"Kung gusto mo, pwede ka namang maiwan dito..." Hindi ko talaga maintindihan itong ugali ng kapatid ko! Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging maldita... Yong mga galit niya, wala sa lugar. Kahit naiinis na ako, wala akong magawa kundi magbuntung-hininga. Akala ko pa naman babait na ito kasi nasa puder na siya ni Mama... Ngunit mas lalo pa yatang lumala. "Doon ka!" Turo ni Ana sa isang silid. Isa pa sa mga kondisyon ni Mama para payagan ako na sa Maynila na mag-aral, itong pagtira ko sa bahay nina Ana. Tama nga ako... Nasa isang eskwater area nakatuloy ang nanay ko. Hindi ko maintindihan, kasi umasa ako na sa mas maayos na bahay nakatuloy ang mag-anak niya. Dapat medyo hindi sila hirap sa buhay. Pinapadalhan naman siya ni Mama, alam ko. "Ate..." Tawag ng pinakabunso. Ngunit sinaway

