2

1723 Words
"Andres?" "Hi Tita!" Kilala siya ni Mama, kilala siya ng pamilya ko. Ngunit bakit tila wala siya sa mga alaala ko? Sino ba siya? T-ta... "Ma... Nanay ko po siya?" Tanong ko nang isang araw ay umuwi si Ana, noon naman ipinakilala ni Mama ang nag-iisa nitong anak. Bata pa lang ako ay alam ko nang hindi ako anak ni Mama. Noon pa lang ipinaliwanag na sa akin ni Mama ang totoo kong sitwasyon. Tanggap ko, tanggap na ng batang puso't isipan ko. "Oo, Anya. Nanay mo siya." Hindi ako umiyak, kasi talagang lito ang unang pumasok sa mura kong isipan. Kung siya ang totoo kong magulang, bakit ganoon? Bakit hindi ko maramdaman? Para akong nangangapa... At hindi ko alam kung bakit. "E si Tatay, Ma?" Tanong ko isang araw nang umuwi ako galing eskwela. Naalala ko ang guhit ng aking guro noon, isang pamilyang may ama't ina. Kaya maaari ring meron ako. Pero sino? "Umuwi ka na pala?" Tanong ni Mama. "No'ng isang Linggo lang po, Tita. Anak ni Ana?" Turo niya sa akin. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang kaba... Mukha naman siyang kaedaran ni Ana kaya pwede kayang... "Why do you have that indifference look in your face?" Manghang tanong nito. Naging hilaw ang ngiti ko. Nilingon ko si Mama na nakangiti ng mahinhin habang nakatanaw sa lalaking 'to. Kung sakali... Nakakahiya dahil sa nangyari kagabi. "Ma..." Tawag ko kay Mama na mas lumapit pa sa amin. Si Garfie nama'y nakikinig lang at nagmamasid. Si Ate Ka, abala na ito sa pag-aayos ng mga gamit roon. "Bakit Anya?" Malumanay na tanong nito. Ngumiti ako ng malungkot. Bakit kaya sa dinami-dami ng mga bata sa mundo, bakit ako pa ang tinamaan ng kamalasan? Dalawang indibidwal ang kusang umanduna sa akin... Bakit gano'n? Nakakahiyang magtanong... Pero sa ikakapanatag ng loob ko. Maglalakas loob na lang ako para matapos na ang tanong na 'to. "Ma... Tatay ko po?" Turo ko kay Andres... Kung tawagin ni Mama. Natahimik ng ilang minuto, nalaglag ang buhat-buhat na kahon ni Ate Ka. Nanlaki ang mga mata ni Mama. Si Andres, nalaglag ang panga. Ngunit lahat iyon nabasag ng isang malakas na hagalpak na nagmula kay Garfie. "Puta?!" Putol-putol na tawa nito, "Tatay daw?!" Sumasakit na tiyan na tawa ni Garfie. Parang gusto ko namang bumalik sa ibabang tinaguan ko kanina dahil sa kahihiyan. Gusto ko lang naman malaman, hindi naman ako magpupumilit. Natawa na rin ang tatlo, si Ate Ka na tawang-tawa at tinapik-tapik ang balikat ko. "Joker ka Anya!" Napa-hiss ako dahil sa kaonting inis at hiya. "Anya... Mabait iyang si Andres. Kung Tatay mo nga iyan, di sana'y nasa puder ka na niya ngayon. At masyadong malayo ang pagkakahawig ninyong dalawa." Dinagdagan pa ng kahihiyan iyon dahil sa sinabi ni Mama. Saan na ako pupulutin nito? Si Ate Ka ang naiwang tumuka sa Groceryhan ni Mama. Nag-aya kasi ang dalawa, at nagpumilit pa kaya napa-oo si Mama. Nakauniporme pa ako ng lumabas kami at naglakad sa kabilang kanto patungo sa isang malaking subdivision. Hindi ko alam kung bakit doon, gayong sabi nito ay kakain lang kami sa labas. Busog ako pero dahil sa courtesy na gustong mangyari ni Mama, sumama na lang din ako. Hingi ng hingi ako ng paumanhin dahil sa kalaspatangan ko kanina, ngunit tawa lang nito ang naging sagot sa akin. Siguro nga malaking katatawanan lang iyon na hindi dapat sineseryoso pagka't mukhang mabait naman iyong Andres, at hindi nag-iiwan ng semilya sa kung sinong babae. Lalo na kay Ana, na hindi ko mawari kung matino ba talagang babae. "Bakit dito, Andres? Masyadong mahal." Wika ni Mama ng tumigil kami sa harap ng isang simpleng restau sa loob ng subdivision. Namangha ako pagkat sa mga desinyong nakakabit sa labas pa lang mismo. "Sus, Tita... Si Andres pa ba? Sa dami ng pera niyan kulang na lang ay asawa." Tumawa si Mama sa banat ni Garfie. Napaisip din ako kung bakit hanggang ngayon wala pa rin itong asawa. Kung titingnan mukha naman itong nasa tamang estado na. At kung titingnan din, dapat tulad ni Ana ay mabuting makapag-asawa na rin ito. Ngumisi lang ito at hindi na nagkomento pa. Ngunit pansin ko ang pabalik-balik na titig nito sa akin. Naiilang ako, dahil pihadong ganoon pa rin ang iniisip nito ngayon. Sa pag-aakala ko na Tatay ko ito gayong napakaimposible pala. "Ngayon lang ito Andres. Nakakahiya sa iyo." Sabi ulit ni Mama habang pumipili sa menu. Ngumiti ako... Si Mama talaga. Hanggang ngayon ganoon pa rin. "Mauulit pa ata, Tita..." Tawa ni Garfie, at makahulugang tumitig kay Andres na naubo at natawa na rin. Wala akong makitang logic sa pinag-uusapan ng dalawa. "Kaarawan no'ng isang araw ni Anya... At graduation na rin. Pero gusto ko sanang may enggrandeng selebrasyon itong apo ko. Sa susunod na Linggo gaganapin. Pumunta kayo..." "Ma! Wag na po." Ngumiti ng malungkot sa Mama bago sinabing, "Pagbigyan mo na ako rito, Apo." Natahimik ako. At mas lalo pang tumahimik ng dumating ang mga pagkain. Enggrandeng birthday... Sobra-sobra kung magmahal si Mama. Pero bakit ganoon? Bakit sa dami ng kamalasang nangyari, siya ang sumasalo? Pakiramdam ko, nasa pamilya namin iyon. Parang malas lahat ng babae sa pamilyang 'to. Si Ante Jill, na di na nag-asawa dahil sa unang pag-ibig nito. Si Mama na nabalo ng maaga. At si Ana, na nabuntis ng maaga... Kung gayon, ako kaya? Anong mangyayari sa akin? "Malalim yata ang iniisip mo, Anya?" Ikinabigla ko ang biglang pagsulpot ng tanong na iyon. Muntik ko pang nabitawan ang hawak ko na bowl. Napatitig ako kay Mama na natatawa dahil sa mga hirit ni Garfie. Bumalik kaagad ang mga pansin ko sa lalaking katabi ko lang ngayon. Hindi ko mawari kung dapat ko bang ikapanatag na hindi ko naman pala ito tatay. Atleast, hindi ako maiilang ng sobra-sobra dahil sa kabaliwan ko kagabi. "Napapaisip ako..." "Ng alin?" Medyo nakaangat ng kilay na tanong nito. Nakagat ko iyong pang-ibabang labi ko dahil sa kaba... Kabang kaba ako. Ngunit sa halip na matakot, parang naging panatag ang loob ko sa lahat. "Paano niyo ho ako nakilala?" Ngumisi siya... s**t! Bakit ba? Gwapo pala ito. Hindi ko lang pinapansin noon dahil sa takot ko sa mga lalaki. Sa nangyari ba naman sa pamilya ko, magkakaroon ba sila ng puwang sa buhay ko? Parang Kastilain ang pinanggalingan niyang lahi... Pwera kasi sa namumula niyang balat, klaro ko iyong light brown sa kanyang mga mata. Saka matangkad siya. Kaso iyon lang... Higit na mas matanda ito sa akin ng sobra sa isang dekada. Shit? Ano ba itong pinag-iisip ko? "Kilala ka naman ng boung komunidad, Anya. Bakit naman hindi kita makikilala?" Pilyong ngisi nito. Parang natunaw naman ako sa sagot nito... Kilala nga ako, at yon ang pinagsasawalang bahala ko. "Lovers..." Wika ni Garfie ng nagpaalam si Mama. Hindi ko alam kung assuming lang ba talaga ako o talagang iyon nga ang tinutukoy ni Garfie... Bakit tila kami ang tinutukoy nito. Mukhang kami nga dahil sa tawang binitawan ni Andres. Gusto ko namang lumubog sa kahihiyan. Bakit ganito? "Anya... Alam mo bang..." Putol nito ng sinapok siya ni Andres. Hindi ako makahinga dahil sa pagkakailang. Hindi ko maisip na ganoon ang iniisip ni Garfie sa aming dalawa. Saka napagkamalan ko itong tatay ko, at mukhang tatay ko talaga. Kaya nakakahiya at aminin ko man o hindi... Nakakadiri... Nakakadiri talaga. Gwapo naman siya e... Kung kina Jingle isang pinagpala itong lalaking ito. Para sa akin... Ayaw ko dahil ayaw kong mainvolve kaninuman. At lalong sa higit na mas matanda sa akin. "Uy, okay ka lang Anya?" Nagtatakang tanong ni Garfie. Nawala ang tawa mula sa mga labi ni Andres, napalitan iyon ng pangamba. Nakagat ko naman iyong pang-ibabang labi ko sa hindi ko malamang damdamin. "H-hindi, ano... " Mabuti na lang bumalik kaagad si Mama na agad nagsalita. Napahinga ako ng malalim. Ayaw ko sa iniisip ni Garfie... Dahil higit sa lahat... Ayaw ko sa malayo ang agwat sa akin. At isa pa, hindi ko plinanong magkaroon ng pag-ibig. "Salamat Andres. Yong sinabi kong selebrasyon, pumunta kayo." Tumango ang dalawa. Si Garfie na makulit na naman at si Andres... Na nakakailang na nakatitig sa akin. Alam ba niyang ayaw ko sa kanya? "Sino ho ba talaga ang tatay ko, Ma?" Naiiyak na tanong ko ng isang araw ay umuwi na naman si Ana. Galit ito... Pero bakit naman sa akin niya binubunton iyon? Nasampal niya ako kahit wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Nanahimik ako kahit na pinagmumura niya ako. Bakit ganoon? Pinipilit ko siyang intindihin, pero bakit sa halip na magandang resulta ang mangyari. Ito pa? "Anya! Pagpasensyahan mo na iyong----" "Ma~~" Nangangatal na yakap ko sa kanya. Bakit di niya masabi-sabi? Sino ba talaga ang tatay ko? Ang hirap mangapa sa dilim. Ang hirap intindihin ni Ana... Bakit siya pa itong galit sa akin? May narinig ba siyang galit mula sa akin tungkol do'n sa pag-aasawa niya sa Maynila? Wala naman di'ba? Narinig ko ang mga hikbi ni Mama, natigilan ako at lumuwag ang yakap ko sa kanya. "Sorry Anak... Sorry... Di dapat nangyayari sa'yo 'to." Sumabog ako, at kahit ayaw ko. Kahit ayaw ko ng umiyak dahil sa nagbago na ang isip ko. Ang sakit-sakit na talaga e... Masisiraan ako kapag laging ganito. "Hoy, babaita! Tagal mong nagtago sa inyo, a!" Asar ni Jingle nang nagkaabutan kami sa palengke. Ngumiti ako at pinaliwanag sa kanyang busy ako sa pagtatrabaho sa Groceryhan ni Mama. Ngumiti lang ito ng makahulugan at niyaya akong mamasyal sa Batangas, doon sa dati nilang bahay. Umiling ako kasi maiiwan si Mama ng mag-isa. "Sus, tatandang dalaga ka niyan!" Tukso nito. Kumaway ako noong nakita si Nicole. Yong dating kapitbahay namin na lumipat sa kabilang bayan. Kaya naputol ang pag-uusap namin ni Jingle. "Maghahanda ulit si Mama sa susunod na Linggo. Debut ko, sabi niya. Kaya pumunta kayo ni Bell." Ngumisi ito at tinapik ako sa balikat. "Oo ba basta may inumin." Nangasim ako ng kaonti at natawa na lang din sa kakulitan niya. Sabi ko iiwas ako sa mga lalaking ikasisira ng buhay ko. Pero bakit ganoon? Mas lalo yata akong napapalapit. Hindi ko alam... Kahit nandidiri ako no'ng una ay ipinagpatuloy ko pa rin iyon. Sa likod ng bahay... Sa ilalim ng punong mangga, natikman ko ang unang halik na naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Para akong lumutang... Sa sariling alapaap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD