"Nag-usap ba kayo?" Bulong sa akin ni Ate Ka nang lumabas ako. Umiling ako dahil yon naman talaga ang totoo... Hindi naman kami nag-usap, iyong usap na usap talaga. Napabuntong hininga siya saka hinawakan ang kamay ko. Na mukhang matatagalan pa bago bumalik sa dati nitong init. "Anya, hindi ko alam na gano'n ang sakit na naramdaman mo noon." Sabi niya ulit. Umiling na'ko. Ayaw kong pag-usapan. Wala namang mangyayari. Ito pa rin, babalik at babalik ang sakit. Medyo kinabahan ako no'ng nakitang lumabas si Andres mula sa bahay nina Ate Ka. Palinga-linga ito sa paligid... Ako nama'y napakagat labi, kasi tinakasan ko siya habang gumagamit siya ng banyo nina Ate Ka. "Anya..." Tawag niya ng mahanap ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinala patayo para ialis sa lugar na 'yon. Natulala

