"Hindi ka na ba magbibihis?" Takang tanong ni Ana nang sinabi kong didiretso na lang kami ng airport para tuluyan nang makauwi sa amin. Alam ko, sa sobrang kaba ko ay parang ayaw ko pa ring maniwala na nakauwi na si Andres. Kasi sa tagal nang panahon, akala ko dito na talaga siya sa Maynila titira. Iyon lang kasi ang balitang nasagap ko. Kaya hindi ko akalain na uuwi ito sa amin. Natuwa ako, kahit sulyap lang. Matutuwa na ako. Gano'n na kababaw ang kaligayahan ko sa ngayon. Hindi ako maghahabol. Hindi ko ipipilit ang sarili, ang gusto ko lang naman ay makita siya ulit. "Anya, bakit ayos na ayos ka?" Takang tanong ni Ana nang makita niya akong nagbibihis ng dress, yong dress na matagal ko nang di nasosout. Kulay asul iyon, na may kaonting desinyo sa gilid. At bukas na naman ang likod. "

