Kung may isa man akong bagay na gustong gawin ngayon, siguro ay ang tumakas... Ayaw ko sa ideya ni Andres, ayaw ko nito. Kasi habang tumatagal, habang papalapit kami sa lugar na gusto niyang puntahan... Parang pinapatay na ako. Ayaw ko nito, kasi natatakot ako. Alam ko na kanina pa palingon-lingon si Andres sa kinauupuan ko. Ngunit wala akong lakas para ibalik ang mga nakaw na sulyap niya. Siguro nga hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Pag naaalala ko lahat nang pinag-usapan namin, hindi ko mapigilang mapahikbi. Noon naman niya hahawakan ang kamay ko na agad kong iniiwas. Ang sama-sama nang loob ko. Parang nakakasuka. "Anya. We're here." Napalingon ako sa labas, sa mga punong naglalakihan. Sa modernong bahay na napapagitna sa dalawang malaking puno. Noon ko napansin ang paglabas

