gayong hindi ko naman siya kilala.
"Pucha?! Drei? Yong bata? Yong si Anya? Yon ang type mo? Pedo ka!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya na para bang naaaliw, samantalang ako ay para na ring mahihimatay lalo na at dahil pasimpleng sumusulyap sa akin si Ate Ka. Sana nga lang matagal bago makabalik si Mama, dahil talagang malaking gulo ito.
"E-eehhh, Sir..." Nauutal na wika ni Ate Ka nang nakailang ulit na tanong na sila sa pag-aakalang makakakuha kaagad ng sagot.
"Nahihiya ata..." Wika niya, si Drei... Sino ba si Drei? No'ng una pa lang ay parang kilala niya na ako, pero di ko naman 'yata' siya kilala.
Hindi ko maalala kung nakausap ko na ba siya noon.
"Stop hiding, Anya..." Kinilabutan ako at nang tumingala ay nakita kong nakadungaw si Drei sa akin. Kita ko nga sa gilid niya na parang naiilang si Ate Ka.
"Hi Anya!" Tawang-tawang wika ni Garfie, "Anong meron? Bakit di ko alam? Hoyyy, kayong dalawa... Anong meron sa inyo?"
Ngunit isang akbay ang naging sagot niya kay Garfie, may kasama pang bahagyang dutdot sa counter.
Naiilang ako dahil nahuli niya akong nagtatago roon. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa ginagawa ko roon.
Kahit siguro magpaliwanag ako ay ganoon din naman ang iisipin niya.
"Ah?" Nanginginig na tumayo ako at inayos ang sarili. Nahuli ko kung paanong tumitig sa akin si Ate Ka na halatang nagtataka na talaga.
"You've grown so beautiful, Anya."
Nangatal yata ako, na parang di na makapag-isip ng maayos habang sinasabi sa sariling okay lang... Kasi di naman niya siguro ako ilalaglag sa harap ni Ate Ka.
Isa pa... Mukhang matinong tao naman siya.
"Hala?!" Manghang wika ni Ate Ka. Natatawa ito, ngunit inaabala naman ang sarili sa pag-aayos ng mga box na naroon.
"Po?" Wala sa kanya ang atensyon ko ng nagtanong ako nito.
Hindi ko naman kasi sigurado kung dapat ganoon ba talaga. O dapat bang magpasalamat ako. Kasi naman hindi ako sigurado kung talaga bang kilala niya ako.
"We'd met before, Anya. You're my ex's daughter, right? Ana..."
Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya.
Shit! s**t! Ano 'to?