4

1707 Words
Hindi ko alam kung nakakapansin na si Mama sa pagiging lutang ko mula pa kanina... Pero kasi, ngayong araw na 'to inutusan niya lang akong kumuha ng mga kakailanganing supply sa pinagkukuhanan namin sa kabilang bayan. Umoo ako, na dapat lang naman. Saka, siguro ito ang nararapat dahil sa tingin ko makakaiwas ako kay Andres. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa niya yong kagabi. Hindi ko masabi kung gawa lang iyon ng mga inuming nilaklak niya kagabi. O siguro sinadya niya nga talaga yon, may alak man o wala. No'ng una pa lang... Dapat alam ko na talagang may iba itong gustong gawin... O ibang balak sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko nang maisip ang mga konklusyon. Maaari... O talagang yon talaga. Napapikit na lang ako ng mariin at sumandal sa upuan, isang oras pa bago ko marating iyong destinasyon. Sabi ni Mama, ako na raw ang bahala sa mga proseso dahil sila naman itong maghahatid sa amin. Nakapikit pa rin ako at inayos paibaba ang sout kong sombrero. Para lang naman matakpan ang mukha ko sa lahat. Kahit papa'no, narerelax ako sa mahabang byahe na yon. Pagkababa sa terminal ay agad na akong pumara ng tricycle, ilang minuto lang ay nando'n na'ko. Malaking warehouse lang iyon, may mga taong pumaparito't pumaparoon. Sabi ni Mama, magtanong-tanong lang raw ako at may maghahatid sa akin patungo sa mismong opisina ng lugar. "Doon po Ma'am. Lumiko lang po kayo diyan, pagkatapos doon may makikita kang maliit na opisina. Yon na po." Wika ng isa sa mga trabahador na nadatnan kong nagkakarga ng mga kahon. Tumango ako at naglakad patungo roon. Mabilis ko namang nakita dahil natatangi talaga ito. Nakatatlong katok ako noon bago pinagbuksan ng babaeng nakakamangha. Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil sa ganda niya. Kasi naman, sa bayan namin hindi o kailan man hindi pa ako nakakita ng half pinoy at half foreigner. Ganito pala... Nakakahiya. "Hi! You must be Annia Chavez?" Napangiti ako na parang nahihiya at tumango. Patay! Nag-eenglish pa. Hindi ko napaghandaan ito... Dapat sinabi agad sa akin ni Mama. "I have prepared every things..." Wika nito at nag-ayos ng upuan sa harap ng mesa. "Thank you... P-po." Nakakailang pala. Natatawa na lang din ako sa sarili ko dahil dito. "Here... Take a look. I maybe forgot something not in the list." Nanlalamig ako, pero pinasadahan ko ng tingin iyong mga nasa listahan. Wala naman... Sakto lang. "It's complete... Ma'am." Natawa tuloy siya, hindi ko alam kung dahil ba sa English ko o sadyang awkward lang talaga ako sa sitwasyon. "Don't worry, I understand Filipino... But I don't know how to speak using your language." Napahiya naman ako roon. Pakiramdam ko nainsulto ako ng kaonti lang naman. Ginantihan ko na lang siya ng ngiti. Ngunit nawalan talaga ako ng gana. Nagpaalam ako pagkatapos ng mahaba habang diskusyon. Nagpapaypay ako sa hinubad kong sombrero dahil sa init at alinsangan ng panahon. Pawis na pawis na rin ang noo ko sa sikat ng araw. "Manong, sa pinakamalapit lang po na kainan." Nagpapasalamat talaga ako noong hinatid ako ni Manong sa isang kainan, na hindi naman gaanong kamahalan, pero may AC. Nakakain ako ng matiwasay, at nakapagdagdag pa ng halo-halo. Tinext ko si Mama ukol doon sa tinagpo kong supplier. Sabi niya ay pwede raw muna akong magliwaliw bago umuwi sa amin... Pwede naman... Kaya nga pagkatapos noon ay nagpahatid ako sa pinakamalapit na mall. Gusto ko lang magpalamig, at magpahinga sa pagod na natamo ko sa ilang araw na ring nagdaan. Blessing in disguise... Or not. Halos mabilaukan ako sa kinakaing siomai nang mula sa malayo ay natanaw ko ang bulto ni Andres na patanaw-tanaw sa paligid. Instinct ang unang nag-utos sa akin para tumalikod at tumungo sa isang corner na hindi gaanong natatanaw. Kinakabahan ako, at natataranta na rin kaya ganoon na lang ang takot kong lumingon muli. Ilang minuto pa'y nagkalakas loob na rin ako. At napahinga ng malalim ng matanaw na wala na ito roon. Paanong hindi ko mapapansin yong tao? Gayong mas matangkad ito sa nakakarami, at higit na gwapo. Nakakaasar lang dahil sa ginawa niya sa akin kagabi kaya hindi ko masyadong masabing attractive siya ganoong aspeto. Naiinis lang ako, nahihiya at natatakot na baka magkasalubong kami at hindi ko malaman kung anong gagawin pagkatapos. Baka masampal ko siya kamo... Mabilis ang mga kilos ko para makalabas na roon sa mall. Ayaw ko sa ideyang nasa iisang ground lang kami, at anytime ay pwede kaming magkasalubong. Kaya nga sa pagmamadali ko, muntik ko nang magkabasagan ng bungo iyong kinatagpo kong Kana kanina sa supplier. "Oh! You're here!" Manghang wika nito. Napalingon pa ang ilan, ngumiti ako na parang naiilang. "It was just a sudden bump... I have to go Ma'am..." Wika ko. Narinig kong tinatawag niya ako pero kasing bilis ng kidlat ang pag-alis ko roon. Ayaw ko talaga sa ideyang nasa iisang space lang kami ng mga taong ayaw ko talagang makasama. Napailing pa ako... Hindi ko mawari kung kailan pa naging ganoon ang takbo ng isipan ko at emosyon. Marahil si Ana ang may gawa nito sa akin... O sadyang nakakainis lang talaga ang mga pinaggagawa ng mga taong nasa paligid ko ngayon. Mas maaga tuloy akong nakauwi... Panatag na kasi ako dahil sa isiping nasa kabilang bayan si Andres. Siya lang naman talaga ang higit na iniiwasan ko sa panahong yon. Kaya nga nagtaka si Mama kung bakit napaaga ang uwi ko ngayon. Sinabi ko na lang na naging mabilis ang lahat ng prosesong niyari ko roon. Tumango lang ito at nag-asikaso pa ng mga kakailanganin sa pa-groceryhan niya. Nakatunganga lang ako roon sa isang upuan habang tinititigan ang pagbagsak ng tubig ulan sa labas. Nandoon kasi si Ate Ka, tsaka si Mama gusto niyang pagpahingahin na muna ako. Narinig kong tumunog ang cellphone na nasa bag ko, at ganoon na lang ang pagkakunot ng noo ko noong nabasa ang text ni Jingle. Kinukulit pa rin ako nito ukol doon sa bakasyon na gusto niyang mangyari. Masyadong malayo... At sigurado akong ayaw ko talagang... ... Sumama. Kaso dahil sa kakulitan niya, nadamay pati si Mama na pinursige akong sumama sa gustong mangyari ni Jingle. Sinabi pa ng huli na dapat hindi ako mag-alala dahil pati si Bell ay kasama rin doon. "Kj... Tsss." Asar na wika ni Jingle habang pumipila para kumuha ng ticket sa bus. Medyo natahimik ako roon... Medyo nasasaktan na rin. Ang OA-OA ko ngayong araw. O sadyang dahil sa dalaw. Humigit kumulang limang oras iyong papunta sa Batangas. Kaya panay din ang tulog ni Bell na minsan ay napapahilig sa akin. Nilingon ko naman si Jingle na nakangisi at panay ang pindot sa hawak na cellphone. Napakunot noo tuloy ako... Diyata't may kinahuhumalingang iba ito... O guni-guni ko lang... O tama talaga ako. Sa pagbaba pa lang, pareho na kaming nagimbal ni Bell sa pagkaripas ng takbo ni Jingle. At sa pagtalon niya sa isang lalaking kasing edad lang yata namin. "Alam mo?" Nagkatinginang tanong ni Bell. Napailing ako. Naisip ko, kailanma'y ni hindi nagkwento ng kung ano tungkol dito si Jingle. "Anya! Bell! Boyfriend ko nga pala, si Nathan!" Halos umihip ang hangin sa sobrang hyper niya noong ipinapakilala iyong lalaki na gwapo naman... Kaya lang sa sobrang inosente ng itsura, parang nakakatakot pag gumawa ng kalokohan. Tuwang-tuwa si Jingle... Kasi malaya silang makakapaglampungan. Panay din ang sulyap sa akin ni Bell na hindi ko mawari kung ano ang ekspresyon. Parang natatawa, na naiilang. "Hoy bruha! Kaya ba tuwang-tuwa ka pa noong hindi sumama parents mo?!" Asar na hila ni Bell sa buhok ni Jingle nang masolo namin siya. Parang witch lang na natawa ito. Napailing ako at natawa na lang din. Kaya nga boung araw ay kung hindi nakaupo, ay nasa labas naman kami ng isang kubo para kumain ng mga hinandang pagkain don. Habang sweet na sweet ang dalawa, panay ang kwentuhan namin ni Bell at minsa'y napapangiwi dahil sa distraction na nangyayari roon sa dalawa. Nasa malapit lang iyong bahay bakasyunan nina Jingle, kaya nang kinuha na namin ang mga backpack na dala-dala mula sa counter tumungo na kami roon. Medyo mahirap nga lang akyatin dahil sa hindi pantay ang pagkakagawa ng mga hagdang bato roon. Ngunit pagkarating sa tuktok, ganoon na lang ang tuwa nami ng natanaw ang malawak na karagatan. Pakiramdam ko lahat ng bigat ng loob na naipon ay biglang naglaho. "Anya..." Kalabit sa akin ni Bell. Napalingon ako sa kanya, may tinuro siya sa kabilang bahay... At halos tunawan ako ng mga kinain ko kanina sa nakita... Hindi ko alam kung sadya ang lahat. O dahil talagang nangyari lang ang dapat na mangyari. Kahit papadilim na ang paligid, hindi naman pwedeng takpan ng gabi ang sinag ng mga ilaw sa lalaking nakatayo sa balkonahe sa kabilang bahay habang umiinom ng kung ano sa hawak niyang baso. Hindi ko alam kung nakilala kami nito, o dahil sadyang tulala lang ito kaya mabagal at matagal ang pagkaway nito sa amin. Sa mga panahong yon, gusto ko namang tumakbo papasok sa bahay bakasyunan nina Jingle. Kaso naisip ko rin na magtataka panigurado ang dalawa. Hindi ko pa naikukwento sa dalawa ang nangyari no'ng gabi ng selebrasyon. At lalong wala naman akong balak na ikwento sa dalawa iyong nangyari. "Shit..." Bulong ko sa sarili at bahagyang napaatras no'ng naglakad si Dre--- Andres patungo sa kinatatayuan namin. "Ha?" Nagtatakang tanong ni Jingle. "Hi there ladies..." Bati nito habang hawak ang isang baso. "Oh? Hi Drei, anong ginagawa niyo po dito?" Si Bell ang unang napatanong. Natawa lang ito. "Nagbabakasyon lang sa bagong biling bahay." Narinig ko kung paanong namangha ang dalawa. Manghang-mangha sila samantalang ako rito, halos manigas na... Ayaw ko kasi sa pagsulyap-sulyap niyang iyan. Panong nangyaring sa laki ng mundo ay naging ganito kaliit? Maramdaman ko lang ang presensya niya, parang bibitayin na ako sa kaba. "Hi Anya..." Ngiti niya... O ngisi... O sadyang guni-guni ko lang iyon dahil sa mga nangyari... Hindi ako makakilos sa sobrang kaba... Pakiwari ko kasi kapag gumalaw ako isang maling desisyon lang ay masisira ang iniingatan kong sekreto. Ayaw ko no'n. Ayaw kong maging komplikado ang lahat... At lalong ayaw ko sa ideyang maiiba ang direksyon ng buhay ko dahil lang isang lalaking gusto yata akong paglaruan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD