"Aalis ka?" Tanong ni Ana nang makitang nililigpit ko ang mga damit ko at nilagay pabalik sa dala kong maleta noon. Tumango ako, ngunit di ko siya narinig na umangal o nagsalita man lang. Nabigla na lang ako noong tumabi siya sa akin, sa kama na ipinahiram niya sa akin. Napasinghap ako. Nakayuko pa rin ako, nanginginig... Umiiyak. Walang tunog. Kasi sa sobrang sakit, parang pinipiga ang puso ko. "Anong nangyayari sa'yo?" Malumanay na tanong niya, na siyang sobrang ikinabigla ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganito, ni hindi siya galit. "W-wala po." "Ako ba e niloloko mo, Anya. Kung wala, ano yan?" Sabay dantay ng daliri niya sa pisngi ko. Umiiling-iling ako nang ilang beses at pinalis ang luha na paulit-ulit na bumabaha. Ang hirap-hirap pigilan. Hanggang sa ngayon ayaw kong maniwala na

