"Naks, alam ko yang mga galawang ganyan." Sabi ni Jingle isang araw nang nagkita kami. Si Bell hinihintay pa namin habang nandito kami sa tapat ng ktv bar ni Ante Jill. Nagyayaya ang dalawa, kaya pinagbigyan ko na.
"Hindi naman masama ang magselos, Anya. Pero si Drei 'yon! Kulang na nga lang bakuran ka niya."
Napanguso ako kaya tumawa siya at naputol lang noong tinawag kami ni Ante Jill.
"Nakooo... Nasabi ni Alicia na may boyfriend ka na raw. Hindi naman nabanggit na si Andres pala." Tukso ni Ante.
Pakiramdam ko namumula ang dalawa kong pisngi dahil sa pag-iinit noon. Mahirap palang maging sentro ng usapan. Para akong ginigisa.
"Mabait naman si Andres... Nga lang, wag muna kayong magmadali. Bata ka pa. Si Andres alam kong handa nang magkapamilya. Pero ikaw ba, handa na?" Tanong niya ng nagpaalam si Jingle na susunduin lang si Bell sa kanto.
Napatingin ako sa tanong ni Ante. Awkward. Ganito pala ang pakiramdam pag tinatanong ka ng mga seryosong usapan...
Napangiti tuloy ako, kahit nahihiya sa sinasabi ni Ante Jill.
"Ante, napag-usapan na po namin iyan. Saka pareho po kaming hindi pa handa."
Ngumiti siya bago nagsabi nang, "Alam mo hindi natin masasabi kung kailan siya o ikaw magiging handa. Pero si Andres, kaedaran siya ni Ana... Syempre maghahanap iyan ng bubuuhing pamilya."
Napatango lang ako kahit na lutang ako sa sinasabi ni Ante.
"Anya... Alam mo, pag nagmadali ka. Malulungkot ng sobra-sobra ang Lola mo. Isipin mo sana muna siya bago ang alin man."
Napalunok lang ako at tumango... Si Mama nga pala... Nakalimutan ko ang mga bilin ni Mama. Yong mga sinasabi at di niya pagbawal sa'min ni Andres noon, bukal sa loob niya kaya? O kung oo naman... Di kaya'y masakit sa parte niya iyon?
Iniisip ko lang kasi ang kaligayahan ko. Nakalimutan ko ang kaligayahan niya.
Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko kinalimutan ko sandali si Mama. Naging pokus ako sa amin ni Andres.
"Wala ka ba talagang balak na lumipat ng Maynila?" Tanong ni Bell habang sumusubo ng sisig. Kumakanta naman si Jingle kaya medyo malakas ang pagkakatanong ni Bell. Na sinugundahan naman ng isa.
"Wala e... Si Mama kasi maiiwang mag-isa dito."
Tumango naman ang dalawa at muling tumutok sa pagkanta at pagkain na nasa mesa.
Salit-salitan kami sa pagkanta. Minsan nga sabay pa pag pare-pareho naming bet ang nasa list.
"Grabi! Nakakamiss pala ang ganito!" Sabay inat ni Jingle nang tuluyan na kaming nakalabas sa ktv bar ni Ante Jill. Alas sais na ng gabi kaya medyo madilim na sa labas.
Hinatid na muna namin si Bell sa kanila dahil ito yong pinakamalapit na uwian dito sa bayan, sumunod ay nagkanya-kanya na kaming uwi ni Jingle. Sabi niya baka bukas babalik na siyang Maynila kasama si Bell. Sa Lunes na kasi ang pasukan tulad ng akin kaya kailangan na talagang maghanda. Lalo na't nasa ikalawang taon na kami nang kanya-kanyang kurso. Mabilis talaga ang panahon dahil kinabukasan, halos ayaw kong bumitaw kay Andres nang sinabi niyang sa hapon ang flight niya patungong Maynila.
Nalulungkot ako, sa sobrang lungkot ko halos ayaw ko nang kumilos. Tinatamad ako, naiiyak ngunit walang magawa.
Hinahaplos-haplos ni Andres ang buhok ko nang humilig ako sa kanya. Nasa mga mesa kami sa Store at maaga pa para magkaroon ng tao roon. Yong kapatid ko naman nangibang bayan dahil bumili na ng gamit sa eskwela, kaya solo ko si Andres. Wala akong pagseselosan.
"I will call you everyday..." Maya'y sabi ni Andres.
Naiiyak ako... Alam ko kasi na matagal pa bago siya makakauwi. Kung mamamalasin pa, baka umabot iyon ng isang taon. Ni hindi pa nga siya sumasampa sa barko, para na akong nanghihina sa sobrang pagkasabik ko sa kanya.
"Kailangan ko ng umalis." Wika niya kalaunan.
Nanginginig ako sa kaba habang sinasamahan siya sa bahay niya, para kumuha ng gamit at saka tuluyan nang bumyahe patungong Maynila.
Naiiyak ako, walang imik, pero parang napag-iwanan ako habang sinasamahan siya. Pakiramdam ko tuloy wala siya sa tabi ko kahit nandoon pa ito.
"You worry too much, Anya..." Buntong hininga niya sabay dantay ng kamay niya sa ulo ko.
Napalunok lang ako at kinuha ang kamay niya sabay lagay ng lucky charm na nabili ko kahapon. Manipis lang iyon, pero umiilaw pag nasa dilim.
"I love you... I love you..." Ilang ulit niyang sabi bago humahalik-halik sa pisngi ko. Kagat ko naman iyong pang-ibabang labi ko habang naghihintay sa departure niya.
Para ngang nawalan ako ng gana kumilos nang tuluyan na siyang nilipad ng eroplano.
Pagkatapos no'n umuwi na ako sa amin at niyakap si Mama na noo'y naghuhugas ng pinggan sa kusina. Nalulungkot ako ng sobra-sobra... Pero sa ngayon kailangan na muna naming tiisan ang lahat.
"Umalis na ba si Andres?" Tanong niya at tuloy pa rin sa paghuhugas.
"Opo Ma."
Tumango lang siya sa sagot ko. Dumating naman ang kapatid ko na nag-aalburuto. Sinisisi ako dahil sa hindi ko raw pagsabi sa kanya na ngayon ang alis no'ng crush niya. Napakunot noo na lang tuloy ako sa mga sinasabi niya.
Pati si Mama nabibigla sa pinagsasabi ng kapatid ko. Napapatingin siya sa aming dalawa, nagtataka.
"Pagpasensyahan mo na, 'nak. Mukhang di pinalaki ng maayos ni Ana." Sabi ni Mama ng datnan niya ako sa likod ng bahay. Napatango lang ako at tiningnan ang cellphone ko na masyadong tahimik para sa gabing yon. Naghihintay ako kay Andres, ngunit mag-aalas onse na ay wala pa ring tawag galing sa kanya.
Nag-aalala na'ko... Kinakabahan pa... Ngunit lahat nang yon ay naputol nang tumunog ang cellphone ko eksaktong alas onse ng gabi.
"Akala ko di ka na tatawag..." Medyo malungkot na sabi ko sa kabilang linya.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. Doon na ako kinabog ng takot at kaba... Kilala ko si Andres. Pag ganitong malungkot ako, tutuksuhin ako noon. Ngunit ngayon... Bakit ganito?
"Anya... I'm sorry."
Nanginig ang kamay ko sa narinig... Kung hindi ko lang kilala ang boses ni Andres, iisipin kong iba ang nagsalita sa kabilang linya.
"I lied..."
Shit!
Yong ngisi ni Henry parang may ibang kahulugan, panay na rin ang tukso ng mga kaibigan ko sa akin habang hawak ko ang mga bulaklak na bigay niya. Hindi ko alam kung anong trip niya, o kung seryoso ito sa sinabi niya sa publiko. Kasi kilala ko si Henry, dakilang playboy din.
Siguro masaya ako na maging trope ng kung sino? Pakiramdam ko pinaglalaruan na ako ng lahat. Pakiramdam ko gano'n na lang ang worth ko kanino man.
Kasi tulad ni Andres, paglalaruan lang din ako ng mga lalaking nakilala ko.
"Sorry, ayaw ko muna ng manliligaw." Seryoso kong saad sabay balik sa kanya ng mga bulaklak. Narinig ko pa ang disappointments ng mga taong nakarinig noon.
Ayaw ko muna... Gusto ko, sarili ko muna ang isipin ko. Lalo na dahil no'ng nakaraang buwan... Halos umiyak si Mama ng makita ang mga grades ko na kung hindi man pasang awa... bagsak.
Si Andres. Ayaw ko siyang sisihin sa nangyayari sa akin... Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang dahilan ng panloloko niya. Wala akong kasalanan, at ramdam ko naman talaga ang pagpapahalaga niya sa akin noon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko... O baka naman, nagsinungaling lang siya dahil sa ibang rason?
Hindi ko alam...
Natatakot akong magtanong. Kahit kay Garfie.
"Uuwi na tayo?" Kunot noong tanong ni Acey nang sunduin ko siya sa school niya.
Nakatingin sa akin yong kasama niyang lalaki. Marahil nagtataka, ngunit ako yata ang dapat na magtaka. Sakto kasing pagdating ko ay siyang pagbitaw ng mga kamay ng dalawa.
"Oo, aalis tayo."
Sumimangot ito at nagpaalam sa lalaking nakatitig pa rin sa akin.
"Wag kang magmadali, Acey... Baka kasi pagsisisihan mo lang sa huli." Wika ko habang naghihintay ng tricycle.
"Bitter..."
Napalingon ako sa kanya, kunot noo.
"Hindi ako bitter, Acey. Sinasabi ko lang 'to sa'yo dahil sa napagdaanan ko. Alam ko namang pagsisisihan mo rin iyan sa huli."
Ngumisi siya, iyong ngisi na ikinakainisan ko noon ngunit ngayon ay wala na lang sa akin iyon.
"Anya... Hindi ka magbabago ng ganyan kung hindi ka talaga bitter. Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Mukha kang patay." Iling niya sabay pasok sa pumaradang tricycle.
Umiling na lang ako at sumakay sa likod ng tricycle. Napapabuntong-hininga.
Sinilip ko nga ang loob ng bag ko at binuksan ang brochure. Ito yong isa sa mga bigay ni Glay, may kapatid na nag-aaral sa Maynila. Gusto ko kasi, sa susunod na sem... Doon na ako mag-aaral. Hindi dahil sa mga alaala ko kay Andres, kundi dahil gusto kong bumawi kay Mama. At susubukan na gumradeyt on time.
Alam ko na hindi siya papayag... Pero susubok ako, babawi ako... At si Mama, dapat sa kanya lang ako pokus.
"Bobo mo talaga! Bakit ka sa Maynila mag-aaral?! Pwede ka namang bumawi mula dito! Alam mo ikaw, puro ka lang ganda! Kulang naman sa talino."
Nanlaki ang mga mata ko noong sigaw nang sigaw si Acey, galit na galit. Halata namang galit siya sa akin dahil sa sinabi ko ni Mama. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ayaw niya akong papuntahin ng Maynila?
Siya na galing doon, dapat alam niya ang malaking opportunity doon. Hindi tulad dito...
Kinabukasan kinausap ko ulit si Acey, kasi ayaw ko namang umalis sa susunod na Linggo para mag-enroll sa Maynila na ganitong galit ang kapatid ko.
Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito. Minsan pag sineswerte ang bait-bait, pero ngayon parang sinasapian.
"Kung tungkol kay An----"
"Acey! Hindi! Tungkol 'to kay Mama. Kailangan kong gumradweyt on time kaya mag-aadvance ako ng ilang subject sa Maynila para sakto next year babalikan ko na lang iyong mga bagsak ko."
Ngumisi siya, iyong ngisi na hindi usual sa pinapakita niya. Parang asar.
"Sigurado ka? Kasi sa pagkakaalam ko, huling sinearch mo sa f*******: mo e si Andres. Alam mo yata na nasa Maynila siya."
Yong inis ko nag-iipon dahil sa sinasabi ng batang 'to. Kuyom ko na ng mahigpit ang dalawa kong palad. Handa ng manuntok.
Oo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana isang araw makausap at makita ko man lang si Andres... At doon ako iiyak sa harapan niya. Ayaw kong umiyak ngayon, ayaw kong umiyak sa walang dahilan na pagsisinungaling niya.
Kasi si Andres yon...